Chapter 39

1.7K 99 11
                                    

[Kabanata 39]

Xyron Jin's P.O.V

Naglakad na ako pabalik nang Rest House at nadatnan ko naman ang mga kaybigan kong kasalukuyang nanunuod sa TV.

"Anong palabas?" Pagdating ko ay agad akong nagtanong.

"Nisekoi" sagot ni Zhad.

"Hindi ko alam me nanunuod pala kayo nang mga Anime?" Natatawa kong tanong. Parang mga bata, ang mga ganyang palabas ay pambata lang.

"Sabihin na nating impluwensya ito nang asawa mo" natatawa namang sabi ni Yron.

"Anong Asawa ang pinagsasasabi nyo dyan ha?!" Inis ko namang sabi.

"Asawa mo sa Papel?" Sabi pa ni Hinx.

"Asawa sa Puso" napalingon ako kay Veronica matapos nyang sabihin yun.

"Ayieeee" kinikilig pa ang tatlo. Akala mo naman mga babae kung maka tili!

"Pati ba naman ikaw Veronica?" Pa defeat kong tanong.

"Ako din" singit pa ni Speid.

"Pinagtutulungan nyo ba ako ha?" Inis na inis ko nang Tanong. Wala akong Kakampi eh!

"Wag kanang mainis dyan Pre, panuorin mona lang itong palabas oh, parang kwento nyo  lang ito ni Heavenia ayieeee! Nakaka kilig kayo amp!" Hindi ko alam kung totoo bang  lalaki itong si Zhad kasi mas babae pa sya sa babae kung kiligin at maka tili.

"Pambata lang naman yan" sabi ko at umastang bored na bored na. Hinawakan ako ni Veronica sa magkabilang braso at pinaupo sa tabi ni Zhad. Tutok na tutok ang paningin nilang lahat sa TV!

"Ano ba ang kwento nyan?" Takang Tanong ko.

"Tanungin mona lang si Zhad, sya kasi ang nakapanuod na nyan eh" sagot sa  akin ni Hinx.

"Ehem, Let me explain" panimula pa ni Zhad. Kumuha  pa sya nang panyo at itinali sa ulo na akala mo naman ay Gangster.

"Parang Romeo and Juliet lang naman ang kwento nang Anime na ito eh" sabi pa nito.

"Direct to the point gunggong" sabi ko pa.

"Easy, don't be excited, ikukwento ko naman eh" sabi pa nito ay huminga lang ako nang malalim at tinitigan ang Anime na sinasabi nila.

"Nakikita mo ba yang babaeng blonde ang buhok?" Malamang oo, hindi naman ako bulag para hindi makita eh. At tsaka Romeo and Juliet ang kwento? Hindi naman ganun ang kwento namin ni Heavenia eh tch. Tumango na lang ako bilang pagsang ayon sa tanong nyang nakikita ko ba daw yung babaeng Blonde ang buhok.

"Yun na nga, sya si Chitoge, sya ang nag-iisang Heiress nang Kirisaki Family. Yung lalaking Main Character naman ay Si Raku ang nag-iisang Heiress nang Rakuzan Family. Hindi magkasundo ang mga tauhan nang bawat pamilya at kahit saan sila magkita kita ay nagkakaroon  nang gyera sa pagitan nila dahil lahat sila ay mga Gangsters, ngayon naghahanap nang solusyon ang leader nila which is Tatay ni Chitoge at Raku kung papaano I prevent ang alitan sa pagitan nang dalawang Koponan. Naisipan nilang... ano sa tingin mo Pre?" Tanong nito sa akin.

"Ipakasal ang dalawa?" Hindi ko siguradong sagot. Ganun naman kasi yung sa amin ni Wild Woman eh pinakasal kami pero Hindi naman magkaalitan ang pamilya namin at hindi din sya mayaman.

"Mali, Kinausap nila ang kanikanilang mga anak na kung pwede ay magpanggap muna silang Mag Boyfriend at Girlfriend. Sa una ay  ayaw nang dalawa dahil may alitan silang dalawa dahil magkaklase sila. Sa kasagsagan nang pag-uusap, umatake ang mga tauhan nang Kirisaki Family dahil ang buong akala nila ay Kinidnap ang Heiress nilang si Chitoge kaya naman inatake nila ang Rakuzan Mansion, Wala nang nagawa ang dalawa kundi ang magpanggap na lover at natigil ang labanan, pero Hindi dun nagtatapos ang story, kahit saan magpunta ang dalawa ay  sinusundan nang palihim nang mga tauhan nang bawat pamilya upang masiguradong hindi peke ang relasyon nang dalawa kaya pati sa School nila eh kinailangan nilang magpanggap bilang lovers" kwento pa ni Zhad. Hindi ko alam na Fan din pala itong si Zhad nang mga ganitong klase nang Story.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang