Chapter 23

2.2K 104 10
                                    

[Kabanata 23]

Xyron Jin's P.O.V

Hinatid kona Si Veronica sa Bahay nila at nagpaalam sa isa't isa. Bumalik ako sa Hospital dahil ako Ang magbabantay Kay Daddy.

Pagdating ko sa Hospital ay nandun ang Mommy. Agad syang lumapit sa akin.

"Where's your wife?" Agad nyang tanong sa akin.

"She's on her family, pinayagan ko syang umuwi muna sa pamilya nya" I answered.

"How about your cousin?"

"Siguro nasa Palasyo na"

"Ikaw din pwede ka nang umuwi, ako na lang ang bahala sa Daddy mo, meron pa naman kayong Laro bukas. Mas magiging ok kung ipapahinga mo muna yang katawan mo nang maayos kang makakapaglaro bukas, don't worry Pupunta kami nang Daddy mo dahil panunuorin namin ang laro mo" tumango lang ako bilang tugon sa aking ina.

Agad akong Sumakay nang kotse ko at umuwi sa palasyo. Naabutan ko naman ang Isa sa aming mga guards at agad ko syang linapitan.

"Magandang Gabi po Mahal na Prinsipe" pagbati pa nito sa akin.

"Magandang Gabi, Gusto ko lang sanang itanong kung nakauwi na ba si Speid"

"Ang Prinsipe Speid po ba? Naku Wala pa po, Ang sabi nga po nang kanyang Ama kanina ay makikitulog daw po ang Prinsipe sa Isang Kaybigan kaya Hindi daw muna ito makakauwi ngayong gabi"

"Sige Salamat" Agad akong umalis at umakyat na sa aking kwarto. Agad akong naligo at pagkatapos ay isinalampak ang aking sarili sa Kama.

Hindi ako makatulog kaya naman ay tinawagan ko si Hinx upang itanong kung nasa kanila ba si Speid.

"Oh napatawag ka?"

"Sa inyo ba natulog si Speid?"

"Hindi, Wala sya dito"

"Sige"

Sunod kong tinawagan si Yron pero ganun din. Hindi sa kanila nakitulog si Speid. Sunod kong tinawagan ang tsismosong si Zhad pero Wala din dun si Speid.

Hindi ako mapakali, Kaya dinial ko ang Phone number ni Speid pero cannot be reach ito. Hindi ko naman alam kung ano ang number nang wild woman na yun. Kaya minabuti kong tawagan ang Tatay nito dahil nakuha ko naman ang numero nito.

Nakaka ilang ring ito nang sagutin nya ang tawag ko.

"Hello?" May pagtataka pa ang tono nang pananalita nito.

"Hello po, si Xyron po ito"

"Ah Iho ikaw pala, napatawag ka?"

"Itatanong ko lang po kung andyan po ba sa inyo Si Speid, yung pinsan ko po"

"Naku iho Wala sya dito"

"Pero sya po ang naghatid kay Wild- kay Heavenia sa Bahay nyo kanina"

"Sa bahay namin? Pero wala kami sa bahay, nasa Probinsya kami ngayon dahil binisita namin ang Lola ni Heavenia. Ang Nanay nang Nanay ni Heavenia"

"I-ibig nyo po bang sabihin walang tao sa bahay nyo?"

"Parang ganun na nga"

"Sige po maraming salamat po"

"Sige" Agad kong pinatay ang Phone ko. Agad akong bumaba at kinuha ang susi nang kotse ko. Agad ko itong pina andar at binilisan ang pagmamaneho. Nalagpasan ko na ang Plaza kung saan kami kumain nang mga kakaibang pagkain kanina.

F*ck! Paano ko pupuntahan ang bahay nila kung Hindi ko naman alam kung saan ang bahay nila! Why I can't think right! What the hell is going with me?

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now