Chapter 58

1.7K 90 32
                                    

[Kabanata 57]

Heavenia's P.O.V

Pagkatapos naming mag shopping ni Speid ay dumiretso na kami agad sa Restaurant kasama namin si Yron dahil kukuhanan nya daw kami ng mga Pictures. Isa syang Photographer kaya sigurado akong ipopost nya ito sa mga social media accounts nya gaya nang ginawa nya nung nakaraan.

Nang makapasok at makapwesto na kami sa Restaurant ay agad naman kaming umorder. Masaya naman Kaming kumain hanggang sa may mahagip akong kataka-takang tao na nakamasid sa amin.

"Excuse lang muna" pagpapaalam ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Speid.

"Basta bibilisan ko lang excuse muna!" Agad akong lumabas sa Restaurant at sinundan ko ang lalaking nakasuot nang itim na shade, itim na jacket, itim na sombrero at itim na pantalon in short man in black.

Sunod lang ako nang sunod sa kanya hanggang pumasok sya sa isang makipot at maliit na daan na sa tingin ko ay isang eskinita.

Sumunod akong pumasok sa eskinita, Sa tingin ko ay malayo layo na ako sa Restaurant na pinanggalingan ko kanina, sigurado din akong naiinip na ngayon ang dalawa kahihintay sa akin.

Sinusundan ko lang yung lalaking naka itim. Nakita kong may kinatagpo itong isa pang lalaki at inabot nito ang isang IPod.

Nagulat ako nang bigla silang tumingin sa pwesto ko, mabilis naman akong nagtago sa likod ng sirang karinton na punong puno nang mga karton.

"Sino yan?" Rinig kong tanong nang lalaking nakasuot nang itim. Hindi ko naman masyadong makita ang mga mukha nila dahil sa mga sombrero nilang suot.

"Check it out" utos naman nung isa pang lalaki. Nakasuot ito nang pormal na kasuotan. Naka American suit ito at halatang may kaya sa buhay.

Papalapit na nang papalapit ang naka itim na lalaki sa kinaroroonan ko. Ramdam ko nang nasa panganib ang buhay ko kaya dali Dali akong tumakbo.

"H-Hey! You!" Rinig kong sigaw nito. Tumakbo lamang ako nang tumakbo, ibinuhos kong lahat nang makakaya ko para makatakbo ako nang mabilis.

Halos Hindi kona gustuhing lumingon pa dahil sigurado akong sinusundan na ako nang mga lalaking iyon. Hinihingal na ako at alam kong kahit na anong oras, minuto at Segundo ay matutumba na ako dahil nanghihina na ang tuhod ko.

Ilang Segundo pa ay napatigil ako sa kakatakbo at hingal na hingal akong napakapit sa dibdib ko. Paglingon ko, nakita ko ang lalaking sinundan ko kanina na papalapit na sa kinaroroonan ko.

Tumakbo na naman ako ulit, sa pagkakataong iyon ay natatanaw kona ang labasan nang eskinita, nakaramdam ako nang pag-asa nang matanaw ko ang labasan ng eskinita.

Ngunit ang pag-asang iyon ay unti unti ding naglaho nang makaramdam ako nang hilo. Napapikit ako, at napailing habang patuloy ako sa pagtakbo. Rinig ko din ang lakas nang tibok nang puso ko.

Bakit ba palagi na lang akong nalalagay sa mga delikadong sitwasyon? Alam kong kasalanan ko naman kung bakit, pero bakit pakiramdam ko ay hindi ako safe? Na hinding hindi ako magiging safe?

Nanghihina na ang katawan ko, muli ay naramdaman ko naman ang panghihina, pakiramdam ko ay masyado nang mabagal ang pagtakbo ko. Inubos kona din ang buong lakas ko as pagtakbo.

Matutumba na sana ako nang may isang kamay ang humablot sa braso ko at hinila ako kung saan. Muli na naman ako nakakita nang mga pangitain na kahit kailan Hindi ko maalala bilang Hellena.

Nakikita ko ang aking sarili na nakaupo sa isang lilim nang punong kahoy na may kulay pink na dahon. Parang isang cherry blossom na punong kahoy lang ito.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now