Chapter 33

2K 118 23
                                    

[Kabanata 33]

Normainie's P.O.V

Maaga akong nagising dahil ito na ang pinaka hihintay kong araw. Sabado ngayon at sigurado akong magiging masaya kami sa Outing na ito dahil magkakasama kaming Apat! Magiging masaya kung walang magiging problema sa grupo nang mga barumbadong yun.

Ihinanda kona ang mga gamit na dadalhin ko. Actually kahapon ko pa nga lang ito binili kasama sina Heavenia, Liyah at Kuya Gino. Namili kasi kami nang pampaligo namin. Syempre ano pa ba ang iniexpect namin dun eh isla nga yun na paliguan.

Iniisip ko din kung susunod ba talaga si Kuya dahil sa pagkakakilala ko sa kanya ay sigurado akong susunod sya dahil Hindi naman ito bago sa akin. Pero kung susunod man sya ay sana naman wag nya nang isama yung bruhang kapatid ni Liyah naiinis kasi ako sa babaeng yun masyadong mababa ang tingin sa kapatid nya at sinisiraan pa nya si Liyah kay Kuya.

Bumaba na ako at dumiretso ako sa Kusina para uminom nang tubig. Tinignan ko naman yung wall clock at napanganga na lang ako nung makita ko ang oras.

"Masyado kana man yatang excited?" Napalingon ako nang makarinig ako nang boses unggoy.

"Pake mo ba? At Anong excited ang pinagsasasabi mo ha? Hindi na ba ako pwedeng uminom nang tubig sa mga ganitong oras? Bawal he akong uminom nang tubig kapag nakaramdam ako nang uhaw ha?" Pagtataray ko pa. Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi nya kay Liyah nung nagpipintura kami nang Stage at kahit kuya ko pa sya Hindi ko sya kakampihan dahil mali ang mga sinabi at ginawa nya.

"Sabi mo eh" sagot nito. Aalis na sana ako nang muli syang magsalita.

"Hindi mo ba talaga ako patatawarin?" Tanong Pa nito.

"Why would I Norxione? Did you asked for my forgiveness? Wala diba? So why would I forgive you? Tinanong mo din ba yung kaibiga ko kung ok lang ba sa kanya yung mga sinabi mo sa kanya? Humingi ka ba nang tawad sa kanya?" 

"Look, I'm so sorry"

"Sinabi kona sayo Norxione, wag ka sa akin humingi nang sorry because I'm not the one who you hurt. Kung Sino yung nasaktan nang mga sinabi mo sa kanya ka humingi nang sorry wag sa akin. I told you this before that I'll forgive if you do apologize to her"

"Ok nga, I will pero hinihintay ko pa ang tamang tyempo eh"

"If you sincere walang tamang tyempo para humingi nang sorry dahil habang tumatagal na Hindi ka nakakahingi ng sorry sa mga taong nasaktan mo eh mas lumalalim pa ang galit nila sayo. Kaya habang maaga pa humingi kana nang sorry sa kanya huwag mong hintayin na matulad ka sa taong iyon dahil pag nagkataon pati ako ay mawawala sayo" Hindi ko talaga alam kung mapapatawad ko si kuya kung magaya sya kay Zhad na kahit ngayon ay Hindi ko pa pinapatawad. Natatakot ako para kay Kuya dahil posibleng Hindi sya mapatawad ni Liyah dahil makasakit yung mga salitang narinig nya mula sa kuya ko.

"Hihingi ako nang Sorry kaya Wag ka nang masungit sa kuya ok?"

"Tsaka na lang. I like this role" sagot ko.

"At tsaka kung balak mong sumunod bukas eh Wala akong pake. Kung isasama mo yung girlfriend mong hipokrita ay ok lang din" yung totoo ayaw kong pasamahin nya si Leziah dahil Ayoko talaga sa babaeng yun at ang masama Girlfriend pa nya!

"Ah Si Leziah? Kaming dalawa nga ang pupunta duon. Sasakyan naming yung Chopper ko na niregalo ni Dad sa akin. Natawagan kona din yung mga staff duon na ihanda na din yung mga gagamitin namin at kakailanganin namin. Kinausap kona din kasi yung nagbigay nang ticket price kilala mo din naman sya at Ok lang daw" Isa sa mga Judges kasi ay Ninang namin ni Kuya. Sya ang Bestfriend ni Mama kaya madali syang napagbigyan. Kila Ninang Din kasi ang Island na yun at sya ang nagpapatakbo nang negosyo nilang Resorts sa Island na yun. Hanep ah? Mukhang mas excited pa sa amin ah kami nga pinaghirapan namin yung Ticket na ito tapos sya? Pa chopper chopper lang? Ang daya naman yata nang mundo eh noh?

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt