Chapter 25

2.3K 109 11
                                    

[Kabanata 25]

Liyah's P.O.V

"Hayst Salamat at makakain na tayo ng Street foods" rinig kong sabi pa ni Speid na ikinalingon ko. Napatingin ako sa kanya dahil Hindi ko inaasahan na sasabihin nya iyon.

"Oh Bakit ka nakatingiñ ng ganyan sa akin Liyah?" He asked me.

"Really?!" Yun lang ang tanging lumabas mula sa bibig ko.

"Really? What?" Nagtaka pa sya na parang Hindi alam kung ano ang ibig kong sabihin.

"You're eating Street foods?!"

"Hmm yeah, If you want to join pwede naman" sabi pa nito.join? Ibig sabihin may kasama sya? Sino? Bakit Hindi ako na inform?

"Sino kasama kong kakain ng Street foods and beside bawal kang gumala gala dyan sa paligid dahil baka ma Kidnap ka pa"

"OA Ka Bes? Kidnap agad? Wala naman sigurong mangingidnap nang isang Sullivan diba? Pero ang sabihin mo maraming magpapa picture!" Sabat naman ni Normainie.

"Kasama ko naman si Heavenia" Napapitlag pa ako sa sinabi nya. Si Heavenia kasama nya? Hindi ba pangit tignan na kasama ni Heavenia ang Pinsan ng asawa nya? Kahit Hindi man sila totoong nagmamahalan?

"Pero..."

"Don't worry about me" sabi pa ni Speid. Wow?  Kapal ng mukha ah? Ilang pulgada ba ang kapal ng pagmumukha ng isang toh?

"Speid mahiya ka nga" inis na sabi ko.

"Huh? Mahiya? Kanino?" Natatawa namang nakatingin sa amin si Normainie. Si Normainie ay matagal ng may Crush kay Speid pero sa kasamaang palad Hindi sya gusto nito. Tanging Si  Zhad lang ang nagkakagusto sa kanya sa Grupo nila Speid.

"Hindi mo alam? Sa Ganda ko! Sa ganda ko ka mahiya!" Bulyaw ko pa. Tumawa naman sya na akala mo ay nanunuod ng isang palabas na Comedy.

"Hahaha saan banda?" Sabi nito kaya nainis na ako.

"Ikaw! Hoy Speid! Mahiya ka! Hindi ako sayo nag-aalala kundi sa Reputasyon ni Heavenia! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung nakita kayong magkasama? Baka isipin pa nilang may namamagitan sa inyong dalawa! Naku kapag nagkataon malaking Balita ito! At tiyak na magugulo na ang palasyo"

"Masyado ka talagang OA Bes, Hindi naman mangyayari yun dahil nga isasama tayo. In short ililibre din tayo nitong si Speid"

"Isa ka pa Normainie! Gustong gusto mong gumala!" Nang marealize kong wala nang nagsasalita tsaka na lang ako natahimik.

"Ayts? Bes?  Shorrey? Hihi Shorrey naman hehe" agad akong humingi ng sorry kay Normainie. Mahirap na kapag ito nagtampo aabot pa sa bahay nila kung magpasuyo. Nakakapagod din naman kasing Manuyo haha.

"Yeah. Alam ko namang Worried ka eh pero we're there naman kaya wala kanang dapat ipag-alala" ngiti nito. Nakahinga naman ako nang maayos dahil inintindi nya ako.

"Oh nandyan na pala si Heavenia oh" sabi ni Normainie.

"Congrats Bes! Nanalo na nga ang Volleyball team, nangunguna ka pa sa Quiz Bee!" Binati namin si Heavenia.

"Aalis na ba tayo?" Tanong pa ni Speid.

"Kukunin ko lang muna ang Kotse ko sa Parking Lot" sabi ko pero pinigilan nila ako.

"Maglalakad tayo Liyah" sabi ni Heavenia. Actually Hindi ko ito first time na gawin. Every week may pa ganito kami ng mga kaybigan ko pero nilalakad lang namin dahil gusto lang naman naming ma try kung gaano kahirap ang maglakad ng malayo.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now