Chapter 46

1.8K 101 54
                                    

[Kabanata 46]

Liyah's P.O.V

Nasa Daungan ako ngayon, dala dala ko ang paboritong bulaklak ni Heavenia na Sunflower.

"Woi Bes, Pasensya kana ha? Ngayon lang ulit ako nakadalaw, sa ibang bansa na kasi ako nag college eh" Paninimula ko pa. May baon akong kwento para sa kanya dahil Limang Taon na din akong nawala dahil sa US kona ipinagpatuloy ang aking pag-aaral.

"Balak ko sanang pumunta sa Japan, sabi kasi nila nandun daw si Speid at balak ko sana syang kamustahin pero Naisip ko na baka magtampo ka kasi pumunta ako sa Japan na hindi ka kasama" huminga ako nang malalim dahil nagsisimula na namang mamuo ang luha sa akin mga mata.

Limang taon kona syang Hindi nabibisita, nakakalungkot dahil hindi man lang sya nabigyan nang magandang libingan sapagkat Hindi nahanap ang kanyang bangkay.

Sa loob nang limang taon ay iginugol ko ang aking sarili sa aking pag-aaral. Wala na din akong balita sa mga dati kong kasama dahil simula nang mangyari ang trahedyang yun ay inilayo kona ang aking sarili sa kanila.

"Malamig ba dyan?" Pagkausap ko pa sa kanya na animo'y sasagot.

"I'm sure malamig dyan, alam mo ba malamig din dun sa bansang pinanggalingan ko, tuwing winter nga nilalamig buong katawan ko"

Naalala ko tuloy yung mga pangarap na gawin ni Heavenia.

"Alam mo Liyah, pangarap ko talagang pumunta sa Japan! Nandun kasi yung mga favorite Writer ko, alam mo yun? Yung mga writer nang mga paborito kong Anime, tapos umuulan nang snow dun" sabi pa ni Heavenia.

"Gusto ko din mapuntahan yung Mount Fuji! May alamat pa nga yun eh, if ever na gusto mo daw magpakamatay, duon pumupunta yung mga Tao, dun sa paanan nya basta yung may gubat tapos duon na nila kinikitil ang kanilang buhay dahil nga daw mawawala lahat nang kasalanan mo" pagpapatuloy pa nito.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko lubos akalain na magiging ganito ang kahihinatnan nang mga masasaya naming pagsasama.

"Bakit mo kasi kami iniwan? Sana man lang hinintay mo na iexplain ni Speid ang nangyari, sana man lang hinayaan mong ipagtanggol ka nya" sabi ko habang umiiyak.

"Alam mo bang nung mawala ka, mag-isa na lang ako? Bakit mo ako hinayaang mapag-isa?" Napahagulhol na lang ako dahil sa sakit na aking nararamdaman.

"Limang Taon na akong nag-iisa sa buhay Heavenia, Natupad kona din ang mga pangarap ko pero Hindi ko pa din nararamdaman at nakakamit ang tunay na saya, siguro ay dahil kasama ka sa mga pangarap ko" Iyak ako nang iyak.

Nakaupo lang ako sa may gilid nang Dagat. Napagdesisyonan ko nang ihagis ang Sunflower.

"Wag kang mag-alala, babalik ako dito buka" tumayo na ako. Nagulat ako nang paglingon ko Meron nang Tao na nasa likod ko. Sino naman ang taong ito?

"Iyakin ka talaga" sambit nito. Pinunasan ko ang aking mga luha at tinitigan ko sya nang matalim.

"Excuse me?" Pagtataray ko sa kanya.

"Bakit dadaan ka?" Kumabog nang malakas ang dibdib ko sa sinabi nyang yun. Imposibleng sya ang babaeng ito.

"S-Saan mo..." she cut me off.

"Naku naman Liyah, it's been a long time, Hindi mo ako nakilala? It's me Normainie" nangunot naman ang nuo ko nang ialis nya ang face Mask nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray ko.

"Actually, Yan din sana ang itatanong ko sayo, Why are you here? I mean Why did you came back?" Tanong nito na ikinainis ko.

"Bakit? masama bang dalawin ko ang huling hantungan nang pinakamamahal kong kaybigan? At tsaka Wala namang nagbawal sa akin na bumalik dito sa bansa, may problema ka ba sa pagbabalik ko?" Ngumisi ito nang nakakaloko. Hindi ko naisip na ganito ang kahahantungan nang lahat. Ni Hindi ko man lang maalis sa isip ko na minsan ay naging kaybigan ko ang babaeng ito.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now