Chapter 80

2.1K 79 1
                                    

[Kabanata 80]

Xyron Jin's P.O.V

"She's my inspiration" panimula ko pa. Ito ang araw na pinaka hihintay ko, ang araw ng Exhibit ng mga paintings ko.

"She's the girl who taught me how to fight, I don't like her at first, Hindi ako naniniwala sa love at first sight, mas naniniwala ako sa kasabihang Hate at first sight" muli ay bumalik sa ala-ala ko ang mga panahong palagi kaming nag-aaway.

"Kinainisan ko sya, Hindi ko din inakala na sya pala ang babaeng mapapakasalan ko" natawa ako. She don't want that marriage too pero wala na syang magawa dahil baon na ang pamilya nya sa utang.

She's indeed the saviour of her family, she loves her family more than herself.

"May mga time pa ngang nahihimatay ako ng dahil sa kanya at paggising ko nasa clinic na pala ako" natawa ang mga taong nasa paligid. Nakita ko din ang pamilya ni Heavenia na nakangiting nakatanaw sa akin.

"Alam nyo yun? Sa lahat ng babaeng kinaiinisan ko ay sa kanya pa pala ako maipapakasal" mas lalong natawa ang mga audience.

"Naiinis ako everytime na nakikita ko ang mukha nya, pero kapag Hindi ko naman sya nakikita ay hinahanap hanap ko naman. Hindi sya ang tipo kong babae pero Hindi ko alam dito, kasalanan kasi neto eh" I pointed my chest where my heart is.

"Kahit anong pilit ko sa sarili kong Hindi sya gustuhin ay ginusto ko parin sya, minsan nga pakiramdam ko ay parang isa akong tanga na kinakausap ko ang aking sarili, ilang months din akong nasa denial stage but, when I accept it, nawala naman sya sa akin" huminga ako nang malalim.

"I know most of you ay alam na ang buong istorya nang aking kwento. It takes a years bago kami nagkita, at sa loob ng ilang taon na iyon ay nagdusa lang ako dahil inakala kong wala na at patay na sya at sarili ko ang aking sinisi sa kanyang pagkawala but, I was wrong" Ang kaninang natutuwa nilang mga mukha ay napalitan nang kalungkutan.

"Huwag kayong malungkot, dapat ay masaya tayo ngayon" sabi ko pa dahil bakas na bakas na sa kanilang mukha ang kalungkutan.

"Pwede po bang magtanong?" Tanong ng isa sa mga media o reporter.

"Go ahead" sagot ko.

"Bakit hindi pa po kayo nag-aasawa? Bakit hindi kayo nagbalikan nang ex-wife mo pong si Veronica? May pag-asa pa po bang magkabalikan kayo?" Napangiti ako sa mga tanong nang bata pang reporter. Hayst mga kabataan nga talaga ang hilig maki usyoso.

"Hindi ko masasabing Hindi na ako iibig pang muli ngunit ang aking puso at kaluluwa ay nakalaan lamang para sa aking mga pinipinta, at sa tanong mo naman tungkol kay Veronica, ang totoo nyan ay matalik lamang kaming magkaybigan at sa totoo lamang ay nandito sya ngayon"

"Talaga po?! Nandito po ang dating Reyna ng bitterland?!" Exaggerate nya pang tanong. Tumango ako at tsaka itinuro si Veronica na umiinom ng juice.

"Ladies and Gentlemen will you please come up here Ms. Veronica Santillan" nakangiti kong tawag sa kanya. Hindi nya alam kung ano ang gagawin nya dahil Hindi sya nakapag ready. Umakyat naman sya sa stage at pagdating na pagdating nya ay agad nya akong siniko sa tagiliran.

"Bakit mo pa ako dinawit sa kahibangan mo?" Inis na bulong nito sa akin na lalo kong ikinatawa.

"Huwag mo akong tatawanan Jin Hindi ito nakakatawa" seryoso parin sya.

"Ahm Miss Veronica Santillan, ilang taon na din po kaming walang balita sa inyo, saan po ba kayo nagpunta? Ano na po ang trabaho nyo ngayon? Ano po ang masasabi mo po sa ex-husband nyong si Mr. Xyron Jin Sullivan sa kanyang achievements this past years?" Tanong ng reporter.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن