Chapter 24

2.2K 115 13
                                    

[Kabanata 24]

Heavenia's P.O.V

Nagulat ako nang may kumatok sa pintuan. Kasama ko si Speid sa bahay. Pagbukas ko nang pinto ay gulat akong napatitig sa taong nasa pintuan namin. Wahhhhhh Pizza delivery!

"Kanino po galing yan?" Takang tanong ko.

"Order nyo po" sagot nang lalaking nagdedeliever.

"Pero wala po kaming inoorder?" Sabi ko. Tinignan naman nya ang address na nasa kamay nya at nakita ko yun.

"Nako Kuya Sila Aling Lucing yata ang nag order nyan, ayan po yung bahay nila oh" sabi ko sabay turo sa bahay sa tapat namin. Nagpasalamat naman ang Delivery Boy.

Bumalik ako sa loob at nakita kong mukhang nangangati ang katawan ni Speid.

"Mukhang Hindi ka sanay sa ganitong bahay ah" sabi ko pa at mukha namang nahiya sya sa sinabi ko.

"Maligo kana lang kaya, andyan din yung CR namin oh, sigurado naman akong merong tubig dyan" tumango lang sya sa sinabi ko. Kinuhanan ko sya nang towel na magagamit nya. Pumasok naman sya at agad ding lumabas.

"May shampoo kayo? Wala na kasing Shampoo dito eh" sabi pa nito. Sosyal talaga neto eh.

Tinignan ko naman ang imbakan nang Shampoo at namin pero Wala. Nagpaalam ako sa kanya saglit dahil maghahanap ako nang Shampoo sa kung Sino man ang bukas ang tindahan ngayon.

Halos nilibot ko na ang buong Barangay namin pero sarado na ang lahat nang tindahan. Pauwi na sana ako nang may biglang humawak sa balikat ko at agad ko naman syang sinuntok.

Nagulat ako nang makita ko na si Xyron pala ang taong humawak sa balikat ko. Nag sorry naman ako at pinapauwi ko sya kaso sa bahay daw sya matutulog.

Natatawa pa nga ako dahil kung kani kaninong bahay pa sya dapat pumunta eh nasa tapat ko naman ang bahay namin.

Nadatnan naming nangingialam si Faster sa Photo Albums nang pamilya namin, hinayaan kona lang sya dahil inaantok na talaga ako. Sinabihan kona din silang sa kwarto ko sila matulog.

Pumasok na ako sa kwarto nina Mama at Papa. Halos ilang ikot na ako sa kama ko pero Hindi maalis alis sa akin ang kagustuhang hingin ang damit ni Xyron!

Tom and Jerry! Favorite Cartoon ko yan sila eh. Pero paano ko naman hihingiin yun? Ibibigay nya kaya? Paano kung Hindi?

Isinalampak ko ang sarili ko sa banig namin. Syempre walang kotson sila mama at papa dahil ibinenta na nila ito. Kaya nga sa kwarto ko sila pinatulog dahil kahit papaano may manipis na kotson duon para maging komportable naman sila sa pagtulog.

Mahirap na, mga sosyal ang mga yan eh kaya alam kong Hindi sila sanay sa mga ganitong klase nang lugar.

Ilang minuto lang nang pag-iisip ko kung papaano ko hihingin yung damit nyang pantulog eh nakatulog na ako.

****

Nagising na lang ako dahil sa isang masamang panaginip. Hindi ito maalis alis sa isip ko. Pass 3 am pa nung magising ako kaya umupo muna ako sandali tsaka ako tumayo at tumungo sa kwarto ko kung saan natutulog ang dalawang Prinsipe.

Una kong ginising si Faster dahil ayaw ko munang makita ang mukha ni Xyron. Naiinis ako dahil sya ang dumalaw kanina sa panaginip ko.

Pagdilat nang mga mata ni Faster ay agad syang napahagikhik. Luh may nakakatawa?

"Ganda nang gising ah?" Alam kong pinagtatawanan lang nya ako at binaliktad ang Kanyang ibig sabihin.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat