Chapter 19

2.4K 103 10
                                    

[Kabanata 19]

Xyron's P.O.V

Unang araw ng Intrams namin at kinausap ako ni Lolo na dalhin ko si Heavenia sa Mini Japan ng Bitterland. Pumayag naman ako dahil wala naman akong Laro ngayon at wala ding laro si Heavenia ngayon. Syempre may kapalit lahat.

Pumayag ako dahil sa kasunduan namin ni Lolo na wala muna akong kasamang Bodyguards within 1 month at ibili nya ako ng bagong kotse para sakyan namin ni Heavenia papuntang Mini Japan. At dahil tumutupad ng usapan ang Lolo Wala pang isang oras dumating na ang Grey Sports Car na kaka order pa lang ni Lolo.

Nagdrive na ako papuntang school at syempre maraming mga students ang napatingin sa kotseng sinasakyan ko. Black tinted ito at bullet proof din. In case daw na may magtangka sa buhay ko ay safe ako.

Nang mai-park kona ang sasakyan ko ay dumiretso na ako sa Gym dahil duon gaganapin ang opening remarks at ang kaybigan ni Heavenia ang naatasang maging MC this year. Pero pagdating ko nagtaka na lang ako bigla nang nagsasalita na ang Dean ng UOB (University of Bitterland).

Sumuot ako ng Black Na Kalo at Nag mask (feeling artista) ayoko kasing pagkaguluhan ako ng mga Estudyante dahil wala akong bodyguards na kasama ngayon. Hindi naman sa pagyayabang pero sikat talaga ako.

Nakita ko naman si Yron na papunta nang Room namin kaya agad ko naman syang sinundan. Nakita ko pa itong may kausap na lalaki at mukhang nagtatanong yung lalaki sa kanya at nag sign sign pa sya kung saan-saang direksyon.

"Sino yun?" Mula sa Likod nya ay tinanong ko sya.

"Brad long time no see" sabi pa nya. Ilang araw na din pala kaming Hindi nagkikita at nagkaka-usap dahil pumunta ito sa Japan. Sa Japan nagtatrabaho ang mga magulang nya at may private airplane din naman ito para anytime na gusto nilang umuwi eh makakauwi sila.

Kilala ang Pamilya Ni Yron bilang sikat na Businessmen and Businesswomen. Halos lahat yata ng pamilya nya ay pinasok na ang pagbi-business. Si Yron na lang talaga ang kulang para maging perfect Family Business. Pareho Kami ni Yron, gusto naming mabuhay sa paraang gusto namin Hindi gaya nina Speid,Hinx at Zhad na Family First. Isa lang naman ang pinag kaiba naming dalawa ni Yron yun ay ang mahilig sa mga magagandang babae.

Sya yung taong mahilig sa mga babae. Yung tipong girlfriend dito girlfriend duon. May mga time pa ngang na-iimbitahan sya sa Disciplinary Office dahil nag-aaway away ang mga Girlfriends nya. Pinapapili pa sya kung sino sa Dalawa? Tatlo? Apat? Basta Ilang beses na syang naiimbitahan dahil lang sa mga babae. Sa huli luhaan parin yung mga babae dahil ayaw daw nyang may maging masaya at may maging malungkot kaya Wala syang pipiliin.

"Ilang araw ka lang nawala may pa Long Time no see ka pang nalalaman"

"Aba syempre Pare" nag High five pa sya Hindi naman High yung Grades nya kahit na nasa Section A. Mukha ngang mas matatalino yung nasa Section B kesa sa Section A. Sa section B kasi eh ang dadaming mga Nerds pero ok lang naman sila kung titignan dahil masasaya naman sila. Sa amin puro Books nga inaatupag tapos pakapalan din ng Makes-up yung mga girls akala mo naman pupunta sa Pageant, gusto lang naman magpapansin sa Grupo namin.

"Eh Sino ba yun?" Curious lang ako kasi ngayon ko lang sya nakita.

"Ah yun ba? Tatay ng taga Ibang School hinahanap lang Rest Room kaya itinuro ko sa kanya ang direksyon" kaya naman pala ngayon ko lang nakita dahil tatay pala sya ng estudyante ng taga ibang school. Hindi ko agad naisip yun.

"Eh anong himala at wala kang mga alalay ngayon? And what's with that Costumes?" Tanong nya pa.

"I'm taking my Unwanted Wife to the mini Japan" sagot ko

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now