Chapter 22

2.4K 98 0
                                    

[Kabanata 22]

Someone's P.O.V

"Nakita ko na po sila"

"Magaling kung ganun"

"Ano po ba ang gusto nyong gawin ko?"

"Wala ka munang ibang gagawin sa ngayon, ang mahalaga ay natagpuan mo na ang tahanan nang pamilyang iyon at yun lang ang mahalaga sa ngayon"

"Kung ganoon nga po ay maaari po ba akong magtanong?"

"Ano ang iyong tanong?"

"Bakit po ba napaka halaga sa inyo ang pagkakakilanlan nang pamilyang iyon? Hindi naman po sila isang mayamang pamilya dahil nanggaling lang po sila sa isang mababang antas nang Pamilya. Pero bakit po ganun na lang kung pahalagahan nyo ang paghahanap sa kanila?"

"Sa ngayon, Hindi ko muna masasagot ang mga katanungang yan, mahalaga ang pamilyang iyon sa namayapa kong anak at yun lang ang mahalaga"

"Kung ganun po ay maaari na po ba akong lumabas? Naghihintay na po kasi ang aking Kaybigan sa aming tagpuan ngayong Gabi"

"Sige"

"Maraming salamat po" umalis na ako at pinuntahan ang kaybigan ko sa nasabi naming tagpuan.

Ilang taon na rin akong naninilbihan sa mga taong iyon at ni minsan ay Hindi ko sila kinakitaan nang kasamaan.

Utang na loob ko sa kanila ang buhay nang aking Ina dahil sila ang nagpagamot dito. Sa kanila din naninilbihan ang aking Ama.

Ang Hindi ko lang lubos na maisip ay kung bakit Hindi masaya ang pamilya, ang sabi nang aking Ina ay masayang masaya daw ang pamilya nila nung buhay pa ang anak nilang lalaki na ngayon ay Ilang Taon nang patay.

Siguro ay nawala ang sigla sa pamilya nang mawala ang nag-iisang anak nito. Kaawa-awa ang sinapit nila dahil Hindi daw nila napuntahan ang burol at libing nang anak dahil nasa ibang bansa ito namatay. Ayon pa sa aking Ina, Hindi daw nila alam kung saan inilibing ang kanilang anak. Nabalitaan na lang nila na wala na ang kanilang anak.

Nasa Bansa kami ngayon kung saan namatay at inilibing ang anak nila na hindi naman dapat dito ilibing.

Mayamang pamilya sila pero ang Hindi ko alam ay kung bakit nila pinapa imbistigahan ang pamilyang iyon. Nakakapagtaka rin dahil wala akong masyadong Mahanap na impormasyon tungkol sa pamilyang iyon.

Tanging ang Mga pangalan lamang nang mag-anak ang aking alam. Nagtanong tanong din ako sa mga taong malapit sa kanila pero wala akong nakuhang impormasyon dahil ilang taon pa lamang silang lumipat duon.

Itinanong ko din kung saan nanggaling ang pamilya pero walang nakaka alam.

Kasalukuyan akong nagmamaneho nang mahagilap nang aking mga mata ang isang babae at lalaking magkahawak kamay na kalalabas lang sa isang pribadong Hospital.

Pamilyar sa akin ang pigura nang dalawa ngunit Hindi ko sila makilala dahil sa suot nila. Ihihinto ko na sana ang kotse nang may isa pang kotse ang humarang sa dadaanan ko kaya napa preno ako nang wala sa oras. Paglingon ko ulit ay wala na duon ang mga pamilyar na tao.

Bumaba ako nang kotse. Nagulat din ako nang bumababa ang nagmamaneho nang kotseng humarang sa dinadaanan ko.

"Paumanhin kung Hindi ako nag-iingat sa pagmamaneho, Hindi ko sinasadyang harangan ang inyong sasakyan" paghingi nito sa akin nang paumanhin. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil isang malaking tao ang nasa harapan ko ngayon at humihingi nang paumanhin.

"Paumanhin po talaga, Hindi ko po intensyong harangan kayo" humingi ulit ito nang paumanhin. Tumango na lang ako bilang tugon sa kausap. Muli ay pumasok ito sa kanyang sasakyan, nahagilap pa nang aking mata ang isang babaeng sakay nito.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now