Chapter 43

1.7K 110 43
                                    

[Kabanata 43]

Heavenia's P.O.V

Nag-uusap kami ni Faster at naikwento ko sa kanya yung mga panahong hangang hanga ako sa kanya. Napansin ko na parang hindi sya komportable sa usapan namin at pumunta sya sa Walang bakal na bahagi nang yate.

"Oy, baka madulas ka dyan" pinagsabihan ko pa sya, nakita ko namang ilang beses syang napailing na para bang nahihilo or ano man. Halos hindi na ako huminga nang makita ko syang nadulas at dahan dahang nahuhulog. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo at pagpatak ng oras.

"Faster!" Sigaw ko pa at tuluyan na nga syang nahulog sa Dagat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang Mga oras na yun. Nagsisisigaw ako nang tulong at nakita ko namang papalapit na sa akin ang mga kasama ko at mga crew nang Yate.

Ilang segundo, hindi, ilang minuto nang hindi lumulutang si Faster at kinakabahan na ako sa kung ano man ang posibleng nangyari sa kanya.

"Anong nangyari?!" Halos mabinge ako sa sigaw na yun ni Xyron, hinawakan nya ako sa magkabilang braso at niyugyog.

"N-nadulas S-si Fas..." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang sumigaw sya ulit.

"Find him! Ipatigil nyo ang pag-andar nang Yate! Bilisan nyo!" Sigaw nito at agad din naman yung sinunod nang mga Crew.

"Oh My God!" Halos mapaiyak na si Liyah. Hindi pa nga kami nagkakabati tapos meron na namang trahedyang ganito.

"Anong nangyari Heavenia?!" Parang galit namang tanong sa akin ni Normainie. I don't know where I rely on. Maybe hindi talaga ako belong sa kanila. That I'm just a pitiful poor woman na nakikihalubilo sa tulad nilang mayayaman.

"H-hindi ko..." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang magsalita ulit si Normainie.

"Did you pushed him?!" Tanong nito sa akin. Agad naman syang sinampal ni Liyah.

"What's that for?!" Exaggerated nyang tanong Kay Liyah.

"Come to your senses Normainie! How can you ask that to Heavenia?! Even though we all know her attitude, hindi nya magagawang itulak si Speid dahil kaybigan ang turing nya kay Speid!" Sigaw ni Liyah.

"Kaybigan? Ano sa tingin mo Liyah ang sinasabi mo? We're childhood friends at sya? Kilala ba talaga natin sya? Ilang taon na ba natin syang kasa-kasama? Mag-iisang taon? O mahigit pa?" Sabi ni Normainie.

"Girls, calm down, hindi ito ang oras para mag-away kayo" pagpapatigil ni Zhad sa kanilang dalawa.

"Tama naman kasi ang sinabi nang kapatid ni Xione, una si Xyron nawawala because of her right? Ngayon si Speid, hindi natin alam kung sino ang susunod, kaya kung ako sa inyo wag nyo syang lalapitan kung ayaw nyong mahawaan nang kamalasan" sabi naman ni Leziah.

"Stop Humiliating her! Baka ikaw ang malas!" Sigaw ni Liyah. Lumapit sa akin si Liyah at inakbayan ako. Napatingin ako kay Gino na mukhang dismayado.

"It's ok Heavenia, If ever na Wala kang kakampi I'm always here for you, Alam ko namang hindi mo magagawa kay Speid yun hindi ba?" Bulong ni Liyah sa akin. Isa isa kong tinignan ang mga mukha nila, lahat sila ay puno nang panghuhusgang nakatingin sa akin.

Naisip ko tuloy, kung sana hindi na lang ako ang naipakasal sa Crown Prince? Hindi sana magiging ganito ang takbo nang buhay ko. Hindi, kung hindi sana ako nangarap nang matayog ay hindi ako aabot sa ganitong sitwasyon. Kung hindi lang siguro ako nag transfer sa Bitterland University ay Wala ako sa sitwasyong ito. Ngayon naiintindihan ko na nang maayos, lumaki silang lahat sa marangyang buhay at ako naman ay sa hirap. Papaano ako makikisalamuha sa kanila? Hindi ko kayang makibagay sa kanila dahil hindi naman talaga ako nararapat sa katayuan kong ito.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now