Chapter 37

1.9K 107 25
                                    

[Kabanata 37]

Heavenia's P.O.V

Lumayo na ako sa kanila dahil alam ko namang pinagtatawanan lang nila ako. Kainis kasi yung Yron na yun eh! Nakita naman nya yung Rainbow pero pinagmumukha nya akong sinungaling!

Lakad lang ako nang lakad at hindi ko na namalayan na napapalayo na talaga ako ng husto.

"Wala silang tiwala sa akin! Nakakainis talaga! Ayoko na sa inyo!" Sigaw ko pa. Sure naman kasi akong Wala nang makakarinig sa sigaw ko dahil Wala naman akong tao na nakikita sa paligid.

Masyado na akong malayo sa kanila, hindi ko na din sila natatanaw.  Sa sobrang haba naman ng nilakad ko Paniguradong nasa malayo na ako.

Babalik na sana ako sa pinanggalingan ko nang makita ko ang isang maliit na bangka kaya naisipan kong mamangka!

Agad akong sumakay sa Bangka at kinuha ko ang pansagwan kaya naman masaya akong namamangka sa gilid ng dagat!

"Yohoo! Ang saya!" Sigaw ko pa ulit. Sayang naman at Wala sila Gino at Normainie pati si Liyah! Sigurado akong mag-eenjoy sila sa pamamangka.

Sagwan lang ako nang sagwan nang matanaw ko ang ilang mga kalalakihan na nakasuot ng itim at nangunguna sa kanila ang isang babae. Luhh? Ano kaya ang ginagawa nila dun? Masyado kasing mapuno sa bahaging iyon ng isla at sigurado akong gubat yun.

Iginilid ko ang bangka at sinundan ko sila. Ano naman kaya ang gagawin nila sa Lugar na ito? Hindi naman sa pagiging tsismosa pero curious lang talaga ako.

Sinundan ko lang sila ng sinundan hanggang pumasok sila sa isang kweba, Hala! Nasa Jungle book na ba kami!? Sunod akong pumasok sa kweba ng dahan dahan.

Lakad lang kami ng lakad hanggang sa matanaw kona ang kabilang bahagi ng kweba, wow naman! Ang ganda!

Nang makalabas sila sa kweba ay aksidente akong nadapa. Ang malas ko naman! Napalingon pa ang ilan sa kanila at agad naman akong gumapang at nagtago sa isang bato.

Ang malas naman! Baka may mangyaring masama pa sa akin pag nagkataon! Itutuloy ko pa ba toh? Sure na ba talaga ako sa gagawin kong ito?

Nang maramdaman kong nagpatuloy na sila sa paglalakad ay umalis na ako sa pinagtataguan kong bato at sinundan ko sila. Bahala na si Batman sa akin!

Ilang minuto lang ang nakakalipas ng pagsunod ko sa kanila at tumambad sa harapan ko ang isang malaking ware house! Wow ang galing! May Ware house pala sa gubat na ito!

Nagtago agad ako sa isang malaking puno at tsaka ako sumulip. Nakita ko ang ginawa nang babae para makapasok sa pintuan ng Ware  House na yun.

Nakita kong isinilip lang nya ang mga mata nya sa dalawang butas na nasa pintuan at kusa na itong bumukas. Parang scanning machine lang! Astig!

Nang sumara ang pintuan at makapasok na sila ay tsaka ako lumabas sa pinagtataguan ko. Lumapit ako sa pintuan, pinakiramdaman ko ang aking sarili kung papasok ba ako o hindi.

"Papasok ba ako? Kung papasok ako paano kung mahuli nila ako na nagte trespassing? Eh di bilangguan ang bagsak ko nun tapos yung Xyron na yun sigurado akong sisigawan na naman nya ako"

"Kung hindi naman ako papasok mamamatay ako sa curiosity at tsaka Yung babaeng yun, kailangan ko syang makausap, pakiramdam ko talaga ay kailangan naming mag-usap" hindi ko nakita ang kabuuan na mukha ng babaeng yun dahil nakasuot sya ng Face Mask.

"Mas mabuting mamatay nang alam ang lahat kesa naman sa mamatay nang walang nalalaman kaya papasok  ako kahit ano pang kabayaran nito" ginaya ko ang ginawa nang babae kanina, itinapat ko ang aking mga mata sa butas at nag scanning na ito, bumukas ang pinto at napa hanga ako sa mga nakita ko.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now