Chapter 75

1.9K 86 24
                                    

[Kabanata 75]

Liyah's P.O.V

"Dalian ninyo!" Sigaw ni Mommy sa mga kasama namin habang tumatakbo palabas ng palasyo.

"Ahhhh!"Napasigaw ako nang may marinig akong pumutok, paglingon ko ay sarado na, natabunan na nang tipak tipak na semento ang pintuan.

"Anak!" Sigaw nang Papa ni Heavenia habang inaawat ni Claude at Julius ito. Ang nanay naman nila ay parang isang baliw na napapahawak sa kanyang ulo.

Nagsiiyakan na ang lahat habang nakatingin sa unti unting pagguho nang mansyon. Ni minsan Hindi sumagi sa isip ko na mangyayari ang bagay na ito lalo na sa pagguho ng palasyo ng mga Sullivan.

"Heavenia!" Sigaw at iyak naman ni Normainie, inaawat na din sya ngayon dahil parang gusto nyang bumalik sa loob.

"Calm down Normainie Please" pakiusap ni Zhad dito.

"How can I calm down Zhad? My bestfriend is inside there! Just let me..." I slapped her. Natulala sya nang sampalin ko sya at napatingin na lang sa mukha ko.

"Liyah..." I cut Zhad off.

"No Zhad, Ano Normainie? Gusto mona din bang mamatay? Didn't you know that Heavenia, our bestfriend sacrificed her life for saving all of us? Tapos ngayon gusto mo nang pumasok? Gusto mong mamatay? Sige! Pumasok kana dun! Sige magpakamatay kana dun!" I shouted on her. I have faith in Heavenia, I have that she will never disappear again and I prayed it.

"Kung may tiwala ka kay Heavenia wag mong sasayangin yang buhay mo, magtiwala ka lang Normainie, andun din si Yron at ang Kapatid nilang si Rhen at alam kong Hindi nila pababayaan ang isat isa" dagdag ko pa.

"P-Pero Liyah p-papaano k-kung mawala ulit sya?" Natahimik ako sa sinabi nyang iyon. Papaano kung mawala ulit sya? Papaano nga ba?

"W-wait... S-Si Speid nasaan?" Utal utal at nanginginig na sabi ni Veronica kaya napalingon lingon ako. Saka kona lang na realize na marami palang Pulis ang nasa paligid namin. Kahit saan ako tumingin ay wala si Speid, sya lamang ang natatanging wala dito.

"S-Speid! Anak! Where are you!?" Sigaw nang Nanay nito.

"I-I saw him, habang lumalabas tayo nagtago sya, tinawag ko sya pero ang sabi nya mauna na daw ako dahil may  tatapusin pa daw sya, Hindi ko alam kung ano iyon pero yun po ang sabi nya" sabi naman ni Hinx. Napaupo naman sa sahig ang mga magulang nya.
Naiyak na din ang Amang Hari at ang pamilya ni Xyron.

"It's all my fault! Dapat ako lang ang mag-isang nagbabayad ng mga kasalanang ginawa ko, hindi na dapat nangyari ito. Kung sana isinuko kona ang sarili ko eh di sana ayos pa ang lahat". Sabi pa nang Amang Hari.

"Sinira ko ang buhay nang pamilya mo Sky, ayos lamang sa akin kung ano ang ipapataw mong parusa, nang dahil sa akin nasira ang buhay ng dalawa mong anak na baba, nang dahil sa akin lumaking malungkot ang anak mong lalaki at nang dahil sa akin ay nagka hiwahiwalay ang mga anak mo at hindi nakaramdam ng kalinga ng dalawang magulang". Dagdag pa nito.

"Naiintindihan kita, Ako man ay isang Ama din at gagawin ko ang lahat para sa aking mga anak, huwag muna nating isipin yan, kailangan nating mahanap ang ating mga anak". Sagot naman ni Tito Sky.

Nakikita kong nanginginig ang tuhod nito, alam kong Mahal na Mahal nito si Heavenia at hindi nya kakayaning mawala ang kanyang mga anak.

"S- Saan ka pupunta Jin?" Rinig ko namang tanong ni Veronica. Nakahawak ito sa braso ni Xyron. Nagulat ako nang makita kong duguan ang tagiliran nito.

"I-I wanna save them, I have to save them, I have to save them so please let me go, let me save them please" parang wala sa sariling sabi ni Xyron. Napayakap naman si Veronica sa kanya habang sya ay patalikod.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя