Chapter 36

2.1K 120 41
                                    

[Kabanata 36]

Heavenia's P.O.V

Masaya kaming naglalaro ng Spin the bottle, hindi ko lang sure kung masaya ba talaga o hindi basta ang alam ko lang ay masaya dahil naka ngiti sila at ang iba ay nakangisi.

It's my turn na at sa kamalas malasan ko ay ako ang huli.

"Truth or Dare?" Tanong ni Faster sa akin. Ano kaya ang pipiliin ko?

"Kapag Truth ang pinili ko anong itatanong mo sa akin?" Pagtatanong ko

"Simple lang naman, itatanong ko lang kung sino ang naging first crush or love mo" sagot nito sa akin. Oh no! Kapag tinanong nya ako ng ganun hindi ko alam kung ano ang isasagot ko! Paano na ako nito? Ang hirap naman ng tanong na yun! Anong sasabihin ko? Cake? Macaroni? Spaghetti? Hindi ko alam! At tsaka ang hirap mamili! Kung sino sa Tatlo!

"Eh kapag may Dare yung pinili ko anong ipapagawa mo?" Dagdag ko pa.

"Hihiling lang naman ako sa ng limang kahilingan, isa ngayon at yung apat ipagpaliban na lang muna natin" sagot nito. Siguro mas ok na yung dare eh noh? Limang kahilingan lang naman yun at isa lang daw ang hihilingin nya ngayon tapos yung apat Tsaka na lang! Kesa naman may magtampo kila Cake,Macaroni at Spaghetti.

"Eh di sa Dare na lang ako, mas madali yun" sagot ko.

"Ano?! Para sayo mas madali yung Dare?! Ibang klase ka talaga!" Papuri ni Zhad sa akin. Maliit na bagay lang naman.

"Sure!" Parang excited pang sabi ni Faster. Parang timang naman itong si Faster, sigaw na sigaw gusto yatang maging singer.

"Eh ano ba yang first dare mo?" Takang tanong ko.

"Speid! Pahirapan mo" sabi pa ni Hinx.

"Hoy! Ikaw ha! Narinig ko yun" pagduduro ni Normainie kay Hinx.

"Tama naman si Hinx, Huwag kang magbibigay ng Dare na kahit langgam ay kaya nitong gawin" banat pa ni Yron. Isa pa itong si Yron na ngisi ng ngisi akala mo naman ikinagwapo nya ang pag ngisi eh nagmumukha syang Adik na kasisinghot pa lang nang Rugby.

"Wag mo namang pahirapan Speid, babae sya" Sabat ni Veronica. Napakabait talaga nitong si Veronica, sana lang eh sya na ang napili ng Lolo na yun para maging asawa nitong kolokoy na Xyron na ito, mukha naman kasing nagmamahalan silang dalawa at ako lang ang kontrabida sa Love life nila eh. Ayoko ng maging Kontrabida gusto ko ako naman ang Cupid. Kung walang babaeng Cupid eh willing naman akong maging isang Cupid o di kaya naman ay kay Cupid na lang ako magpapakasal ganun. Kawawa naman kasi yung pagmamahalan ng Dalawa eh. Si Veronica na magaling sa lahat ng bagay at maganda, sexy at mabait pa plus mayaman. Si Xyron na Gwapo pero payatot na mayaman kaya swak na swak sila sa isat isa. Hmm pero parang may mali? Ah oo Magkasalungat sila ng ugali kaya naman hindi na ako sure kung swak ba swak ba sila pero isa lang ang sigurado ako, Ako ang panira sa Love life nila.

"Sige na ano ang first dare mo?" Pagtatanong ko. Mukha namang excited silang lahat. Kayo na ang excited eh ako nga ang gagawa.

"Kantahan mo ako" Diretsong Sagot ni Faster. Magpapakanta lang pala akala ko kung ano na ang ipapagawa sa akin.

"Anong kanta ba ang gusto mo?"

"It depends on you, kung anong gusto mong kantahin para sa akin" Nagkibit balikat pa ito. Teka lang bakit may nahahalata ako?

"Sige na Kantahan mo na Heavenia!" Excited na sabi ni Zhad.

"Kantahan mo na yan para hindi na sya Sad and Lonely Boy!" Dagdag pa ni Hinx.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu