Chapter 28

2.3K 93 18
                                    

[Kabanata 28]

Roberto Kripot's P.O.V

"Mukhang kailangan na nating bumalik. Wag na tayong magtago pa dahil walang sekretong Hindi mabubunyag. Walang baho ang Hindi sisinghaw"

"Hindi pa pwede, Wala ito sa napag-usapan"

"Kumikilos na sila at mukhang nanganganib na ang buhay ng bata kaya kailangan na nating sabihin ang buong katotohanan"

"Kung sasabihin mo sa kanya ang buong katotohanan ay Hindi malabong tayo ay kanyang kamuhian kaya Hindi natin pwedeng sabihin sa kanya ang totoo"

"Pero..."

"Wala ng pero pero, kapag sinabi kong Hindi pwedeng sabihin ay Hindi pwede". Tutok na tutok kaming lahat sa panunuod ng isang Filipino drama ng biglang may kumatok sa aming pintuan.

"Roberto! Buksan mo nga yung pintuan!" Sigaw ni Cecilia ang Asawa ko. Agad ko namang binuksan ang pintuan.

"Paki tulungan mo nga ako sa pagbibitbit nito" ibinigay nya sa akin ang ilang Supot (Cellophane) ng kanyang pinamili.

"Oh Bakit ang dami mo yatang pinamili? Anong meron? Sino magbe- birth day? May handaan? Hindi naman natin anibersaryo pero Bakit yata ang dami mong pinamili?"

"Naku! Wag kana ngang matanong at simulan nyo ng linisin ang Buong bahay dahil pupunta dito ang Anak mo kasama ang kanyang asawa. Ang sabi sa akin ni Balae kanina sa Telepono eh dito muna daw matutulog sina Xyron at Heavenia kaya dapat paghandaan natin ang araw na ito"

"Salamat naman at makakapiling ko nang muli ang ating panganay"

"Oh sya, sige na nang makapag handa na tayo" inilapag kona sa mesa ang mga pinamili ng aking asawa at tsaka ko tinawag si Pamela.

"Pamela? Iha?" Agad naman syang lumapit sa kinaroroonan ko.

"Po?"

" iha maaari mo ba akong tulungan sa paglilinis ng bahay? Darating kasi mamaya ang ate Heavenia nyo at dito daw sila matutulog"

"Talaga po?!"

"Oo naman kaya kung pwede eh pakitulungan mo akong maglinis"

"Sige po, tutulungan ko po kayo" nagsimula na kaming maglinis ng bahay.

Inihanda kona din ang mga panunuorin naming mga pelikula mamaya. Hilig kasi ni Heavenia ang panunuod ng mga Action movies. Gusto nya yung bakbakan.

"Itay, saan po ilalagay ang mga ito?" Tanong sa akin ni Pamela habang bitbit ang isang Carton.

"Sige na Iha ilagay mo na lang duon sa kwarto ng Lolo at Lola nyo" alam na ni Pamela lahat ng pasikot sikot ng bahay dahil ilang buwan na din syang naninirahan sa amin. Kahit Hindi man kadugo ay itinuring namin syang parang tunay na anak kasama ng kanyang kapatid na si Paolo.

"Papa, uuwi po dito si Ate Heavenia?" Pagtatanong ni Harris.

"Oo anak uuwi muna dito ang ate nyo kasama yung kuya nyo"

"Yun po bang matangkad na payat? Yung color Brown po ba ang mata?" Pagtatanong naman ni Paolo.

"Hindi. Oo matangkad ang Kuya Xyron nyo at payat pero Hindi color Brown yung mga mata nya dahil kulay itim ito. Siguro Paolo ang tinutukoy mo ay yung isa. Yung pinsan ng Kuya Xyron nyo. Speid ata ang pangalan nun"

"Siguro sya nga po! Ang bait bait po nya sa amin. Diba Herris? Nung minsan nakita nya tayo sa palasyo? Pinakain nya tayo ng kung ano anong masasarap na pagkain" sabi pa ni Paolo.

Sa pagkakaalam ko eh mas matanda ang Speid na iyon kay Xyron. Hindi naman umabot ng isang taon pero mas matanda ito kay Xyron.

"Anong Oras ba darating sina Ate Heavenia?" Pagtatanong ni Pamela sa akin.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now