Chapter 65

1.5K 89 11
                                    

[Kabanata 55]

Heavenia's P.O.V

Nang makita kong babarilin na nila si Speid ay agad akong lumabas sa pinagtataguan kong puno. Sinigawan pa ako ni Veronica na manatili lang dahil delikado pero Hindi ko sya pinakinggan.

"Speid!" Sigaw ko sa pangalan nito habang patakbong lumalapit sa kanya.

"Magtago ka! Bumalik kana dun!" Sigaw nito sa akin pero Hindi ko ito pinakinggan. Nakita ko pang lumingon si Speid at dali dali nyang ipinansalag ang sarili sa akin.

Nanigas ako, Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napahawak nang mahigpit sa balikat ko si Speid at hinarap nya ako. Luhaan ang mata nito at namumutla na ang mukha nito.

"P-Pakiusap, iligtas mo na ang iyong sarili..." Sabay kaming napaluhod. Niyakap ko ito dahil natatakot na ako.

"Ayoko! Ayokong iwanan ka dito!" Umiiling at umiiyak kong sabi. Hinawakan naman nya ang balikat ko at inilayo ang sarili sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Makinig ka, may paparating nang tulong, lumayo kana sa lugar na ito nang Hindi ka mapahamak, magiging ayos lang din ako Sige na" pakiusap pa nito.

"Hindi! Ayoko!" Umiiyak ko pang sabi. Pinunasan naman nito ang mga luha sa akin pisngi. Inilapit nya ang kanyang mukha sa akin at tsaka ako hinalikan sa nuo.

"Mahal na Mahal kita Heavenia" sabi nito. Nagpatuloy lamang ako sa pag-iyak at tumango ako.

"Heavenia! Hali kana! Andyan na sila papalapit na sila!" Rinig kong sigaw ni Veronica.

"Umalis kana!" Itinulak ako ni Speid at natulala ako, parang Wala ako sa sarili nang tumayo ako, tumakbo ako papalapit kay Veronica.

"Hali kana!" Hinawakan ako ni Veronica sa braso at hinila nya ako.

"P-Pero si S-Speid..."

"Isinakripisyo nya ang buhay nya para sayo Heavenia! Wag mo naman sanang sayangin yun!" Nakita ko kung papaano umagos ang mga luha ni Veronica. Ano bang pinagsasasabi nya? Isinakripisyo? Hindi naman mamamatay si Speid, mahuhuli lang naman sya Hindi ba?

Napahinto ako, nakita ko din na nagulat si Veronica sa paghinto kong iyon. Lumingon ako sa likod ko at natatanaw ko pa din si Speid habang pinagsisisipa nang mga kalalakihang iyon. Napatingin din ako sa kamay kong may bahid na nang dugo. D-dugo? Nag sink in naman sa utak ko ang pagkakabaril kanina sa kanya.

"K-Kailangang ni Speid ang tulong, tulungan natin sya" hinawakan naman ako ni Veronica sa magkabilang balikat at tsaka nya ako niyugyog.

"Heavenia! Kailangan nating makaalis dito nang makahingi tayo nang saklolo! Upang maligtas natin si Speid!"

"P-Pero papaano kung pagdating nang saklolo wala na si Speid? Papano kung habang humihingi tayo nang saklolo ay patayin na nila si Speid? Papano kung Hindi na natin sya maabutang buhay? Hindi!" Napahawak ako sa ulo ko at tsaka ko sinabunutan ang sarili ko.

"Ano bang ginagawa mo?! Wala na tayong oras Heavenia! Kailangan na nating umalis dito!" Inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa balikat ko. Tinitigan ko sya mata sa mata.

"Hindi ko kayang iwanan si Speid sa ganuong Sitwasyon, makinig ka, kung aalis ka umalis ka mag-isa mo, ikaw ang humingi nang saklolo, babalikan ko si Speid duon" Kumaripas na ako nang takbo pabalik sa kinaroroonan ni Speid.

"Heavenia!" Sigaw ni Veronica pero Hindi kona sya pinansin. Nadapa ako, may nakita naman akong maliit na baril at agad ko iyong pinulot. Walang pag-aalinlangan kong itinutok ang baril sa mga taong nambubugbog kay Speid at pinaputok ito.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now