Chapter 54

1.7K 93 10
                                    

[Kabanata 54]

Xyron Jin's P.O.V

Malapit nang matapos ang Party, palihim kong pinagmamasdan ang bawat galaw nang babaeng iyon, Walang Duda, sya nga si Heavenia dahil nakita ko ang marka sa kanyang likuran.

Masaya sya habang kinakausap si Speid, Yron, Liyah at Normainie kasama si Claude. Gustong gusto kong lumapit sa kanila ngunit alam kong Wala akong karapatang gawin iyon.

Hindi ako naging mabuting tao sa kanya, Wala din siguro akong karapatang maging masaya dahil Hindi ko iyon deserve.

Nakita ko syang umalis, sinundan ko sya at naabutan ko naman syang nakaupo sa damuhan nang Garden. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para lapitan sya.

Papalapit na ako nang papalapit sa kanya, nagulat na lang ako nang marinig kong humihikbi sya. Nilapitan ko sya at iniabot ang aking panyo.

"I-I don't know how to approach you" panimula ko. Tinignan nya ang panyo sa aking kamay, ang mga mata nya ay puno nang luha at ano mang Segundo ay babagsak ito nang sabay sabay.

Kinuha nya ang Panyo sa aking kamay tsaka pinunas ang kanyang luha. Nanginginig ang kanyang mga kamay na para bang Hindi mapakali.

"C-can I talk to you?" Nagbakasakali akong baka Pwede ko syang makausap dahil gusto ko syang tanungin kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya.

"What is it?" Seryosong sabi nito. Mababakas din sa kanyang mga mata ang Cold Expression nito.Mas lalo akong kinabahan sa pagkakataong iyon.

"Pap-Papaano ka nakaligtas?" Sa wakas ay nasabi kona rin, hindi nya ako sinagot bagkus ay tinitigan nya lang ako na para bang ngayon lang nya ako nakita.

"Ano ba talaga ang nangyari sayo? Bakit Hindi ka agad bumalik?" Sunod kong tanong, nakita ko pa ang pagpatak nang luha sa kanyang kanang mata.

"Bakit ba lahat na lang nang taong nakakakita sa akin ay tinatanong kung papaano ako nakaligtas? Bakit gusto nyo ba na nawala na talaga ako nang tuluyan? Ginusto mo din ba na tuluyan na lang akong mawala sa mundo?" Damang dama ko ang sakit sa bawat salita nya.

"I-I just want to know how..."

"I don't know! I even don't know that I am Heavenia! Gets mona?! Nagising na lang ako isang araw na Hellena ang Pangalan ko! Na Hellena ang naaalala kong pagkatao ko!" Napahagulhol na sya, Hindi ako naniniwalang Hindi nya alam dahil kitang kita ko sa kanyang mga mata kung papaano nya titigan si Liyah. Ganun na ganun nya tinititigan si Liyah nung mga panahong Intramural sa School.

"Why now?" Hindi ko napigilan ang sarili kong itanong iyon. Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na iniisip kong baka may Plano syang maghiganti dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Huh?!" Napasinghap sya sa tanong kong iyon. Tumingala sya sa langit dahil pinipigilan nyang tumulo ang mga luha sa kanyang mga luha tsaka nya ako tinignan mata sa mata. Ibinato nya sa mukha ko ang panyo na hawak nya.

"Hindi ba pwedeng maging masaya kana lang dahil buhay pa ako?" Sarkastikong tanong nito. Hinawakan ko sya sa magkabilang braso at seryoso ko syang tinitigan.

"Alam kong may pinaplano ka, kayo nang pamilya mo kung bakit nagpakita ka ngayon, kung ano man yang pinaplano nyo ay wag nyo nang ituloy" Nilabanan nya ang titig ko sa kanya.

"Bakit? Natatakot kana ba sa kung ano mang posibleng gawin ko?" Tanong nito.

"What?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Natatakot ka Hindi ba?" Ulit nito sa kanyang tanong.

"Binabalaan kita, kung ano man ang binabalak mo itigil mo na" Bawat salita ko ay may diin.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now