Chapter 68

1.7K 109 17
                                    

[Kabanata 68]

Speid's P.O.V

Araw nang lunes ngayon at schedule na nang aming pag-uwi. Inaayos na lahat nang dalawang nurse ang mga dextrose na nakadikit sa aming mga braso dahil ubos na ang laman nito.

Nasa labas naman ang pamilya namin at hinihintay na matapos ang ginagawa nang mga nurses ang pagtatanggal nang mga dextrose at ibang bagay na kasalukuyang nakakabit sa aming mga katawan.

"Ako na lang po, marunong din po ako" sabi ni Heavenia nang akmang tatanggalin nang nurse ang dextrose sa kanyang braso.

Hinayaan na lamang sya nang nurse dahil alam naman nito na isang doctor si Heavenia. Nang matapos nilang tanggalin ay agad nila iyong inilagay sa isang cart.
Akala ko pa nga ay aalis na ang dalawa ngunit tumingin ito sa aming dalawa.

"May nagpapabigay nga pala nito"  sabi nung nurse na umasikaso kay Heavenia at iniabot ang isang sobre. Agad naman itong tinanggap ni Heavenia.

"Kanino daw galing?" Tanong ko pa.

"Pasensya na po, pero Hindi ko po naitanong kung ano po ang pangalan nya, iniabot nya lang yan sa akin kanina" sagot nito.

"Babae ba o lalaki?" Tanong ko ulit.

"Hindi po ako sigurado, balot na balot po kasi sya, nakasuot nang itim na pantalon, itim na Jacket, naka sumbrero, naka face mask at sunglasses" sagot nito. Nagkatinginan naman kami ni Heavenia sa puntong iyon.

"Ah, Sige salamat"

"Walang anuman po iyon, Sige na po aalis na kami, ingat po kayo sa pag-uwi nyo" umalis na ang dalawa at nang masiguradong Wala na sila ay saka binuksan ni Heavenia ang sobre.

"May lamang Sulat" sambit nito. Hindi na ako sumagot pa at hinintay kona lang na basahin nya ito.

"Heavenia at Speid, natutuwa akong malaman na buhay at naka survive kayo, nagpapasalamat din ako dahil binigyan nyo ako nang magandang video clip. Huwag kayong mag-aalala Hindi ito lalabas sa publiko. Iyon pa lamang ang unang laro at asahan nyong may kasunod pa. Alam kong hindi nyo maintindihan kung bakit ko  ito ginagawa sa inyo, pero ito ang sasabihin ko sa inyo, kayong dalawa ang kabayaran. Yung isang babae pa lang kasama nyo ay hindi na pala sya kailangan, inakala kong pati sya ay pwedeng kabayaran, ang gusto ko pa naman ay triple payment pero dalawa lang kayo kaya double payment na lang, pumuputok na siguro yang mga ulo nyo dahil Hindi nyo ako kilala Hindi ba? Pwes Hindi nyo ako makikilala. Pakisabi na din pala sa mga magulang nyo na maglalaro tayo, a play with life and Hide and Seek. ~Your Killer" Nang matapos basahin ni Heavenia ang sulat ay muli kaming nagkatinginan.

"Tayo ang kabayaran? Ano naman kaya ang ibig nyang sabihin?" Pagtatanong ko.

"Kung ano man ang ibig nyang sabihin ay iyon ang aalamin natin, may napag-usapan na tayo Speid at kailangan nating malaman kung sino ang nasa likod nang lahat nang nangyayari"

"Pero sigurado kana ba talaga sa desisyon mo?" Paglilinaw ko.

"Alam ko ang ginagawa ko Speid lalo na ngayon na mukhang Hindi lang tayo ang balak patayin nang taong iyon, hahanapin din natin ang sagot sa tanong na bakit tayo ang naging kabayaran" tumango na lang ako sa sinabi nyang iyon.

Alam kong delikado ang gagawin naming ito pero kailangan parin naming subukan dahil marami ang mapapahamak at madadamay kapag nagkataon.

Ayos na din ang katawan ko, naghilom na ang sugat na aking natamo at si Heavenia naman ay ayos naman daw ang kanyang kalagayan, Hindi na sya nahihilo o makaramdam man nang sakit sa ulo.

Biglang bumukas ang pintuan, niluwal ang aming pamilya, kanya kanya sila nang hawak sa amin at inalalayan nila kaming umupo sa wheel chair, sinabi na naming kaya naman naming maglakad pero nag insist pa rin sila.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now