Bakit ganoon? Kapag tulog ka, nagmumukha kang anghel pero kapag gising ka, kulang na lang, gawin ka nang kanang kamay ni satanas.





"Quit staring."





Nanlaki ang mata ko at agad na umiwas. Hindi ko naman alam na gising pala siya. Nakakahiya.




"Look at me,"  he commanded.




Hindi ko siya sinunod. Ang sabi niya, quit staring tapos sasabihin niya biglang tingnan ko siya ulit? Ang gulo niya.




"Even if I'm tipsy a bit... I know na kanina mo pa pinagmamasdan ang mukha ko," sigurado pang anito at nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagtango niya.





"Assuming ka rin pala, 'no?" Kunwaring iritang sabi ko at muling iniiwas ang tingin sa kaniya.






Naramdaman kong inialis niya sa pagkakasandal sa balikat ko ang ulo niya. Mas lalo akong umiiwas ng tingin dahil ayokong makasalubong ang mga tingin niya.





"I don't assume. It's a fact," he said as a matter of fact.





Nanlaki ang mata ko dahil sa ilang segundo lang, nasa harap ko na ang mukha niya at sinasalubong ang mga tingin kong pilit kong iniiwas.





"You're blocking the view!" Pagrereklamo ko kunwari pero ang totoo, naiilang ako.





Mapungay na mata naman siyang tumingin sa likuran kung saan ang view na tinutukoy ko'y puro mga gamit na sira na.





"What a nice view, huh," sarkastikong anito bago ibalik ang tingin sa 'kin.





Tinulak ko ang mukha niya bago tumayo para makalayo sa kaniya. He slightly lose his balance pero mabuti na lang, hindi rin naman siya natumba.





Sinamaan ko naman siya ng tingin nang makita kong nakatingin siya.  I raised my brow, wondering kung bakit siya nakatitig sa 'kin.






"Stop staring, drunk man!" I commanded which made him chuckled a bit.





"So now you already know how I felt when I  know someone's staring at me, huh?" He slightly bit his lower lip, trying to hide his smile.






Sinamaan ko naman siya ng tingin. "I don't feel anything!" Pagtanggi ko pa pero mukhang hindi siya naniniwala.





Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Gusto ko pang suntukin si Sef dahil ang sabi niya, malapit na raw siyang pumunta dito para kunin 'tong kaibigan niya.






Napatingin ako kay Adriel na nakaupo na sa kaninang inuupuan ko. Napansin ko pa ang pamumula ng mukha niya, senyales na may tama pa rin siya.





"I appologize to you for seeing me like this," he seriously said, breaking the silence between us.





I remember, Sef once told me that appoligize to someone is not his thing. But maybe dahil lasing siya kaya siya nagkakaganito? Sayang naman! Dapat niready ko ang phone ko para navideohan. Napabuntong hininga ako at lumapit sa kaniya bago umupo sa puwestong inupuan niya kanina.






"Ano ba kasing dahilan? Bakit nagpakalasing ka?" Hindi ko mapigilang tanong.





Umiling siya. "I just thought that this feelings that I have will fade if I'll drink as many as I can."






Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now