Tumawa iyong lalaki. "Well, we're having dinner with our heir's with the Magno's that's why. You should come for our next dinner, iho."

"Of course, Tito. I'll set my schedule for that," Andrew laughed.

Nang napadapo ang tingin ng dalawang mag-asawa sa akin ay bahagya akong ngumiti at yumuko para magbigay galang. Ngayon ko lang napansin na pamilyar ang kaniyang itsura. Parang nakita ko na.

"You're with this lovely young lady?" Tumawa ulit ito. "Are you getting married next to my daughter?" Ani nito na may halong pangungutya.

"Ahh, no Tito," Andrew chuckled and glanced at me. "She's Phob, Tito, Tita."

"Hi darling, I'm Loisanna Ignacio." nag-abot sa akin ng kamay iyong babae. Inabot ko ito at nakipag-kamay.

"Phoebe Valerino, Ma'am," I casually smiled at her too.

"Oh, don't call me ma'am, call me Tita Loi from now on," nakangiting aniya. I chuckled and nodded my head.

"I'm Macias Ignacio, iha," iyong lalaki at nag-abot rin ng kamay. I also took it for a shake hands. I greeted him back, too.

"So, how's Berry doing?" Si Andrew.

Humalakhak si Sir. Macias. "She's been doing good with her fiancee. I'm sure their marriage will be in a good terms."

Habang nag-uusap sila ay bahagya akong napasulyap sa gawi ng direksyon nina Chrispher kanina. Agad namang nanlumo ang nasa loob ng aking katawan nang makitang wala na sila doon.

I sighed. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? Normal pa ba 'to?

Hindi rin naman nagtagal ay natapos din naman ang pag-uusap nila Andrew ng Tito at Tita niya. Tudo sorry pa siya dahil daw baka nainip ako o ano.

"Ano ka ba?" Tumawa ako. "Hindi 'no, tsaka wala naman akong importanteng gagawin e."

"Are you sure? Wait... may dala ka bang kotse?" Aniya at inilibot ang tingin, siguro ay hinahanap ang kotse ko.

"Oo, uuwi na rin ako, inaantok na ako e."

"Okay then, safe home, Phob," he smiled and bit his lower lip.

"Sure, ikaw rin." Akmang tatalikod na ako ng may nakalimutan akong sabihin. "Ahmm... Thank you sa treat! Babawi ako sa susunod."

"Gonna wait for that," he chuckled. Napangiti ako bago tumalikod at pumasok na sa aking kotse.

I drove to the nearest hotel where I could stay in for the night. Nang makakita ay agad na akong nag-check in at naligo muna sa kwartong napili bago humiga sa malambot na kama.

Tulala akong nakatitig lang sa ceiling habang inaalala ang mga nangyari ngayong araw. Mariin kong naipikit ang mga mata ng may naisip.

Sa panandaliang oras ay nawala sa isip ko ang nangyari sa amin ng kapatid ko dahil kay Chrispher. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit parang may big deal sa kaloob-looban ko na hindi ko naman alam kung para saan. Basta feeling ko parang bagsak na bagsak ako e. Kaasar.

Hindi rin naman nagtagal ay nakaidlip na rin ako kakaisip sa mga dapat na gawin sa mga susunod na araw. Dahil na rin siguro sa pagod kaya nakatulog ako agad.

Kinaumagahan ay alas-sais na akong nagising. Naligo at nagbihis na rin ako ng damit na binili ko pa sa maliit na boutique sa ibaba ng hotel kagabi bago bumaba at nagkape.

I sighed as I roamed my eyes outside the café. Umaangat at talagang kitang kita sa pwesto ko ang ganda ng pang-umagang araw. The coldness and the morning vibe feels so relaxing. I pursed my lips as I remember my phone. Hindi ko na ito ini-open pa pagkatapos kong umalis ng bahay kahapon. Siguradong nag-aalala na sila ni Mama sa akin dahil hindi man lang ako nagpaalam kung asan ako.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now