"Kaya pala..." He glared and nodded disappointedly. Para lang akong sinisikmuraan ng ilang ulit dahil sa paraan niya ng pagsasalita at paninitig.

Naiiyak ako. Naiiyak ako kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naiiyak ako kasi hindi ako sanay na makita ko ang kapatid kong galit sa akin. Hindi ako sanay na tratuhin niyang ganito. Iba pa naman siyang magalit. Hindi siya namamansin at sobrang lamig kung makitungo. At ayaw ko no'n!

"P-preston..." I tried to hold his hand but he moved away. I gasped. My heart twitched painfully.

He clenced his jaw and dropped my long sleeves on the floor. "Kaya pala kapag nagg-gym tayo hindi ka gumagawa ng routine at umuupo ka lang! Kaya ka may leave ano?! Kaya pala?! Siguro tsaka mo lang 'yan sasabihin sa amin kapag segundo na lang mamatay ka na sa komplikasyon kapag magkaroon, ano?!" I could clearly see his veins almost popping out!

"H-hindi..." Nanginig ang boses ko kasabay ng pagdaloy ng mainit na likido ng luha galing sa aking mata. "Sasabihin ko naman talaga kapag nagkatyempo-"

"Kailan?!" He gritted his teeth and tightly clenched his fist. "Ang sabihin mo pinoprotektahan mo lang 'yang propesyon mo!" He yelled at the top of his lungs.

Kung normal lamang na away ito ay kanina ko pa siya nasuntok dahil sinigawan niya ang ate niya at bawal 'yon. Pero ngayon ay hindi ko siya kayang pigilan. Ang ate niya ang may kasalanan. Ang ate niya ngayon ay may nagawang kasalanan.

Napahikbi ako at humakbang papalapit sa kaniya. Pero humakbang naman siya paatras para hindi ako makalapit. Naninikip ang dibdib ko.

"Ang selfish mo, Ate! You're so self-centred that you won't care about how we feel! Na may nag-aalala sa'yo araw araw at oras oras!" Dinuro niya ako. "Kapag nasa trabaho ka nga at ginagabi ka ikaw lang iniisip ko kasi maraming kriminal sa paligid e! Oo may baril ka pero hindi sapat 'yon! You're not just killing yourself, you're killing us too!" He paused.

"I'm also against with that job of yours, Ate! Hindi lang si Papa at si Mama! Hindi mo lang alam pero ayaw ko rin niyan para sa'yo! But I did my very best to be happy with it dahil gustong-gusto mo ang propesyong 'yan! Pero anong ginawa mo?! You always lied to us! To the people who always care for you every single day! That's your change!"

Mariin kong naipikit ang mga mata habang nilalamon lahat ng mga salitang binitawan niya. I admit all of it. Maybe I am selfish. Maybe I truly am. And I am hating it.

"Sana sinabi mo na lang 'di ba?! Bakit itinago mo pa?! Pinagmumukha mo kaming tanga e!" He panted. His eyes are burning with madness. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiling at makiusap sa pamamagitan ng titig.

Ngunit hindi na niya ako pinansin. Mabibigat ang mga paa siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdanan. Kalaunan ay narinig ko na lang ang malakas na pagsarado ng pinto ng kaniyang kwarto na halos magpalundag sa akin.

Mariin kong napapikit ang mga mata dahil sa frustration. Tangina naman. What should I do? Oh damn! Napasabunot ako sa sarili ko at nanghihinang napaupo sa malapit na stole. Mas lalo lamang gumulo ang isip ko. Nagkapatong-patong na ang problema ko! What should I fucking do?!

I think... I need to cool this down.

Tumakbo ako palabas ng bahay at sumakay na sa aking kotse. Pinalis ko ang luha ko sa mata at kinalma muna ang nanlalamig at nanginginig kong mga kamay. After that, umalis na ako at hinayaan nang mahulog sa mata ang mga luha. Luha na puno ng pagsisisi.

May isang lugar lang akong alam na maaaring makapag-pakalma at makapagbigay sa akin ng space. Iyon ang kailangan ko ngayon.

Later on, I found myself walking inside the shooting gallery. Ang maliwanag na pasilyo sa loob at ang lamig ng aircon ang bumungad sa akin.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz