Pero ano naman kung ganoon? Wala naman akong pakialam dahil itong asungot na 'to ang lapit ng lapit sa akin! Inosente ako 'no. Ah, tama! Talagang utak ko lang itong paranoid. Tsaka wala naman akong clear na information kung magkaano-ano ang dalawang 'to kaya inosente pa rin ako.

"Dapat sanayin mo na sarili mo, Miss Police. May mga maghahabol talaga sa akin kahit saan. Normal na lang 'yang may magalit sa'yo kasi may kasama ka palaging gwapo, 'di ba?"

Binalingan ko siya gamit ang blangko kong ekspresyon. "Kapal talaga ng mukha mo."

"May mas makapal pa nga diyan e," he winked before pointing at his chest, the part where his heart is. "Mas makapal ang pagmamahal ko. Gusto mo i-try ko sa'yo?"

I lick the insides of my cheeks before shooking my head, acting disappointed about him. As usual, ang tawa na naman niyang lumalamon ng paligid ang isinukli niya sa akin. Minsan talaga nakaka-inggit ang isang 'to e. Parating happy.

"Umuwi ka na, wala ka bang klase bukas?" Ani ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Pumunta ako ng pintuan at hinawakan iyon bago siya binalingan.

Nakatingin lamang siya akin na para akong isang nakakaengganyong bagay na hindi niya pagsasawaang makita. Ang nakangiti niyang mukha na palagi kong nakikita ay talagang kakaiba at hindi ko mawari kung ano ang pinapahiwatig.

"Tumayo ka na nga diyan!" Inis na sambit ko.

"Pahinga muna ako saglit," pabagsak niyang inihiga ang sarili sa kama ko. Kalahating katawan niya lamang ang nandoon sa kama kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

"Aba't 'tong!" Napasinghap na lamang ako sa galit at irita. "Sino ba kasing nagpapasok sa'yo dito, ha?!"

I light chuckled from him made me arched a brow. "Magiging kapatid ko ata soon."

Ano? Ano ba namang lumalabas sa bibig nito? Lasing ba 'to?!

"Tatayo ka diyan o magtatawag ako ng asong lalapa sa'yo?!" Banta ko.

Inangat niya ang ulo niya mula sa kama at binigyan ako ng isang mapanuksong tingin. "Kung ikaw ang magiging aso, sige ba?!"

Namilog ang mga mata ko bago siya nanlilisik na mga matang tinitigan. "Lakas ng trip mo, ah?" I scoffed. "Tayo na kasi!"

He forward his hand up like a child waiting for someone to pull him. "Ahh, sakit ng katawan ko. Pull me up."

Mariin kong naipikit ang mga mata bago nagpakawala ng marahas na hininga. Ah! Kumukulo dugo ko! Padabog kong hinawakan ang doorknob bago iyon binuksan.

"Bahala ka diyan—"

"Ren?" Si Papa na naka-corporate attire ang una kong nakita sa labas ng pintuan.

Ilang ulit pa akong napakurap bago pinamilogan ng mata at bibig. Dumagundong ang puso ko sa kaba dahil sa sitwasyon! Nandito si Chrispher sa kwarto ko! B-baka makita siya ni Papa!

"Pa!" Bahagya pang napaatras si Papa dahil sa bahagya kong sigaw na bati. Mapakla akong ngumisi at lumabas ng kwarto at dali-dali iyong isinarado. "Nakauwi ka na pala?"

"Kakauwi ko lang," aniya sa seryosong ekspresyon. "Okay ka lang ba?"

Panandaliang nawala ang takot at kaba ko ng marinig ko ang pag-aalala sa boses ni Papa. Gumaan at tila may nawalang bigat na bagay sa puso ko dahil sa sinabi niya. Baka sinabihan na siya ni Mama tungkol sa nangyari sa akin kaya nandito siya ngayon.

Unti-unting namuo ang ngiti sa aking labi bago siya tinanguan. "Okay na naman po. Tsaka nakaya naman ng gamot."

Tumango siya bago huminga ng malalim. Sinulyapan niya ang kwarto ko dahilan para manumbalik ang kaba at takot sa puso ko kani-kanina lang. Ramdam ko ang mabilisang panunubig ng pawis sa aking kamay. Bumalik ulit ang titig niya sa akin bago ngumiti at tumango.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora