Hindi rin naman nagtagal ay tumahan na si Mama. She's so happy to celebrate my 'comeback' kuno. Para namang ilang taon akong nawala? Eh, ilang araw lang naman 'yon. Napailing na lang ako at dinadamdam ang saya sa paligid.

"Ma, si Papa po ba?" Tanong ko kay Mama pagkaupo ko sa harapan ng lamesa. Ipinagpatuloy niya ang trabahong hindi natapos.

"Nasa opisina, Anak. Siguro ay nagta-trabaho pa ngayon..." Napatigil siya sa ginagawa at nakangiting napatitig sa akin. "Gusto mo bang makausap? Tatawagin ko ba?"

Agad akong napailing at nagkagat-labi. "Hihintayin ko na lang po siyang lumabas, Ma."

She smiled before nodding. I glanced at my brother who's now playing with his phone. His brows furrowed while cussing something.

"Preston!" Tawag ko sa kaniya. Nagpatuloy siya sa pagtutok sa cellphone at hindi ako pinansin. Napahinga ako ng malalim.

"Preston!" I even raised my voice just so he can heard me. But still, no response.

"Preston!" Si Mama na ang tumawag. "Tinatawag ka ng Ate mo."

Tsaka pa lang siya panandaliang napasulyap sa akin. "Bakit, Ate?" Aniya at itinuon ulit ang tingin sa cellphone.

"Itigil mo nga muna 'yan?" Sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

"Ano?!" Nangunot ang noo niya at gulat na napasulyap sa akin. "Kita mong may ginagawa ako, eh."

Natigilan ako at nakangangang napatitig sa kaniya. Napabuga ako ng hangin. "Aba?! Ginaganiyan mo na 'ko?!"

"Ate, malapit na. Wait lang— Ayy Gago!" Mura niya habang tutok na tutok pa rin sa cellphone. Kulang na lang mahalikan niya ang cellphone sa sobrang lapit nito sa kaniyang mukha.

"Ma! Nagmumura!" Sumbong ko sabay turo sa kaniya. Agad na nanlaki ang mga maya niya at napatingin kay Mama na pinagbabantaan siya ng titig. Napangisi ako.

"Bakit ba kasi, Ate?! Panira ka e," yamot niyang ibinaba ang cellphone.

"Bukas ang first day ng school event niyo 'di ba?" Kumuha ako ng fries sa mesa.

Lumiwanag ang mukha ng kapatid ko pagkatapos ko iyong banggitin. Umusli ang ngiti sa labi niya ko.

"Pupunta ka?! Sure ba 'yan?!" Bakas ang excitement sa boses niya na nagpangisi sa akin.

Naalala ko tuloy si Chrispher. Tss. Kaya talaga siguro agad na gumaan ang loob ko sa isang 'yon dahil magkahawig sila ng ugali ng kapatid kong 'to. Kaya rin siguro ganoon ang pakiramdam ko kanina.

"May pupuntahan din kasi ako do'n."

"Sino?" Naningkit ang mga mata niya habang may nakakalokong ngiti sa labi.

Agad na nagreact ang nasa loob ng dibdib ko ng agad na lumabas sa utak ko ang itsura ni Chrispher.

Palihim akong napangiwi bago nag-iwas nang tingin sa kaniya. Bakit ko ba sinabi 'yon? Minsan talaga napapansin ko na nawawalan na nang preno itong bibig ko. Parang may sarili ng utak. Mariin kong ipinikit ang mga mata at napailing.

"Ikaw?" I tried to be more sarcastic.

"Si Kuya Chrispher?" Mas lalo lamang naningkit ang mga mata ng kapatid ko. Sinimangutan ko siya at agad na napaayos ng upo sa upuan, hindi ako agad nakapagsalita. Nagpatuloy siya.

"Alangan namang si Kuya Andrew 'di ba? Tapos na kaya 'yung mag-aral, tsaka sa Ateneo 'yon, UST lang ang may school event bukas. Bukod kay Kuya Andrew na nakwento mo sa akin ay si Kuya Chrispher—"

"Loko ka talaga. Ikaw ang pupuntahan ko do'n! Ma... bihis muna ako," nakangiwi kong sinamaan ng tingin ang kapatid bago dali-daling tumayo at umalis na ng kusina. Umalingawngaw pa ang tawa ng damuho kong kapatid na mas lalo lamang nagpaalab ng nararamdaman ko.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now