Taon 1921, nagkaroon ng malaganap na sakit sa Poland. Si Eva at Magda ay napilitan na magpunta sa New York at nagbabaka-sakali na makalayo sa lumalaganap na epidemya. Ngunit nang sila ay makarating sa New York ay agad silang inaresto at sinuring maigi, nakalaya si Eva ngunit hindi si Magda dahil may sakit ang kanyang kapatid kaya minabuti na i-quarantine ito upang hindi makahawa. Hindi malaman ni Eva ang gagawin hanggang sa nakilala niya si George na sa una ay talagang masasabi niyang mabait ngunit ginamit siya nito at pinilit na ibenta ang sarili. Napilitan siyang kumapit sa patalim para sa kanyang kapatid na may sakit, sa likod nang kalungkutan ay bigla niya makikilala ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso. Si Orlando the Magician na ba ang kanyang pag-asa para makalaya sa mga kamay ni George o mananatiling lihim ang kanyang pag-ibig para dito. #AuthorCombsmania