Chapter: 18

30 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 18

Puno nang tao sa isang malaking Hotel idinaraos ang kasiyahan.

Balita ko ay biyudo na ang ambassador kaya mapili ito sa mga babaeng ikinakama.

"Doon tayo Eva." Bulong ni George sabay turo sa pwesto.

Nakita ko ang pwestong itinuro ni George, pansin ko din na nakaupo ang ambassador.

Lumapit na kami at pinaupo ako ni George sa tabi nito.

"Napakaganda mo ngayong gabi, bagay sayo ang damit na ipinabili ko." Bulong nito kay Eva.

"Salamat." Sagot ko at tumingin sa gitna tila may nagpo-programa sa ngayon.

"Eva." Paglapit ni George,

"Kumain ka lang ng kahit na ano para may laban ka." Dagdag nito

Hindi ko na lamang siya pinansin at nanuod na lamang ako sa programa.

Napatingin si Emil at tila nakita niya si Eva, lalu sa napaka-ganda nitong suot.

Ngumiti siya bahagya, buo na ang plano niya ngayong gabi at hindi siya makakapayag na may muling maka angkin pa rito.

Nagsimula na ulit ang tugtugin, tila lahat ay mga naka-maskara isang lalakin ang naka-kapa at may suot na mahabang sumbrero ang lumabas.

Ngumiti ako dahil tila mahikero din ang isang yun, biglang pumasok sa isipan ko si Emil.

Pumasok na si Emil sa kahon, tila kinadena muna siya bago pumasok.

"Parang ganyan si Emil?" Sa isip ko lamang, pero impossible na siya iyon dahil hindi naman siya nagtatanghal sa mga ganitong lugar.

Halos pagbabarilin ang kahon, na tulad sa mga una niyang palabas.

Ang mga tao ay nagulat at natakot kung napaano ang nasa loob.

"Uulitin ko, magandang gabi sa inyong lahat!" 

Lumingon ang lahat at nakita nilang nasa likod ang mahikero. Lumapit ito sa ambasador at bumati, palakpakan naman sila at muli ay naglabas ng puting rosas.

"Para sayo binibini!" 

Tinanggap ko naman yun, kahit ako ay namangha sa kanyang ginawa.

"Palakpakan natin siya!" Sigaw ng ambasador at tinaas ang kopita sabay inom.

Nakipalakpak din si George at panay sulyap kay Eva.

Lihim naman na ngumiti si Emil dahil nainom na nito ang pangpatulog na kanyang nilagay sa inumin.

~

Pansin ko ang tila pamumungay ng mata ng ambasador, maya-maya ay bigla na lamang itong bumagsak.

Kahit si George ay nagulat kaya pati siya ay nakidulog, buhay naman ito ngunit natulog lamang.

"Maiwan ka muna dito Eva."

Napatango naman ako at naiwan nga sa lamesa, hindi pa man nagtatagal ay may lumapit sa akin.

"Maari ba kita isayaw binibini?" 

Ito ang mahikero kanina, pero ngayon iba na ang kanyang porma.

"Paumanhin pero hindi ako marunong sumayaw." Sagot ko at umiwas ng tingin

Ngumiti si Emil at mabilis na lumuhod,

"Hindi mo na ba natatandaan ang mga itinuro ko?"

Muli ako napatingin sa kumakausap sa akin, pansin ko ang mga mata niya na nakatago sa maskara.

"Emil?"

"Akala ko hindi mo ako makikilala." 

Napangiti na din ako, tumayo na siya at nilahad ang palad.

Maagap ko yun na tinanggap at nagpunta kami sa gitna.

Hinawakan niya ako nang ayos, na parang handa na sumayaw, kahi na kaunti lamang ang aking natutunan ay masaya na ako dahil ngayon nakikita ko muli ang lalaking mahal ko.

"Iba ang ngiti mo?"

"Masaya lang ako Emil, dahil naririto ko."

"Gumawa talaga ako ng paraan, nangako ako sayo na hindi na kita pababayaan." Sagot ni Emil.

Patuloy pa din kami sa pagsayaw, tila musika din ang mga katagang sinabi niya.

"Eva."

Tumingin ako sa kanya, nakatitig siya sa akin.

"Huwag mo sanang mamasamain." Una ni Emil.

Umiling ako at nais kong pakinggan ang sasabihin niya.

"Eva, huwag mo masamain at pag isipan ng kung ano. Pero nais ko malaman mo na mahal kita higit pa sa inaakala mo."

Tila hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, lalu lamang bumilis ng pintig ng puso ko at para bang isang napakagandang musika ang nadinig ko sa kanyang mga labi.

"Mahal kita sa kabila ng lahat ng ito, tanggap ko kung anuman ang pinag daanan mo. At isa sa pinaka mahalaga ay minahal kita hindi ang katawan o mukha kundi ang pagkatao mo na may busilak na puso."

Hindi ko mapigilan ang luha na lumandas, ngayon ko lamang nadinig ang salitang mahal at tatanggapin ang pagkatao ko.

"Emil." Sambit ko at huminto sa pagsasayaw.

"Hindi mo alam kung paano mo ako pinasaya, pero isa lang ang maisasagot ko."

Nakatitig lamang si Emil at nakikinig sa nais din isagot ni Eva.

"Mahal din kita, mahal na mahal."

Ngumiti si Emil at niyakap si Eva, wala siyang pakielam kung may ibang makakita ang mahalaga ay kapwa alam na ang damdamin ng bawat isa.

~

Bumalik si George sa party kung saan niya iniwanan si Eva, ngunit lahat na yata ng sulok ay hindi makita ang kanyang alaga.

"Umuwi na ba siya?" Bulong niya at nagmamadaling umuwi.

"Eva!" Sigaw niya at hanap dito.

"Teka di ba kayong dalawa ang magkasama?" Tanong ni Beth.

"Wala siya dito?" 

"Wala!" Sagot nito.

Halos maihilamos ang dalawang kamay sa kanyang buhok.

"Saan siya nagpunta!" Inis niyang sigaw 

"Teka kumalma ka nga, malay mo naman ay namasyal lang!"

"Hindi siya maaring mamasyal!" Sigaw muli nito

"Malaking pera ang ibinayad ng ambasador, kapag hindi ito nakita si Eva ay mapapahamak ako pati kayo!" Dagdag niya at padabog na muling lumabas sa bahay 

"Beth,anung nirereklamo ni George?" 

"Si Eva, baka tumakas na!" Sagot niya

"Baka napapagod na." Sabay tawanan ng mga ito.

Napailong lang din si Beth at hinayaan na lamang si George, muli na silang pumasok sa loob.


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon