Chapter: 19

25 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 19

Pagdating sa bahay ni Emil ay tika ayoki na mag aksaya ng panahon, ganundin at parehas kami ng nararamdaman.

"Emil."

Lumingon si Emil at nakita niya si Eva na papalapit, hindi na siya nag aksaya din nang oras at mabilis na hinagkan ang labi nito.

May halong kasabikan, ngunit naroroon ang pagmamahal at pag galang sa babaeng sinisinta.

Hanggang sa buhatin ito, para silang mga bagong kasal na magpupulot gata.

Pagka dating sa kwarto ni Emil ay dahan-dahan niyang inilapag sa kama si Eva, ngumiti siya at maliit na kintil na halik ang iginawad sa noo ni Eva.

Pakiramdam ko ay ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong klaseng pag galang, hindi tulad sa mga lalaking nakasama ko sa kama na halos nagmamadali para maangkin ako.

Iba si Emil sa lahat, isa pa ito ang lalaking mahal ko kaya ko ipaba ubaya ang sarili ko na walang pag aalinlangan.

Nagsimulang ilihis ni Emil ang suot na damit ni Eva, mas lalung naghatid ng init yun dahil na din sa napakaganda nitong katawan.

Muli siyang napatitig sa mukha ni Eva, sa pagkakataong ito ay muli niyang hinagkan ang labi at tuluyang inihiga sa kama.

Sa mga bisig ni Emil ay dama ko ang aking kaligtasan, tunay ko siyang mahal at wala na akong ibang mahihiling kundi ang makasama siya sa habang buhay.

Ang aming buong magdamag ay napuno ng pagmamahalan, wala kaming sinayang na oras tila kapwa kasabikan ang bawat nadarama.

~

"Ibalik mo ang pera! Kung hindi mo mailalabas ang alaga mo! O baka mas gugustusin mo na pulutin kayo sa kalsada." 

Napalunok si George, ngayon ay tila iniipit siya ng ambasador para ilabas si Eva.

"Bigyan niyo lamang ako ng isang linggo, pangako hahanapin ko si Eva!"

Lumapit ito at tinitigan siya.

"Siguraduhin mo, dahil kapag hindi mo siya nailabas. Alam mo kung anu ang maaari kong gawin." 

Takot na takot na tumango lamang, at agad nang tumayo sabay talikod.

Halos dalawang araw na ng biglang maglaho si Eva, 

"Dapat talaga hindi ko siya iniwan mag-isa!" Inis at galit niyang bulong, kapag nagkataon na hindi niy maibigay ito sa Ambasador ay siguradong mawawalan na siya ng kakapitan pati ang kanyang hanapbuhay ay mawawala din.

~

"Teka lang, sobra mo na ako patawanin!" Reklamo ko kay Emil dahil tila nagtatanghal siya at pinapanuod ko.

Magaling din siya magpatawa at sobrang saya namin dalawa.

"Atlis masaya ang mahal ko." Sagot nito at lumapit sabay halik sa labi ni Eva. 

Pero agad din lumingon si Emil sa nadinig na mga katok sa kanyang pintuan.

"Saglit." Palaam niya

Naghintay na lamang ako sa aking kinauupuuan at panay ikot ng puting rosas sa aking mga palad.

~

Pagka bukas ni Emil ng pintuan ay agad na bumungad sa kanya si Harold.

"Harold! Ikaw pala, halika pasok!" Masaya niyang bati sa kaibigan na bagong dating

Agad itong pumasok, inaya ni Emil ito hanggang makarating sa loob.

Napatayo ako ng makitang may bisita si Emil,kaya mabilis akong ngumiti at nagbigay galang.

"Magandang hapon." Bati ko.

Ngumiti lang si Harold at tumingin kay Emil.

"Siya nga pala, Harold siya si Eva ang sinasabi ko sayo na kapatid na pinapahanap ko sayo." Pagpapakilala ni Emil.

Bigla akong napangiti sa nadinig at agad na napalapit.

"Ginoong Harold, nakita mo ba ang kapatid ko na si Magda? Kamusta na siya?" Naging sunod-sunod ang aking mga tanong sa sobrang kasabikan na makita na ang aking kapatid.

May kinuha ito sa loob na bitbit na bag , mga sulat at notebook. Pagkatapos ay iniabot nito kay Eva.

Kinuha ko naman yun pansin ko na gamiti iyon ni Magda dahil ang notebook na yun ay ako pa ang bumili.

Pansin ni Emil ang kakaibang awra sa mukha ni Harold.

"Harold?" 

Bumuntong-hininga ito.

"Ibig sabihin nagkita kayo ng kapatid ko?" Tanong ko muli dahil nasa kanya ang gamit nito.

"Eva, huwag ka sanang mabibigla." 

Napapatitig ako sa kaibigan ni Emil, pansin ko din ang pagtingin ni Emil sa kanyang kaibigan.

"Anu, bang ibig mong sabihin?" 

"Hindi ko na siya naabutan, matagal ng patay ang kapatid mo kaya nila itinapon sa isla." 

Parang may kung anu ang kumurot sa aking damdamin, para na din ako nabingi sa sinabi niya at hindi mapigilan ang paglandas ng aking mga luha.

"Hindi totoo yan, pano siya mawawala?" Naging malumanay pa din ako.

"Hindi siya nagamot, lumubha ang kanyang karamdaman, nagpunta din ako sa isla at doon ko din nakita ang kanyang bangkay kaya pinagawan ko na lamang ng magandang libingan."

"Bakit hindi mo agad itinelegrama?" Sabat ni Emil.

"Ayoko kayong mabigla lalu si Eva."

"Hindi! Hindi totoo yan!" Sigaw ko at hindi mapigilan ang emosyon halos mapaupo ako at mabitawan ang mga hawak sa aking kamay.

"Gabi-gabi ko ibinebenta ang aking sarili, para sa kanya!" Haloss naiiyak kong sabi at tila sumisikip ang aking paghinga.

"Paanong lumubha ang karamdaman niya."

"Eva." Lapit ni Emil at yakap dito para patahanin ang kasintahan.

Umiling si Harold.

"May nakapagsabi sa akin na walang dumarating na kahit anu para kay Magda,ang buong akala nila ay pinabayaan mo na ito."

"Hindi ko pinabayaan si Magda! Magda!" Tawag ko sa kanya at halos umiyak na lamang,

"Halos babuyin ako ng bawat lalaking makakasalamuha ko gabi-gabi, ibat-ibang laway na gagapang sa aking katawan. Tapos, tapos." Humagulgok ako at yumakap kay Emil 

Maging si Emil ay nadala sa pag iyak ni Eva.

"Patawad Eva ngunit nahuli tayo, kung mas maaga maaring naisalba natin si Magda." Wika ni Harold 

Napapikit ako at halos iiyak na lamang ang mga nadidinig, wala na ang nag iisang kapatid ko. Ang kapatid kong sobrang mahal, kaya ako nalugmok sa putikan ay para sa kanya. Ngunit wala din nakarating,

"Pinaglaruan ako ni George at Maribel, pinaniwala nila ako sa mga telegrama na pinapadala nila at ang pera ko, sa kanila lamang napunta." Umiiyak kong bulong.

Tila nagpipigil lamang si Emil, lalu lamang nadagdagan ang galit niya para sa kanyang pinsan. Idagdag pa ang ginawa nito sa babaeng mahal niya.

#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon