Chapter: 15

24 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 15

"Liberty, mukhang lagi ka masigla at masaya ha?" Biglaang tawanan ng mga ito

"Naiisip ko lamang si Magda, sigurado ako na gagaling na siya." Buong saya kong sabi,  syempre iniisip ko ang pagtulong na ginawa ngayon ni Emil. Siguradong mapapadali na ang pagkikita namin dalawa, 

"Namimiss ko na talaga siya." Bulong ko.

"Eva!"

Napatayo ako ng tawagin ako ni George, agad din ako lumapit dahil sumenyas siya.

"Bakit?" Bungad kong tanong.

"Sumama ka muna sa akin ngayon, gusto ka makilala ng pinaka ambasador!" 

"Ambasador?" Takang tanong ko.

"Oo, gusto niya makilala si Liberty. Mag ayos ka at eto!" Sabay abot ng naka-kahon.

Kinuha ko yun at binuklat, 

"Damit?" 

"Ang isa suotin mo ngayon, ang isa naman ay para sa pagdiriwang hihintayin na kita sa labas"

Tiningnan ko ang mga damit na binili niya para sa akin, magaganda naman lahat kaya sinunod ko na lamang ang utos niya.

~

"Madalas ko pansin ang ngiti mo Emil? Mukhang  mayroon kang insipirasyon ah?" Tila biro sa kanya 

Ngumiti lang si Emil at nilagay na sa kanyang leeg ang kanyang bandana.

"May isang babae kasi ang pumukaw ng damdamin ko, at ngayon ay sobra kong iniibig."  Sagot niya

"Aba, masaya ako para sayo Emil. Kaya lagi ka masigla sa pagtatanghal dito." 

Ngumiti siya at napatingin sa bintana, agad niyang napansin si Eva na dumaan kasama si George.

"Ang agad pa, saan kaya ang punta nila?"  Sa isip ko.

"Siya nga pala, mayroong magaganap na pagdiriwang ang ambasador sa linggo ng gabi. Tayo ay inanyayahan para sa palabas." Paalala nito 

"Sige, pupunta tayo. Pero saglit lamang at may titingnan lamang ako sa labas." Paalam niya at mabilis na isinuot ang sumbrero para hindi man makilala ni George.

~

Pansin niya ang kasuotan ni Eva na tila pormal, at ang kainan na pang mayaman.

"Bakit sila dito pumunta?" Bulong na tanong nito, napilitan siyang pumasok para mas lalu pa malaman kung anu ang nangyayari sa loob..


Napaupo ako sa isang mahabang lamesa, puro halos kalalakihan ang naroroon. Sa gitna ay ang isang may edad na lalaki ang umiinom ng wine sa kanyang kopita.

"Ambassador! Si Liberty!" Pakilala ni George.

Huminto ito sa pag inom at tiningnan ang babaeng ipinakilala ni George.

Tila nahihiya naman ako sa mga titig niya, para bang sobra na lamang niya ako pagmasdan.

"Totoong napakaganda mo iha." Sabay ngiti at tingin kay George, 

"Sa linggo ng gabi kailangan ay naroon siya. Maaasahan ko ba yan George?" 

"Walang problema, basta ang pinag usapan natin na presyo." Sabay angat nito ng baso.

"Para sa ambasador!" 

Tumaas na din ito ng kopita at ngumiti sabay kindat kay Eva.

Ibinenta pala ako ni George na wala akong alam, at mukhang sa  isang kilalang tao pa. 

"Pa'no kaya ako makakatakas nun?" Bulong ko.

Huminga ng malalim si Emil ng madinig iyon, kailangan niya makagawa ng paraan hindi na siya papayag na kay umangkin pa sa babaeng mahal niya.


~

"Baka mapagod ka?" Tanong ni Emil, nagprisinta kasi si Eva na magluto ng kanilang hapunan.

Ganuon pa din, siya pa din ang bumibili sa akin sa gabi.

"Anu ka ba, ilang araw na tayong magkasama. Kahit sa pagluluto na lang ako makabawi." Nakangiti kong sagot.

Tila inamoy bahagya ni Emil ang aroma nang niluluto ni Eva, 

"Magaling pala kayong mga polish sa pasta?" 

"Medyo, paborito namin ito ni Magda. Sa tingin mo kaya nagkita na sila ng kaibigan mo?" 

"Hindi pa nag telegrama si Harold, pero naniniwala ako na isang araw may balita na tayong matatanggap." Sagot niya, nakita niyang inaayos na ni Eva ang mga pagkain kaya lumapit  siya.

"Ako na." Prisinta niya, hindi sadyang nahawakan niya ang kamay ni Eva dahil hawak nito ang plato.

Parang may kung anung kilig na umakyat sa aking damdamin sa pagkakahawak na yun ni Emil, hindi lamang yun pakiramdam ko ay namula ako agad.

"Pasensya na." Ani ni Emil at kinuha na tuluyan ang plato at naglagay ng mga pasta.

Nakatingin lamang ako sa kanya, kung alam lamang nito na tinanatangi siya ng puso ko, kung alam lamang nito na may lihim akong pagmamahal sa kanya. Pero hindi ang isang tulad ko ang nababagay kay Emil.

Pasimple na lumayo si Emil at nilagay na sa lamesa ang mga pinggan, lumingon siya kay Eva. Masaya n siya na pagmasdan na lamang ito, alam niyang wala na itong tiwala sa mga lalaki kaya ayaw niya aminin ang nararamdaman. Natatakot siya baka bigla itong lumayo, may panahon pa naman , pinaasikaso na niya sa kanyang mga kakilala ang maaaring mangyari sa mga dokumento nito. At sana nga ay makawala na din sa kanyang pinsan na si George.

#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now