Chapter: 7

38 3 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 7

Wala pang alas singko nang makarating ako sa bagong lugar kung saan mamaya ay siguradong madami na namang kalalakihan ang maghihiyawan.

Madami nang upuan ang naka-ayos, medyo maluwag hindi tulad sa dati naming lugar. 

Dumaan na ako sa likod ng enteblado, para makarating sa dressing room ng biglang may pumukaw sa aking paningin.

"Kilala ko yun ah?" Bulong ko at lumapit bahagya, bigla ako napangiti ng makilala ko kung sino ang nag eensayo.

Abala si Emila sa ginagawang bagong tricks kasabay nito ay ang pag-sayaw, inihagis niya ang sumbrero at bigla iikot bago saluhin. Ilang beses na niyang ginawa na perfect ang kinalabasan.

"Ang galing talaga niya." Bulong ni Eva habang busy pa din sa panunuod kay Orlando.

Nakita naman ito ni George kaya lumapit siya, napansin niya na si Emil ang pinapanuod ni Eva. Nakaramdam siya nang pagka-inis dahil tila hinahangaan ito ni Eva.

"Eva!" Tumaas ang tono niya

Mabilis akong napalingon at nakita agad si George na nasa likuran ko.

"I-ikaw pala."

Napalingon si Emil dahil kilala niya ang boses na yun.

"George?" Tila sinisiguro niya kung ito nga ang kanyang pinsan, kaya agad siyang lumapit.

"Pumasok ka na sa dressing room aayusan ka pa!" Utos niya kay Eva.

Napatango na lamang ako.

"George!" Tawag ni Emil.

Lumingon ako at muling nagtama ang aming mga mata, mas gwapo pala lalu si Orlando kapag hindi nakasuot ng costume niya, tila simple lamang ito.

"Teka, ikaw yung-"

"Pumasok ka na Eva, ngayon na!" Sabat ni George para maputol ang sasabihin ni Emil.

Mabilis na akong pumasok sa kabilang pintuan at agad itong isinara.

Nakasunod naman ng tingin si Emil sa babaeng pinapasok ng kanyang pinsan.

"Nag eensayo ka ba?" Kausap ni George para mawala ang atensyon nito kay Eva.

"Ah, oo. Mabuti at, bumalik ka na dito sa lugar natin?" Sagot ni Emil at tumingin sa kanyang pinsan.

"Masyadong naging mahigpit sa dati kong lugar,  dito ka ba mamaya magpapa-labas?"

"Oo, siya nga pala kamusta ka na? Ang tagal din natin hindi nagkita?" Tanong ni Emil.

"Maayos naman ay eto, malaki pa din ang kinikita ng mga babae ko!" Pagmamalaki nito kay Emil.

Napilitan ngumiti si Emil, hindi niya gusto ang ginagawa ng kanyang pinsan. Ilang beses na niya itong pinigilan sa mga ginagawa, isa pa madami itong kapit na matataas na opisyales.

Bigla niyang naalala ang babaeng pinapasok nito.

"Yung, yung babae kanina. Kasama din, kasama din ba siya?" 

"Oo, siya ang pinaka espesyal sa lahat lalu at bago ko siyang alaga." 

"Pero mukhang,inosente ang isang yun."

Umiling si George

"Halos isang buwan na siyang nagta-trabaho sa akin, kaya hindi na siya inosente sa ganitong bagay. " lumapit bahagya siya kay Emil.

"Huwag mo na subukan na pakielaman ako sa ngayon, lalu sa babaeng yun. Dahil pagmamay-ari ko siya." Sabay talikod.

Naiiling si Emil, hindi makatarungan ang ginagawa nitong sapilitan na pagbebenta ng katawan ng mga kababaihan.

"At hindi ako makapaniwala na pati ang babaeng yun ay biktima ni George" bulong niya.

~

Tulala ako at walang imik, nakikinig lamang ako sa patapos na programa ni Orlando.

"Sigurado ako na alam na niya." Bulong ko.

Matapos na mag bow sa mga manunuod ay agad na dumaan si Emil sa likuran, unang natapos ang kanyang programa. Pagka-baba niya ay agad na napansin ang babaeng hindi maalis-alis sa kanyang isipan. 

Ang babaeng bigla pumukaw sa kanyang pihikan na damdamin at ito din ang babaeng bagong alaga ng kanyang pinsan na si George.

Mas lalu itong gumanda sa simpleng ayos pati ang suot nito na tila ibinagay sa kagandahan, ngunit mapapansin din na sa kabila ng maganda at maamong mukha ay ang kalungkutan na bumabakas dito.

Napahinto ako sa pag-akyat lalu nang mapansing kong nakatitig sa akin si Orlando, nakaramdam ako nang pagka-pahiya, gusto kong lumubog ngayon sa kinatatayuan ko.

Gusto ko na lamang takpan ang aking mukha, dahil wala na akong mukhang maaaring iharap sa taong hinahangaan ko.

Ngumiti si Emil bahagya dito.

Pansin ko ang pag ngiti niya at ang mga mata na nangungusap na para bang naaawa sa kung anuman ang nasa entablado ngayong gabi.

"Liberty!" 

Halos mapapitlag ako sa lakas ng pagtawag ni George, yumuko ako at dali-daling umakyat sa entablado.

Nakasunod na lamang ang tingin ni Emil dito, pinanuod niya ang mga kalalakihan na nag presyo na para lamang makatabi sa kama ngayong gabi ang babaeng yun.

Parang may kirot sa kanyang dibdib, dahil tila pinagyestahan na ito sa presyo.

"Napaka walang hiya mo George." Galit niyang bulong dahil nadinig na niyang tinanggap ang limang daang dolyares kapalit nang babaeng yun. 


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now