Chapter: 17

28 2 0
                                    

The Immigrant 

Chapter: 17

"Bakit hindi ka pa nag aayos?" 

"Magsisimba lang ako, araw ngayon ng linggo." Wika ko, mula ng pasukin ko ang mundo ni George ay tila hindi na ako nakadalaw sa simbahan.

"Baka magliyab ka!" Sabay tawa ng isang babae.

Nagsimula na silang magtawanan,

"Hindi naman ako magliliyab, mas mahirap kapag hindi nagsimba, kayo din."

"Aba, pinariringgan mo ba kami!"

"Tama na!" Saway ni George at lingon kay Eva.

"Sige na magsimba ka na, bilisan mo at huwag masyadong magpahapon alam mo na may pupuntahan pa tayong dalawa."

Hindi na ako umimik at agad akong tumalikod.

~

Agad akong lumuhod nang makarating sa simbahan, may kandila akong hawak at matiimtim na nagdasal.

"Diyosko, patawarin po ninyo ako kung ngayon lamang ako muling nagpakita sa inyong bahay tahanan." Pumatak na ang luha ko kapag naiisip ko ang mga pinagdaanan namin ni Magda at ngayon na pinagdadaanan ko.

Saglit kong pinunasan ang aking mga mata, at muling tumayo gusto ko mangumpisal para kahit paano ay maibsan ang aking mga dinaramdam.

~

Pumasok ako sa bahay kumpilan, pagka-upo ay mabilis akong nag sign of cross

"Magandang hapon padre."

"Magandang hapon din anak, anung maipaglilingkod ko sayo." 

Huminga ako ng malalim at lumunok bahagya.

"Hindi ko po alam, kung saan ako magsisimula. Ngunit, " napahinto ako at napaiyak.

"Ituloy mo lang anak, nakikinig ako."

Humugot ako ng hangin dahil sa pakiramdam ko na hindi ako makahinga

"Madami akong kasalanan, padre isa akong makasalanan na tao."

"Lahat tayo ay nagkakasala anak, nais ko malaman kung anu ang pinaka mabigat mong kasalanan na nagawa?" 

Pumatak na ang luha ko, 

"Ang aking nag iisang kapatid ay may karamdaman, pinaghiwalay kami nang mga matataas na tao." Nag uunahan ang aking mga luha habang nag sasalaysay, sobra ko na namimiss ang kapatid ko na si Magda.

"Sa kagustuhan ko na makuha muli siya, may isang tao na tumulong sa akin. Ngunit napilitan ako sundin siya para lamang maibigay ang pera na kailangan ng aking kapatid." Napa punas ako saglit sa aking mga mata. At tila hahagulgol na ako ng iyak.

"Ginamit ko ang katawan ko para lamang magka pera"

"Anak, alam mo na napaka laking kasalanan lalu kung hindi mo pa asawa ang iyong i aapid."

"Alam ko po, at alam ko na hindi ako mapupunta sa langit kapag ako ay namatay." Muli kong iyak.

"Hindi yan totoo iha, lahat nang tao ay maaaring magbago. Sigurado ako na may isang tao na maaaring makapag pabago sayo."

Matipid akong ngumiti.

"Mayroon akong nakilala, sa totoo lang tinutulungan niya ako. Ngunit natatakot ako dahil baka mapahamak siya, mahal ko na siya, sigurado ako sa aking nararamdaman."

"Bakit hindi ka na lang umalis sa taong sabi mo na tumulong sayo?" Tanong ng pari

"Gustuhin ko man, ngunit naiipit po ako sa sitwasyon ko sa ngayon. "

"Naiintindihan kita anak, muli kang magdasal. Sampung ama namin, sampung aba ginong maria at muling ipagdasal ang iyong mga kasalanan."

"Opo." Sagot ko

"Humayo ka anak, ipagdarasal ko ang iyong espiritu at lagi kang patnubayan ng maykapal." 

Tinanggap ko ang basbas sa akin bago ako lumabas sa kumpilan, nakaramdam ako nang kaluwagan ng paghinga dahil kahit paano ay nasabi ko ang hinaing ko sa maykapal.


~

"Ang swerte mo Eva, lahat ng babae ipinapakita taon-taon ni George sa Ambsador pero ikaw lamang ang pumasa!" Tila naiinggit na sabi nito kay Eva.

Tahimik lamang ako habang inaayusan nila dahil mamayang gabi ay sa ambasador ako sigurado magdamag.

"Maiwan ka muna namin ha!" 

Lumabas na sila at naiwan akong mag isa,

"Sayang hindi ko ngayon makikita si Emil, ayoko na din sabihin sa kanya ang mga magaganap ngayon pagkat mag aalala na naman siya." Bulong ko at pinagmasdan ang sarili sa salamin.

Muli  ko naalala ang paghalik niya sa aking labi, doon ko naramdaman ang tunay na pag galang ng isang lalaki. Ang halik na puno ng pag galang, gustuhin ko man na mas lumalim pa ngunit kalabisan yun dahil ginagalang ako ni Emil.

"Eva!"

Nakita ko si George sa repleksyon ng salamin.

"Bilisan mo na, may mga naghihintaya sa labas para tayo ay ihatid sa party ni Ambasador!" 

"Susunod na ako." Sagot ko 

Muli ng lumabas si George at naiwan si Eva.

Pinagmasdan ko ulit ang aking sarili, tila napakganda ng aking kasuotan. Pinaghandaan talaga ni George, kinuha ko ang maskara na gagamitin sa party.

"Patawad Emil at maghihintay ka ngayong gabi." Bulong ko at tumalikod na.


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now