Chapter: 2

48 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 2

"Welcome sa Manhattan!" Wika ni George.

Halos humanga ako sa kagandahan ng lugar, may kakaibanh tuwa yun sa kalooban ko. Pero naroon din ang kalungkutan ko dahil wala si Magda sa tabi ko.

"Halika Eva, dito ang daan." Yaya niya 

Sumunod na lamang ako kay George , malaki na ang tiwala ko sa kanya lalu at tutulungan niya ako makahanap ng magiging trabaho. Kailangan ko maka-ipon para mailabas si Magda sa hospital.

Habang naglalakad sa loob ng pasilyo ay hindi maiwasan ni George ang mapatingin dito, maganda si Eva makinis at maputi ang balat nito at may maamong mukha. Na-ikwento sa kanya ang naging karanasan nilang mag-kapatid at ang pananatili sa hospital.

Huminto na siya at muling lumingon kay Eva,

"Bago tayo tuluyang pumasok sa loob, nais ko na tapatin ka."

"A-anu yun?" Napapa-isip din ako sa sinasabi ni George.

"Malaki ang kikitain mo sa magiging trabaho mo ngunit hindi ito madali, pero nasisiguro ko na ang kapatid mo ay matutulungan natin." Paliwanag niya.

Hindi ako maaaring umatras, kahit anu ay tatanggapin ko para maipa-gamot si Magda at magkasama muli kaming magkapatid.

"Tatanggapin ko kahit na anu, basta lamang ma-ilabas ko sa hospital ang kapatid ko." Buong loob kong sabi

"Mabuti naman at nagkaka intindihan tayo, dahil kapag pumasok ka na sa pintuang ito at makita mo na ang lahat nang nasa loob ay hindi ka na maaaring umatras." Sabay ngiti ni George

May kaba na bumalot sa buo kong pagkatao, kaya huminga na lamang ako ng malalim.

Binuksan na ni George ang pintuan at agad kaming pumasok sa loob, bumungad sa akin ang mga kababaihan na tila nagda-damit para sa isang palabas.

Nailang pa ako dahil halos ang iba ay talagang nakikita na ang kanilang mga hubo't-hubad na katawan.

Pansin ko na lumapit si George sa mga kababaihan na nagbibihis at tinitingnan bawat ginagawa ng mga ito.

"Makinig kayo, mayroon kayong bago na makakasama!" Lumingon si George kay Eva at mabilis na nilapitan ito.

"Siya si Eva Symanek, taga Poland siya at bago lamang dito sa Manhattan" pagpapakilala ni George

May mga nakatingin sa akin na tila kinikilatis ang buo kong pagkatao, 

"Siya na ba ang bago?" Tila tanong ng isang babae

"Tama ka Jovie, sa ngayon titingnan muna niya ang magiging trabaho ninyo. At bukas ay isasabak ko na siya!" Sagot niya at ngumiti kay Eva

"Sila ang makakasama mo gabi-gabi." 

Lumunok ako bago tumango kay George, lumayo na muli siya at lumapit sa mga babae.

"Bilisan na ninyo, malapit na magsimula ang palabas! At ng makadami tayo ngayong gabi!" Utos nito.

Halos nagmamadali naman ang mga babae sa pag-aayos, paglalagay nang make-up at kung anu-ano pa.

Nakatingin lang ako sa kanila at kay George tila siya ang Boss ng mga ito kaya sinusunod siya.

"Eva, tama?" 

Tumango ako sa babaeng nakaupo at panay ang inom ng nakalalasing na inumin.

"Ako nga pala si Greta, matagal na ako dito. Sa itsura mo mukhang inosente ka, alam mo ba ang pinasok mo?"

"Trabaho po" maikli kong sagot.

Natawa lang ito at tila seryosong tinitigan siya, napapailing pa ito at muli ng tumalikod. Pinagmasdan na nito ang sarili sa salamin.

"Bakit ka, bakit ka natawa?" 

"Dahil sa pagiging inosente mo, naka-uto na naman si George at nakuha ang loob mo." Sagot nito

Nakita ko na may nilalagay siyang de-kulay sa kanyang labi.

Napatingin ito sa salamin at nakita niyang nakatingin sa kanya si Eva.

"Huwag mong sayangin ang sarili mo dito, kung pera ang hanap mo mahirap talagang kumita."

"Pero kailangan ko to para sa kapatid ko, kaya hindi na ako maaring umatras, kung anuman ang mayroon sa lugar na ito." Madiin kong sagot.

Tumayo na si Greta at humarap sa kanya sabay lapit, 

"Pwes tiisin mo ang mga gabi na dadanasin mo." Sabay lagpas kay Eva para sumabak na sa entablado.

Napalingon ako at nasundan na lamang sila habang lumalabas isa-isa.

Napasilip ako at nakita si George, tila may mikropono at nagsasalita sa gitna.

Isa-isa niyang pinapakilala ang mga kababaihan na may iba't-ibang kasuotan na damit, ang mga nanunuod naman ay kanya-kanyang presyo ang binibitaw.

"Ibig sabihin." Bulong ko at napatakip sa aking labi, tumalikod ako at agad na tumulo ang luha.

Hindi ko naisip na ganitong klaseng trabaho ang ibibigay ni George sa akin, parang hindi ko masisikmura. Isa pa na gumugulo sa isipan ko ay si Magda na hinihintay ako.

"Diyos ko , tulungan niyo po ako." Tanging nausal ko sa aking sarili.


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang