Chapter: 4

42 3 0
                                    

The Immigrant 

Chapter: 4

"Bilis-bilisan na ninyo ang kilos!" Utos ni George, lumingon siya kay Greta.

"Nasaan na si Eva? Magsisimula na ang palabas!" 

"Saglit." Sagot nito at pumunta sa likod, kung saan nagbibihis ang mga babae na ibinebenta ni George.

Naghintay pa siya nang ilang saglit, hanggang sa makita na niya ang bagong labas na babae.

Tila kahit siya ay napahanga sa itsura nito, lau at bumagay pa ang kaunting ayos at suot nitong costume tila lalu nakita ang kaputian pati ang katawan nito.

Nahihiya naman ako sa titig ni George, halos hindi din ako makatingin ng diretso ngayon lamang ako nakasuot ng ganitong damit at ganitong inilalagay sa mukha.

"Napaka-ganda mo, ikaw ang pinaka maganda sa lahat." Buong paghanga ni George.

"Makinig kayo, maguumpisa na ang palabas. Kayong lahat mauunang lumabas." Sabay lingon kay Eva.

"At panghuli si Eva, para siya ang pinaka espesyal." Nakangiti nitong dagdag, muli ng lumingon si George sa mga babae  at isa-isa na itong tiningnan kung tama at maganda na ang mga ayo at kasuotan.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko sa dibdib, hindi ko alam kung kakayanin ko ito.

~

Unang lumabas si George sa intablado, madidinig ang  masibagong palakpakan ng mga manunuod.

"Magandang gabi sa inyong lahat!" Magiliw niyang bati sa mga manunuod.

"Pakilabas na ang mga babae mo!" Reklamo ng isang manunuod.

Ngumiti si George tila sabik ang mga kalalakihan sa mga ibebenta niyang babae.

"Hindi ko naman talaga patatagalin, dahil naririto na silang lahat!" Masiglang sabi nito

Lumingon si George at sumenyas, may tugtugin na nakaka-aliw ang sumabay habang isa-isang lumalabas ang mga babae. Maliban kay Eva, sinadya na ipahuli dahil siya ang pinaka -espesyal para kay George.

Nakatayo lahat nang babae sa likuran ni George, ngumiti siya at nilapitan ang kanyang mga alaga.

"Magsisimula na akong ipakilala muli silang lahat sa inyo!" Pauna niya at lumapit kay Greta.

"Alam ko na-miss ninyo si Binibining Africa, Si Binibining Japan, BinibiningTexas, Binibining China at Binibining France" at ang iba ay hindi na niya pinakilala dahil mura lamang ang mga presyon nito.

Tila nangangatal ang tuhod ko habang pinapanuod pa din sila, hindi alam kung kakayanin ko nga ba ito. Pero andito na ako at hindi na makaka-atras, na kay George din ang mga dokumento ko kaya sigurado na hindi ako makakatakas.

"Pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat, dahil mayroon akong espeyal na ipakikilala!" 

Madidinig ang bulungan ng mga tao, tila haka-haka kung sino ang nais pa ipakilala ni George.

Lalung lumapad ang kanyang pagngiti kaya nagmamadali siya lumapit sa likod.

"Eva!" Tawag niya

Hindi ako agad makalapit, tila naduwag ako at gusto na umatras.

"Eva." Muling pigil na tawag ni George, napilitan na siyang lapitan ito at hawakan sa braso. 

Hinatak ako ni George para makapunta sa intablado, nasilaw pa ako nang biglang may ila na tumapat sa aking mukha.

"Nais kong ipakilala, Ms. Liberty!" Sigaw ni George.

Nadinig ko ang hiyawan ng mga manunuod, nakikita ko sila na tila sobra ang paghanga ng makita ako.

Muling napangiti si George, sino nga ba ang hindi hahanga sa alindog at kagandahan ni Eva samahan pa ang may inosente nitong mukha.

"Dalawampung dolyares! Para kay Liberty!" Sigaw nag isang lalaki.

Napapikit ako nang may madinig na akong presyuhan, ngayon pa lamang ay tila nandidiri na ako saaking sarili, bigla ako napayuko at lumandas ang luha sa aking mata. 

"Para na lamang ito kay Magda, kailangan ko kumappit sa patalim." Sa isip ko.

"Tatlong daang dolyares!" Sigaw naman ng isang lalaki

Pansin ni George na wala nang tumaas sa isang daang dolyares at hindi lang yun, dahil ito ang may pinaka mataas na presyong nadinig niya.

"Sarado na tayo sa isag daang dolyares!" Sigaw niya at lumingon kay Eva.

"May bumili na sayo, kaya ayusin mo ang sarili mo." Bulong niya.

Sa nadinig ko ay nangingilabot na ang katawan ko, hindi ko kilala kung sino ang nakabili sakin. Pero presyong iyon may malaking halaga na para kahit paano ay makapag -padala ako kay Magda.

~

"Nasa labas na ang bumilo sayo ngayong gabi." 

Hindi ako umimik, pero nakita ko na may inabot siyang bote. 

"Anung gagawin ko dito?"

"Inumin mo, para medyo lumakas ang loob mo." Sagot ni George 

"Hindi ako umiinom." Maikli kong tugon

Bumuntong-hininga si George at lumapit kay Eva para hawakan ito sa balikat.

"Naghihintay na siya sa labas, ayusin mo ang magiging trabaho mo. Bukas ng umaga ay pupuntahan kita para sunduin, bukas ko din ibibigay ang pera mo." Mahabang salaysay nito.

Tumingin ako sa kanya, hindi ko alam kung puso pa nga ba si George para gawin ang bagay na ito.

Pikit matang tumalikod na ako sa kanya para puntahan ang sinabing nakabili sa'kin ngayong gabi.

#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now