Chapter: 23

25 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 23

Habang papasok ko ay nakasuot ako ng nakaka aliw na damit, may makapal na make up at nakaladlad ang buhok kong mahaba.

Pansin ko ang tingin sa akin ng mga kalalakihan lalu ni Ambasador Luis.

"Masosolo niyo na si Eva ngayon Ambasador!" Nakangiting bulong ni George.

Ngumisi ito at agad na lumapit kay Eva,

"Mabuti naman at nagbago ang isipan mo."

Hindi ako umimik sa sinabi niya, kundi ngumiti ako ng tila nakakaka akit.

"Ganyan ang gusto ko para mas lalu akong ganahan." Sabay hawak sa beywang ni Eva at hinikayat na itong umakyat.

Habang si George at ngumingiti- ngiti lamang na nag iinom.

~

Habang nasa kwarto ay pinabayaan ko muna na maligo si Luis, malungkot ako na nakatulala sa kama.  Napansin ko ang bandana na bigay ni Emil, naalala ko ang sabi niya na swerte sa kanya yun lalu kapag nasa programa.

"Kaya ba nawala ka, dahil napunta sa akin ang swerte?" Bulong ko at muling napaiyak, sobrang ng dinaramdam ko. Hindi ko napipigilan ang luha na lumandas sa tuwing maiisip ko ang sinapit niya 

"Mahal na mahal kita Emil." Sabay buntong hininga.

Bigla nawala ang aking agam-agam ng may madinig akong kalabog, agad akong nagpunta sa banyo ay nakita ang Ambasador na nakabulagta.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko

Mabilis naman na may pumasok at dumulog sa amin lalu ang kanyang mga alalay, agad nilang nakitang naka bulagta ito kaya mabilis nilang binuhat 

"Anung nangyari?" Tanong ni George

"Hindi ko alam, nakita ko na lamang siyang ganyan" sagot ko at mabilis na tumalikod para magbihis

Nakatingin lamang si George dito, tila hindi siya makapaniwala sa nangyari sa ambasador.

~

Kumalat na sa buong lugar ang nangyari sa embasador, hindi na ito umabot sa Hospital dahil sa atake sa puso, marahil sa kabikan na dulot ng alindog ni Eva ay hindi kinaya ni Luis at agad na namatay.

Tahimik pa din ako sa isang bahagi ng kwarto, halos hindi ako lumalabas. Hindi ako sumasama sa mga palabas dahil nga buntis na ako.

Iniisip ko na lamang kung paano makakatakas, pero mapipilitan ako magtago para lamang hindi ako mahuli ng mga pulis.

"Eva?" 

Nakita ko na pumasok si Beth at panay tingin sa labas.

"Eva, walang tao sa labas. Nasa programa sila, tumakas ka na."

Napatitig ako kay Beth, tila binibigyan niya ako ng pag-asa.

"Eto, kaunti lang ito pero makakatulong ito sayo." Wika nito sabay abot ng pera kanyang kamay.

"salamat " sagot ko

"Dalhin mo lang ang mga importante,  mong gamit maliwanag." 

Pinunasan ko ang luha ko at mabilis akong naglagay ng mga gamit sa aking bag.

Pagkatapos ko maayos ay lumabas na kami agad.

"Saan ka pupunta!" 

Napahinto kami ng makita ko si Maribel.

"Maribel, hayaan mo na si Eva!"

"Bakit ba kinakampihan mo ang babaeng yan!" Sigaw nito sabay hatak sa buhok niya

"Araayyh!" Daing ko at nabitawan ang aking gamit.

"Isusumbong kita kay George!" At pilit siyang hinatak.

"Tama na!" Awat ni Beth, hinatak si Maribel.

Binitawan niya saglit si Eva at mabilis na nahawakan ang base at ipinukpok sa ulo ni Beth, nabasag ang base at halos umagos ang dugo sa ulo nito.

Napahiga sa sahig si Beth na tila nawalan ng malay.

Hindi ako makapaniwala na pati si Beth ay dinamay ng babaeng ito, tila nagdilim ang paningin ko at dinampot ang isa sa mga basag na base.

"Aagghhh!" Sigaw ko sabay saksak sa lalamunan ni Maribel,

Napaatras ito ngunit hindi ko tinigilan mas lalu ko yun idiniin.

"Para to kay Magda." Sambit ko at tila hinayaan na bumulwak-bulwak ang dugo sa kanyang lalamunan.

Binitawan ko na siya at hinayaan na dumudos ang kanyang katawan.

"Hindi ko pagsisihan ang bagay na to." Bulong ko at lumapit kay Beth.

"Beth" sabay angat ng kanyang ulo.

Ngumiti si Beth at kinuha ang hawak ko.

"Umalis ka na, ako ng bahala." 

Pumatak ang luha ko, bakit ba lahat na lang ng taong tumutulong sakin ay namamatay. May sumpa ba sa aking mga kamay, at lahat ng mahalaga sa akin ay nawawala.

"Sige na, umalis ka na bago ka maabutan ni George " taboy nito sa kanya 

Tumango ako at dahan-dahan na inilapag ang kanyang ulo sa sahig.

Mabilis akong tumindig at binibit ang aking bag sabay labas ng bahay.


~

Halos nagtatawanan ang mga kakabaihan nang mabuksan pintuan ay ganuon na lamang ang kanilang gimbal ng makita na nakahiga sa kandungan ni Maribel si Beth habang saksak nito ang leeg.

Nagsigawan ang mga ito at halos takot na takot ba muling lumabas.

"George! Bilisan mo!" Sigaw ni Rica

Nagmamadali siyang pumasok at ganun na lamang ang kanyang naabutan.

"Si Eva!" Sigaw niya sabay punta sa kwarto nito at mabilis na hinanap ngunit wala si Eva.

"Tumakas na naman ang lintek na yun!" Bulong niya.

~

Nasa ilalim ako ng tulay, tila hinuhugasan ko ang mga kamay na may bahid ng dugo, pilit ko tinatanggal ang natuyo at kumapit sa mga kamay.

Wala ng emosyon sa aking mukha, tila hindi na ako nakakaramdam ng takot.

"Alam ko na hahanapin ako ni George, hihintayin ko na hanapin niya ako." Bulong ko at patuloy sa aking ginagawa.

Nang matapos ay agad kong inilagay sa aking leeg ang bandana ni Emil, nagtaklob din ang nang makapal na kumot, dito na lamang ako sa isang sulok magpapalipas ng magdamag.

Pagkahiga ay hindi agad ako dalawin ng antok, naalala ko si Magda at si Emil. Ang dalawang taong mahalaga sa akin, maging si Beth na ngayon ay tumulong para makatakas kay George.

Hinaplos ko ang aking tiyan.

"Patawarin mo ako anak, pati ikaw ay nadamay." Bulong ko at muling naiyak, nasasaktan ako dahil wala ako magawa. Pati anak ko na nasa sinapupunan ay nadadamay sa mga nagaganap.

Pumikit na ako ng mariin, magtitiis muna ako sa ngayon para lamang hindi na makabalik kay George.


#AuthorCombsmania


The Immigrant ( Completed story)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora