Chapter: 3

48 4 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 3

Kapapasok lamang ni George, agad niyang  nakita si Eva na nakaupo tila wala ito sa mood at malungkot ang awra.

Lumapit siya at naupo sa bakanteng upuan para pagmasdan ito.

"Alam ko na madami kang katanungan, pero tulad ng sabi ko hindi ka na maaaring umatras."

Tumingin ako kay George,

"Hindi mo ako diniretso, para hindi ako maka tanggi? Ganun ba lahat ginawa mo sa kanila?"

Ngumiti si George at umayos ng pagkaka-upo.

"Sila mismo ang lumapit sakin, parang ikaw ipinagtagpo na magkita tayo para tulungan kita."

"Pero hindi sa ganitong paraan!" Tumaas ang tono ko sabay tindig.

"Hindi ang ibenta ang sarili ko sa mga kalalakihang iyon!" Nangilid ang luha sa mata ko.

"Ipag-patawad mo, pero hindi ka na maaari pang umatras." May kinuha ito sa bulsa ng kanyang suot na trench coat at pinakita kay Eva.

Tila hindi ako makapaniwala,

"Bakit na sayo ang pasaporte ko?"

"Hindi mo makukuha sa'kin to Eva, madami din ako koneksyon dito sa Manhattan at kahit saang lugar sa New York. "

Napailing si Eva, tila nagkamali siya sa taong pinakisamahan.

"Ang buong akala ko ay maaasahan kita. Pero niloko mo ako!" 

Tumayo si George at lumapit sa kanya, hinawakan nito ang baba ni Eva at hinaplos ang pisngi para punasan ang luha nito.

"Kaya kita mas nagustuhan dahil sa pagiging inosente mo, Eva makinig ka. Tangging ito lamang ang makakatulong para sa'yong kapatid"

Tumingin ako kay George, gusto kong tumanggi ngunit nagtatalo ang isipan ko dahil sa kalagayan ni Magda. 

Kung hindi ko siya ma-ipagagamot ay lalung hindi ko na ulit makikita ang kapatid ko, isa pa siguradong wala din ako mapupuntahan natatakot ako na mas lalu akong mapahamak. Pero ang pinasok ko ay mahirap na sitwasyon para sakin, lalu at katawan ko ang magiging kapalit.

"Wala ka ng pagpipilian, kapag lumabas ka wala kang mapupuntahan wala kang mahahanap na perang malaki para sa pagpapagamot mo kay Magda." Lalung lumapit ito at tinitigan si Eva.

"Kung mananatili ka dito anumang oras na kumita ka ng limpak ay matutugunan mo ang lahat " 

Huminga ako nang maluwag at pikit-matang tumango, katunayan na pumapayag na ako sa alok ni George.

Iisipin ko na lamang na katawan lamang ito at mas kailangan ng kapatid ko ng tulong ko.

"Pumapayag na ako" sabay dilat.

"Basta ipangako mo lamang na lahat ng kailangan ko ay ibibigay mo." Sagot ko at umiwas na sa kanya, tumalikod na ako. Ayoko makita ang mukha ni George, namumuhi ako.

"Makaka-asa ka Binibining Liberty"

Lumingon ako sa tinawag niya sa'kin.

"Para saan yun?" 

"Simula ngayon, yan ang magiging bansag ko sayo lalu kapag umakyat ka na sa entablado." Nakangiti nitong sabi.

Napailing na lamang ako.

"Sa ngayon ihahatid na muna kita sa magiging tirahan mo." Dagdag nito.


~


Malalim na ang gabi ngunit hindi ako makatulog, may sarili akong kwarto na binigay ni George. Kanina ay halos espesyal ang turing niya sakin, dahil malaki ang maaaring maging pera niya kapag ako na ang ibinenta.

Tumagilid ako at halos tumatagos ang liwanag ng buwan sa bintana, malungkot akong ngumiti. Pero mas malulungkot ako kung wala akong magagawa para kay Magda.

"Hintayin mo ako Magda, ipapagamot kita at muli tayong magsasama. Sa ngayon magtitiis lang muna tayo, magtitiis lang muna ako sa ngayon." Muling lumandas ang luha sa mga mata ko at pumikit na lamang.

Siguradong bukas ng gabi ay magiging kalbaryo na nang aking buhay.

~

"Humihina na kayo, kaya dapat nagsisipag kayong lahat!" Taas tonong inis ni George.

Palibhasa at mga matatagal na ang kanyang mga alagang babae, kaya hindi na masyadong mabili. Kung may bibili man ay pili at sa mababang presyo na lamang.

"Ang sabihin mo, gusto mo lang ipagmalaki ang bago mo!" Sabat naman ni Rica

"Mabuti nga at nakita ko siya, kung hindi baka mas lalung malugi na ang palabas at Casa ko." Sagot niya at binilang ang mga pera at pinag parte -parte na lahat ito.

Nang maibigay na lahat ang pera ay mabilis na din siya naupo para makapag-pahinga.

Nang makita si Eva ay tila nabuhayan na siya muli ng loob, mabuti na lang at inosente ito at bago lamang sa New York kung hindi, marahil hindi ito makakasama sa kanya. Nagkataon din na may problema itong pinagdadaanan kaya talagang natutuwa siya at nakakuha siya tyempo.

"Sigurado na malaki ang kiktain ko sa kanya, maganda siya sa lahat at walang tatanggi sa alindog nito." Nangingiti niyang bulong.

#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now