Chapter: 1

133 6 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 1

"Magda!"

"Ate, dito na yata tayo?"

Halos malawak ang paligid, naririto na kami sa New York.

"Agghh, aggh."

Napalingon ako kay Magda nakita ko na may dugo ang kanyang palad.

"Ayos ka lang ba?" Sabay haplos sa kanyang buhok.

"Saglit!"

Bigla na lamang na may humawak sa aming mga pulis,

"Sandali, saan niyo kami dadalhin?" Tanong ko.

"Umubo ang kasama mo na may kasamang dugo, kailangan namin masiguro na wala kayong sakit!"

Napailing ako.

"Sandali, wala kaming sakit maawa kayo!" Sigaw ko at panay anv palag.

~

Naghihintay ako sa labas nang "Immigration" hinihintay ko si Magda, halos tatlong oras na ako naririto pero wala lang man ako nakikitang bakas niya na lalabas na siya.

"Ms. Symanek?"

Napatayo ako at agad na lumapit sa doktor na tumagaw sa apelyido ko.

"Ako po yun."

Tinitigan siya nang doktor bago ito napabuntong-hininga.

"May sakit ang kapatid mo, kailangan siya manatilu dito para hindi na siya makahawa pa."

Napasinghap ako, hindi ko naisip na may karamdaman na pala siya.

"Pero, hindi ko siya maaaring iwanan lamang dito."

Umiling ang Doktor,

"Ikinalulungkot ko, siguradong hindi ka din mapapayagan ng gobyerno."

Nagkibit-balikat ako sa aking nadinig, kawawa naman si Magda kung iiwanan ko lamang mag-isa dito. Pero mas lalu lamang siyang magiging kawawa kung hindi ako gagawa nang paraan.

"Maari ko pa ba siya makita?"

Tumango ang doktor at agad na nagbigay nag daan.

Pumasok ako at madali siyang hinanap, madami ako nakikitang mga taong may sakit.

"Ate Eva!"

Nadinig ako ang boses niya kaya agad akong lumingon at nakita si Magda, mabibilis ang aking hakbang papalapit sa aking kapatid. Dalawa na lmang kami kaya ayoko na mawala pa siya sa'kin.

"Magda." Agad kong yakap sa kanya.

"Ate, hindi nila ako palabasin. May sakit daw ako, ate tulungan mo ako pakiusap." Bulong niya.

Pumikit ako at lumandas ang luha, hindi ko din alam ang gagawin wala akong kakayahan at wala din sapat na pera para lamang maipagamot siya ng maayos. Dumilat ako at kumalas sa pagkaka-yakap.

"Makinig ka, hindi kita pababayaan. Pero kailangan ko muna makaipon ng sapat na halaga para mabawi kita."

"Iiwan mo ako?" Halos lumuha ang mga mata ni Magda sa nadinig mula sa kanyang ate.

Nadala din ako ng kalungkutan kaya lumandas na din ang luha sa aking mga mata.

"Huwag ka umiyak, kahit ako nahihirapan pero wala ako magagawa para mailabas ka dito sa ngayon. Kailangan mo gumaling para muli tayong magkasama, kailangan mo muna mag tiis na wala ako sa tabi mo." Sabay haplos sa kanyan mukha.

Tumango na lamang si Magda bilang pagsang-ayon.

"Pangako mo, babalik ka?"

Ngumiti ako nang pilit at tumango.

"Pangako, babalik ako at kukunin sa kanila. Basta magpagaling ka at alagaan mo muna ang sarili mo habang wala ako sa tabi mo."

"Ate." Muling yakap ni Magda habang naiiyak.

Huminga ako nang malalim

"Mahal na mahal kita Magda, kaya magpagaling ka." Bulong ko.

"Tama na yan! May oras ang pag-dalaw!" Sigaw nang bantay sa kanila.

Napilitan na ako kumalas kay Magda at agad na tumayo.

"Pangako, babalik ako para ilabas ka dito."

"Hihintayin kita ate."

Tumalikod na ako, habang mabibigat ang hakbang para lang iwan ang aking kapatid. Ang nag iisa kong kapatid na kailangan anv tulong ko.

~

Hindi ko alam kung saan ako papalarin at kung saan ako tutungo, halos napapagod na ako sa paglalakad.

Naupo ako saglit, tirik ang araw masyado nang malayo ang nalalakad ko at wala pa akong nahahanap na maaring pasukan.

"Miss?"

Napalingon ako sa estranghero na nasa tabi ko, gwapo siya at matipuno. Sa kanyang pananamit ay mukhang kagalang-galang.

"Ako ba, ang kinakausap mo?" Sabay turo ko sa aking sarili.

"Ikaw nga, ako nga pala si George. Bago ka lang marahil dito." Sabay ngiti ni George at lahad ng palad.

Ngumiti ako sa kanya, mukhang magalang at maayos siya makipag-usap.

"Eva, yun ang pangalan ko." At tinanggap ang kanyang palad.

"Napaka-gandang pangalan sa isang napaka-gandang binibining tulad mo. Ikinagagalak kong makilala ka."

Bigla ako nahiya sa papuri niya, ngayon lang yata ako nakadinig na may nagsabi maganda ako mula sa ibang tao. Madalas na si Magda lang ang pumupuri sa'kin, dahil kami lang ang madalas na magkasama.

Napansin ni George ang biglang kalungkutan na sumilay sa mukha nito.

"May problema ba Eva?"

"Naalala ko lang ang aking kapatid." Matipid kong sagot.

"Nasaan siya?" Tila may nabuong kuryosidad kay George.

"Kinuha siya sa'kin dahil may sakit, kailangan ko mag-ipon nang pera." Paliwanag ko

Ngumiti si George at hinawakan ang kamay ni Eva.

Ikinabigla ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Matutulungan kita, basta sumama ka lamang sa'kin sa Manhattan kahit tirahan ay kaya ko ibigay sayo." Alok niya kay Eva.

"Talaga?" Hindi ako makapaniwala na may isang tao na may magandang kalooban ang magbibigay ng tulong sa'kin.

"Sige, sasama ako." Sagot ko at ngumiti.

Ngumiti na din si George at inalalayan si Eva na tumayo.

#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang