Chapter: 27

37 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 27

Ito na yata ang pinaka-masayang araw na aking narananasan, nakasuot na ako ng pangkasal at lumalakad sa gitna nang simabahan. Puro puting rosas ang hawak ko mga bulaklak, tila wala na akong mahihiling habang papalapit at nakikita ang mukha ni Emil.

Hindi din maintindihan ni Emil ang kagalakan sa kanyang puso lalu ngayon na matutuloy na ang matagal nilang pinangarap ni Eva.

Kapwa na kami nakaharap sa altar, tanda ko ang paring nagkakasal sa amin. Siya ang Pari na aking nakumpisalan noon sa aking mga kasalanan, lihim akong ngumiti at lumingon kay Emil.

Hinawakan ni Emil ang kamay ni Eva at isinuot na ang singsing tanda ng kanilang pagmamahalan, maging si Eva ay sinuotan na din ng singsing si Emil bilang pagtugon ng kanyang pag ibig dito.

Lahat nang taong saksi sa pag iisang dibdib nila Eva at Emil ay tuwang tuwa, sobra ang palakpakan lalu ng kintilan na ito ng halik ni Emil sa labi.

"Wooh!" Sigaw ni Harold

"Ang sweet naman nila" bulong naman ni Brena

Maging si Emilia ay tuwang-tuwa sa nakikitang kasiyahan ng kanyang mga magulang.


~

Magarbo ang kasala kay may magarbo din kasiyahan, mga sayawan at programa na inihanda para kasak nila Emil at Eva.

"Maari ba kitang isayaw binibini?" 

Natawa ako sa sinabi ni Emil, tinanggap ko ang nakalahad niyang palad at tumayo.

Eksaktonang tugtugin ng Orhestriya, alam ko na ang magiging pwesto ng aking mga kamay.

"Mukhang nag aral ka magsayaw ha?"

Muli akong natawa at nagpadala sa bawat pag ikot at galaw ni Emil.

"Sa totoo lang lagi kami sumasayaw ni Emilia, hinawa ko ito sa kanya noon." Sagot ko habang patuloy ang aming pagsasayaw.

"Hindi ka na malulungkot, kasama muna ulit ako kayo ni Emila ay mamahalin ko araw-araw at ipagpapayuloy ang mga pangako para sa inyo na mag ina ko"

Tila hindi nagbabago ang mga katagang iyon ni Emil, tuwang-tuwa ako mas lalu akong naging masaya at makulay ang aming buhay.

~

Halong ilang taon din bago ako muling tumuntong sa aking lugar, kung saan ako ipinanganak maging si Magda na aking kapatid.

Kasama ko si Emil at pinasyalan ang luma naming bahay.

Nawala din sa wakas ang sakit na kumakalat, sa bansang ito. Tila muling nakabangon ang aming bayan.

"Ako na lamang ang papasok."

"Sigurado ka ba?" 

Humalik ako sa labi ni Emil at tumango sabay pasok sa loob nang aming dating tahanan.

Tila walang pinagbago ang paligid, maliban sa madumi, makalat at iba nang amoy ng lugar.

Pumasok ako sa kwarto, kung saan kami magkasama ni Magda na matulog.

Lumapit ako sa higaan at may kinuha sa ilalim, mabuti na lamang at naroroon pa din iyon. Pagkakuha ay naupo ako sa kama, binuksan ko ang kahon mga paborito namin gawin ni Magda noon, at mga litrato namin dalawa.

Hindi ko napigilan ang maiyak, 

"Magda, sobra kita namimiss. " iyak ko at patuloy na pinagmamasdan ang mga larawan.

~

"Ate, maganda kaya sa New york?"

"Bakit mo naman natanong yan?" Nag aayos ako ng mga pananim katirikan ng araw ng mga oras na yun.

"Naisip ko lang, gusto ko talagang makapunta doon at makita ang magagandang programa." Sabay ngiti at yakap sa kanyang ate.

"Naku naglambing ka na naman, hayaan mo kapag nakaipon tayo pupuntahan natin ang lahat ng lugar." Pangako ko sa kanya.

Bigla ako napapuna ng pisngi, hindi madali ang mga pinagdaanan namin magkapatid. Sa isang idlap ay nagkahiwalay kami at napunta sa kamay ni George. Ang buong akala ko, lahat ng ginawa ko ay nakatulong sa kanya ngunit walang nangyari.

"Patawarin mo ako Magda, hindi kita agad nabalikan." Naiiyak kong yakap sa mga litrato namin, gusto ko lahat itago ito at manatili na isang magandang alaala para sa aming magkapatid.


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now