Chapter: 8

36 3 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 8

Puno nang kalungkutan ang damdamin ko habang naglalakad, mabuti na lamang at hindi magdamag ang lalaking bumili sa akin ngayong gabi.

Napa-upo ako sa gilid at doon na muling umiyak, umiiyak ako dahil nasasaktan. Dahil sigurado ako na madumi na ang tingin sa akin ngayon ni Oralndo, 

"Bakit kasi dito pa kami lumipat, bakit kasi nakilala ko pa ang lalaking magbibigay bigla ng kulay sa buhay ko." Malungkot kong bulong at muling napaiyak, wala pa akong balak na umuwi parang gusto ko na sa kalsada magpa-lipas ng magdamag.

O ayaw ko lang talaga ulit na magkita kami, dahil kanina nakatitig siya habang sumasama ako sa lalaking bumili sa akin.

Muli akong nalungkot, minsan na lamang tumibok ang aking puso, minsan na lamanga ko magmahal sa maling panahon at pagkakataon pa.

"Masyadong malamig dito."

Napatayo ako ng may bigla na lamang magsalita sa likuran ko, mas lalu ko pang ikinabigla nang makilala kung sino yun.

Nakasandal ito sa poste naka-suot ng coat st sumbrero.

"A-anung ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Magka-sunod kong tanong.

Lumapit na si Emil at ngumiti.

"Sabihin na natin, nagpapahangin lang ako. At sa huli mong tanong. Oo sinundan kita." 

Bumuntong-hininga ako, tila nahihiya na naman akong tumingin sa kanya.

"Hindi ko pa nga pala alam ang pangalan mo, maaari ko ba malaman Binibini?" Sabay lahad ng palad niya.

Napatingin ako sa palad ni Orlando na nakalahad, tinanggap ko yun at nakipag-kamay ako.

"Eva, Eva Symanek ang pangalan ko." Sagot ko 

"Eva, bagay na bagay sayo ang pangalan mo. Ako nga pala si Emil, Orlando lamang ginagamit ko kapag nasa entablado na ako." Sagot niya at binitawan na ang kamay nito.

"Huwag ka sana matakot sakin, hindi naman ako masamang tao."

Umiling ako at ngumiti na sa kanya.

"Wala naman akong sinabi na masama kang tao, pasensya ka na at medyo nahihiya lamang ako." Tugon ko

"Hindi mo kailangan mahiya, gusto ko sana na maging kaibigan ka." Nagpalinga-linga si Emil sinisigurado lamang niya na walang ibang makakakita sa kanila.

Pati ako ay napatinginna din sa paligid.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya kay Eva

Umiling lamang ako.

"Kung may tiwala ka sa akin, maari bang kahit kumain na lamang tayo? Isa pa baka may makakita sa atin o makita tayo ni George."

"Oo naman, wala naman problema." Agad kong sagot, pansin ko ang pag ngiti ni Emil at nauna itong lumakad para makasunod na lamang ako sa kanya.

~

Tila hindi ako makapaniwala sa bahay na pinuntahan namin, malaki ito at malawak tila kahit sino ay mapapahanga na lamang.

Napatingin ako sa mga obra na nakasabit at isa ang pumukaw sa aking paningin ang obra ni Emil.

"Ipinapinta iyan ng aking mga magulang noong na nabubuhay pa sila." 

Lumingon ako at nakita ko na may bitbit siyang tray, inilapag nito ang pagkain sa mesita.

"Halika, kain na tayo." Yaya niya kay Eva

The Immigrant ( Completed story)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt