Chapter: 12

27 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 12

Naging malungkot ako ng mga sumunod na araw, lumayo kami sa lugar kung saan minsan akong naging masaya.

Madalas kong maalala si Emil at laging pinagmamasdan ang rosas na binigay niya, bigla na lamang lumandas ang luha ko.

"Kung alam mo lang, malungkot ako na mapalayo sayo. Pero delikado at baka kung anu pa ang magawa ni George sayo." Bulong ko.

"Eva!" 

Lumingon ako at nakita si Maribel, isa sa mga naghahatid ng telegrama at pera sa kapatid kong si Magda.

Agad kong pinunasan ang pisngi at tumindig para lapitan siya.

"Ka-kamusta, may balita ba?" 

"May telegramang dumating mula sa Hospital." Sabay abot nito nang sobre.

Mabilis ko yun kinuha at agad na binuksan.

Mahal kong Ate Eva,

Kamusta ka na? Sobra na kalungkutan ko dahil sa pagka-sabik na magkasama muli tayong dalawa. Salamat sa mga ipinaa-abot mong tulong, ngunit bukas ay ililipat na kami sa isla. Mas madami pang dumating na mga pasyente ngayon kaya kakailanganin ang mga higaan, malayo daw ang isla. Tinanong ko kung maaari ba na mag telegrama kapag naroroon na sa isla, sinabi naman nila na mayroong pupunta doon para mangolekta.

Kung ako naman ang iyong tatanungin ay maayos na ang aking pakiramdam, ngunit hindi pa din ako payagan makalabas sa kadahilanan kailangan na lubusang gumaling.

Sana ay nasa maayos ka lamang ate, hihintayin kita na sunduin mo ako at magkasama muli tayong dalawa. Mahal na mahal kita at alagaan ang iyong sarili, libangan ko na balik-balikan ang iyong mga telegrama. Salamat at lagi ka mag iingat.

                                                             Nagmamahal,

                                                                 Magda.

Napasinghap ako sa kanyang sulat na pinadala, sobra ang lungkot ko dahil napalayo pa siya at hindi lang yun dahil sa mga salitang binitawan niya.

Tumingin ako kay Maribel,

"Magaling na ba siya?"

Malungkot itong umiling,

"Magda huwag ka sana mabibigla, ngunit ang mga dinadala sa isla ay lalung lumulubha ang mga karamdaman."

Tila hindi ko mapigilan ang hindi maluha sa isinagot niya.

"Pa'no, paano ang gagawin ko?" Napatalikod ako, tila hindi ko malaman ang gagawin. Kailangan ako ng kapatid ko, tila kulang pa ang mga kinikita ko para lamang matustusan ang pangangailangan ni Magda at makarating sa isla.

"Eva, hindi ko din alam ang magiging sagot pero malaking gastusin ang mangyayari lalu kung magtutungo  ka sa isla." 

Lumingon ako kay Maribel, wala na akong ibang pagpipilian kundi ang magtrabaho nang doble para lamang sa perang kikitain.

~

Tahimik na nagbabasa si George nang diyaryo ng biglang pumasok si Eva.

"Ikaw pala, may kailangan ka?" 

"Kailangan ko na magtrabaho, mas doble?" Seryoso kong sabi sa kanya, 

Napatingin si George kay Eva lalu sa sinabi nito, nilapag niya ang diyaryo at agad na tumindig para mas lalu pang tingnan ito.

"Bakit kailangan mo ng mas doble?" Tanong niya na nagsimulang humakbang paikot kay Eva.

"Kailangan ko para sa kapatid ko, inilipat na siya sa isla." Malumanay kong sagot at napayuko, hindi ko na naman mapigilan ang luha ko na maglandas.

Huminto si George at lumingon kay Eva, ramdam niya talaga ang pangangailangan nito. Hinawakan niya ito sa balikat.

"Mamayang gabi, maari ka nang sumabak sa programa." Bulong nito 

Napataas ako ng tingin at lumingon, ngumiti ako ng matipid. Mula ng lumipat kami ay hindi pa niya ako ipinatatanghal, kaya halos dalawang araw akong walang kinikita. 

"Salamat." Sagot ko at humakbang na para makalabas.

"Eva!"

Napahinto ako at lumingon.

Lumingon na din si George.

"Ayusin mo maigi ng trabaho mo, dahil sa mga susunod ikaw ang isasama ko sa mga mayayamang kalalakihan na naghahangad ng aliw." 

Sa nadinig ko ay tila malaki ang aking kikitain doon, tumango ako bilang pagpayag at mabilis na muling tumalikod para makalabas...

Naiiling naman si George ng makalabas na si Eva.

"Kung alam mo lang Eva." Bulong niya.

~

"Saan sila lumipat?" 

"Wala akong ideya Emil, pero sigurado ako na malayo-layo dahil madaling araw sila lumisan." 

Napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang kanyang kamay, alam niyang inilayo talaga ito ni George pero hindi siya titigil. 

"Hahanapin ko si Eva." Bulong niya at lumakad na palayo,

Ilang araw na siyang hindi makatulog sa pag iisip dito, ilang gabi na puro ito ang lamang ng kanyang isipan. Hindi siya makapag tanghal ng maayos lalu kapag naiisip niya na may ibang lalaki ang bibili muli dito.

"Eva, sana nasa maayos kang kalagayan." Nagagalit siya kapag naalala ang mga pasa nito na nakamtam, gusto niya sigurin ang mga gumagawa noon.

"Ginoo." 

Tila nawala ang kanyang pag-iisip nang pukawin siya ni Brena.

"Ikaw pala, bakit gising ka pa?" 

"Iniisip niyo po yung magandang binibini?" 

Ngumiti si Emil at tumango, kahit si Brena ay tila pansin ang kagandahan ni Eva.

"Mukhang matatagalan ako bago ko siya makita." Sagot niya at malungkot na pnagmamasdan ang puting rosas, isa sa pinaka nahiligan niyang trick.

"Pansin ko Ginoo, umiibig ka sa kanya. Bagay na bagay po kayong dalawa." 

"Ikaw, kabata-bata  mo pa. Natapos mo na ba ang mga aralin mo?" 

"Opo ginoo." Nakangiting sagot nito.

"Sige, magpahinga ka na. Maya-maya'y matutulog na din ako." Sagot niya

Tumango na lamang si Brena at iniwan na si Emil sa sala.

Patuloy pa din na nilalaro ni Emil ang bulaklak na nasa kanyang kamay, 

"Alas-onse na nang gabi, nasaan ka kaya ngayon Eva?" Bulong niya.

~

"Salamat napaligaya ako ng sobra." Ani ng lalaking bumili kay Eva ngayon gabi.

Tumango lamang ako habang balot ako ng kumot, 

"Sana maulit pa eto." Habang sinusuot na ang coat, may dinukot ito sa bulsa sabay lapit kay Eva.

"Na kay George na ang pera, eto kaunting pakunswelo para sa kapatid mo. Sana gumaling na siya."

Ngumiti ako at tinanggap ang pera bigay niya, 

"Salamat, sana nga gumaling na siya." Sagot ko.

"Sige mauna na ako" paalam nito at lumabas na.

Napahiga ako saglit at pumatak muli ang luha, ma-swerte ako kapag mababait ang mga nakakakuha sa akin, at minsan minamalas din kapag kay halong pagka-sadista.

Biglang pumasok sa isipan ko si Emil, namimiss ko na siya. Namimiss ko na ang kanyang mga ngiti.

"Kamusta na kaya siya?" Bulong ko at pinilit na ngumiti.


#AuthorCombsmania



The Immigrant ( Completed story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon