Chapter: 14

25 3 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 14

Gabi-gabi na humahanap ng tao si Emil para lamang mabili ako, pansin ko din ang katuwaan sa mukha ni George sa tuwing mabibili ako sa malaking halaga.

"Mukhang, tipo ka ng mga tao dito sa lugar na to!" 

Hindi ako umimik at agad na nag doble nang coat, masyado nang malamig ang simoy ng hangin dahil malapit na ang tag nyebe.

"Eva! Kinuha ko muna ang ibang pera kailangan na palitan ang mga damit ninyo."

Lumingon ako kay George,

"Ibig sabihin ginastos mo na pati ang pera ko?" 

"Oo."

"Pero-"

"Wala ng pero, magpa-salamat ka pa din at malaking halaga pa din ang kumukuha sayo." May dinukot ito t binigay sa kanya.

Nakita ko ang pera ibinigay niya.

"Isang daang dolyar? Halos sa loob ng mag iisang buwan ay wala akong nakuha sayo, at eto lamang ang ibibigay mo?" Nangilid ang luha sa aking mata, tila inuutakan na ako ni George sa ngayon dahil malaking pera ang hinahatid ko.

"Wala nang madaming tanong Eva, tanggapin mo na yan at umalis na, siguradong hinihintay ka na nang bumili sayo!" 

Kinuha ko yun at mabilis na tumalikod, sobra ang galit mo at pagkamuhi talaga kay George, kung hindi lamang nito laging sinasabi na madaming kakilala na pulis at maari akong ipahuli.

Napailing na lamang ako at tuluyan ng lumabas.

~

"May problema ba Eva?"  

Umiling ako, ayok na ipaalam kay Emil ang ginagawa ni George. Isa pa tinutulungan na din naman niya ako sa aking kapatid, hiniram muna niya ang litrato na nasa kwintas at isinama sa telegrama para madaling makilala si Magda.

"Iniisip ko lamang na baka napapabayaan mo na ang pagtatanghal mo ng dahil sa akin?" 

Ngumiti si Emil at lumapit, pinakita nito ang mga kamay na walang hawak matapos ay madiin nitong isinara ang mga palad, una niyang binuklat ang kanang palad, wala itong laman kaya sinubukan niyang may dukutin sa isang palad na nakasara at lumabas duon ang puting rosas.

"Ang galing, sobra." Buong hanga ko at sinamahan ng mahinang palakpak.

"Para sayo" 

Tinanggap ko ang bigay ni Emil na puting rosas at inamoy iyon.

"Isa ang ibig sabihin, hindi nawawala ang mahika ko." Dagdag nito

"Ang galing mo talaga, teka paano mo pala natutunan ang pagmamahika?" 

Naupo si Emil at nag de-cuatro,.

"Ang aking ina ay magaling na magician, sabi nang mga nakakakilala. Nagtatahang siya sa mga circus, doon siya nakilala ng aking ama."

Nakikinig lamang ako sa istorya na kanyang ibinabahagi, hindi lamang yun dahil malaya ko napag mamasdan ang gwapong mukha ni Emil. Parang tinatambol ang dibdib ko at pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko.

Bigla ako napahawak sa aking mukha.

"Eva, ayos ka lang ba?" Tanong ni Emil pansin niya kasi ang pamumula nito.

"O-oo, natutuwa lamang ako sa kwentong pag-ibig ng iyong mga magulang." Pero ang totoo, siya yung naiisip ko habang nakikinig sa kwento. Binago ni Emil ang buhay ko tila binigyan ng kulay at liwanag sa madilim na kahapong kasama si George.

"Gusto mo bang magpahinga na ?" 

Napukaw ako sa kanyang tanong, kaya mabilis akong napakurap ng aking mata.

"Ahmm, sige." Nahihiya kong sagot at tumindig.

Tumindig na din si Emil at sinamahan si Eva hanggang makarating sa kwartong ibinigay niya para dito.

"Magpahinga ka na." At akmang tatalikod.

"Emil." Pigil ko habang nakahawak sa kanyang braso 

Lumingon siya at ngumiti.

"Sa gabi-gabing pagtulong mo sa akin, pakiramdam ko nababawasan na ang kalungkutan ko." 

"Napakaganda mo, kaya hindi bagay sayo ang maging malungkot." Ngumiti siya at humarap dito.

Napatitig ako sa mga mata niya, tila si Emil na ang isinisigaw ng aking puso. Ngunit alam ko na naaawa lamang siya sa king sitwasyion kaya niya ako tinutulungan.

"Ang gwapo mo din." Sagot ko sabay lapit at halik sa kanyang pisngi.

"Magpapahinga na ako." Paalam ko at tumalikod na sabay pasok sa kwarto.

Tila naiwang tulala si Emil sa labas ng pintuan, kinapa niya ang kanyang dibdib mabilis ang bawat pintig nito at tanging ang isinisigaw nito ay pag-ibig para kay Eva. Ngunit sa kabila ng lahat ay ang takot, takot siya na baka pag nalaman nito ay mawalan ng tiwala sa kanya 

"Mahal kita Eva, kung alam mo lamang." Tanging siya lamang ang nakadinig sa mga sinabi niya at nais na lamang ilihim ang lahat para manatili ito sa kanyang tabi.

~

"Magandang umaga!" 

Lumingon ang babaeng nakasuot ng puti at may colar, tila tinitigan pa nito ang lalaking bumati.

"May kilala ka bang Magda Symanek?" Tanong nito sabay pakita ng maliit na litrato.

Agad na tinitigan ito ng babae at parang namukhaan.

"Kilala ko nga siya, pero matagal na siyang itinapon sa isla."

"Itinapon?" Nagtataka nitong sagot na patanong.

"Oo, malubha na naging sakit niya tila wala na maipagamot. Napilitan na siyang alisin ng mga gobyerno at hindi nagtagal ay bumigay din ang katawan, teka." Wika nito at may kinuha sa drawer mga sobre iyon at  isang notebook.

Binigay ito ng babae sa lalaking nagtatanong.

"Mga sulat yan ni Magda, gabi-gabi siya sumusulat para daw sa kanyang Ate, ang alam ko ay Eva ang pangalan. Naaawa din kaming lahat sa kanya, ngunit hindi na din kakayanin na sagutin siya sa Hospital." Paliwanag nito.

Napalunok si Harold, kaibigan siya ni Emil at siya ang pinakiusapan nito para tulungan at hanapin ang babaeng nagngangalang Magda.

"Marahil, pinabayaan na din siya ng kapatid niya."

"Nagkakamali kayo, lagi nagpapadala ng pera si Eva para sa kapatid niya."

Umiling lamang ang babae.

"Ako na nagsasabi sayo iho na wala, kaya mas lumubha ang sakit nito dahil wala ng gamot." Tila may lungkot din ang boses nito at panghihinayang.

"Basta bago siya mamatay, isa lamang ang pangalan na kanyang binabanggit, gusto na daw niya makita ang kanyang Ate Eva."

Bumuntong-hininga si Harold at napatango na lamang, agad niyang kinuha ang mga sobre ay notebook na iniwan na nito.

Sa ngayon hindi niya pa alam kung paano sasabihin ang malungkot na balitang kanyang nalaman.

#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now