Chapter: 9

46 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 9

"Liberty! Bakit hindi ka muna mag-inom!" 

Napalingon ako sa kanila, nagkaka-siyahan ang mga kasamahan ko. Muli akong tumingin sa salamin, malapit na mag-umpisa ang programa.

"Hoy!" Biglang tawa nang isa sa mga babaeng alaga din ni George, tinapik niya ito sa balikat.

"Pasensya na, hindi kasi ako umiinom." 

"Hay, naku! Halos isang buwan ka na dito. Dapat ay matuto ka na makihalubilo sa amin!" Sabat naman ng isa.

Tumayo na din ang isa at ibinigay ang bote kay Eva.

Halos napalibutan nila akong tatlo

"Pe-pero." 

"Dali na, tunggain mo na eto! Para kumapal-kapal ang mukha mo."

"Tama, hindi mo na kailangan mahiya kasi iba't- ibang lalaki na ang nakahawak sa katawan mo!" Sabay tawa nito.

Bumuntong-hininga na lamang ako, tama naman sila anu pa ba ang ikakahiya ko. Bakit pa ba ako tatanggi ganun naman na pare-parehas kami, kailangan namin kumita para lamang matutustusan ang aming mga pangangailangan.

"Anu, iinom ka na?" Tanong muli sa kanya at inaantay nitong kunin ang bote.

Tumango lamang ako at tinanggap ang boteng inaabot sa akin, agad kong itinungga. Medyo mapait at maanghang ng sumayad sa lalamunan.

"Ayun! Welcome na sa atin si Liberty!" 

Nadidinig kong hiyawan nila at panay ang ingay.

"Ubusin mo na yan!" Sigaw naman ng isa na tuwag-tuwa sa pag inom niya. 

Pinilit ko ubusin ang laman ng nasa bote, nang maubos ay parang babaliktad ang aking sikmura.

"Eto pa Liberty!" Abot naman ng baso.

"Parang, parang hindi ko na kakayanin inumin yan." Tanggi ko, pero hindi ito umimik at siya na mismo ang naglagay sa kamay ko ng baso.

"Kakayanin mo yan, uminom ka at magpa-lasing! Dapat hindi ka na mahinhin sa mga costumer mo!"

"Oo nga, dapat marunong ka din umaliw sa kanila! Kaya ang alak ang pampatibay sa sikmura!" 

Tiningnan ko ang baso at muling ininom iyon, tila mas mapait ito keysa sa una. Nang maubos ay talagang hindi ko maipinta ang aking mukha.

"Welcome sa aming grupo Liberty!" 

Tumango lamang ako at pakiramdam ko na uminit ng husto ang aking mukha.

~

Malapit ng magsimula ang programa, hilong-hilo ako. Tila umiikot ang mundo ko at hindi lamang yun anumang oras ay para nang gustong bumaliktad ng aking sikmura

"Eva?" 

Pinilit ko mag-angat ng paningin at nakita ko si George na papalapit.

Ngumiti siya ng mapansin na mukhang nakainom ito.

"Mainam yan para mas lalu namang maaliw ang bibili sayo."

"Parang, parang namamanhid ang katawan ko at sobrang init." Tugon ko.

Tinulungan ni George ito na makatayo at nilagay ang korona niya na tulad  sa estatwa ng sikat na si Liberty ng New York.

"Lalu kang gumanda." Bulong ni George habang inaayos nito ang buhok ni Eva.

"Mas bagay pala sayo kapag namumula ka."

Suminhghap ako bahagya at agad na umayos ng tindig para makalakad ng maayos.

Mabilis naman na nakasunod si George, lalu at nadinig  niyang tapos na ang programa ni ORLANDO.

Nasa gilid lamang ako, tila talagang umiikot ang aking paningin. Kanina pa din bumabaliktad ang sikmura ko pero pinipigilan ko lamang.

"Eva?" 

Nadinig ko ang tinig na tumawag sa'kin pangalan, agad akong nag angat ng ulo at nakita si Emil na ngayon ay palapit na sa akin.

Pansin nito ang pamumula at pamumungay ng mga mata, tila hindi din makatindig nang maayos.

"Eva, lasing ka ba?" Agad na tanong ni Emil at inalalayan to.

"Parang hindi mo naman kakayanin ang tumayo, magpahinga ka na lamang." Dagdag ni Emil.

Nahihilo talaga ako, pero hindi naman ako maaaring umatras dahil masasayang ang isang araw.

"Kaya ko sarili ko." Sagot ko at pinilit tumindig, nguni muntik na akong matumba. Naramdaman ko ang bisig ni Emil na agad na umalalay sa akin.

"Sinasabi ko sayo magpahinga ka na lamang." 

Habang si George ay kanina pa tumawag sa pangalan ni Liberty, ngunit hindi ito umaakyat sa entablado. Napilitan na siyang tingnan ito sa likuran at agad na nakita niyang kausap ito ni Emil, nakaramdam siya ng inis at mabilis na lumapit sa dalawa.

"Sinabi ko sayo huwag mong lapitan ang alaga ko!" Sigaw ni George sabay tulak kay Emil.

"Teka, inalalayan ko lamang si Eva at matutumba!" 

"Hindi mo siya kailangan alalayan, dahil alaga ko siya!" Tugon nito at hinila na si Eva.

"George hindi niya kaya!" Sigaw ni Emil at hahabol sana ngunit hinarang siya nang ibang babae.

Umiikot talagan ang paningin, nadidinig ko ang mga hiyawan sa paligid.

"My kumuha na sayo." Bulong ni George.

Umakyat naman sa entablado ang isang lalaking nakainom din, mabilis itong lumapit ka Eva.

Palapit na ang lalaking bumili sakin, ngunit hindi na kinaya nang sikmura ko. 

Nasukahan ni Eva ang lalaking bumili sa kanya,

"Siraulo kang, hayup ka!" Galit na sigaw nito at agad na sinampal si Eva.

Sumubsob ako sa sahig, namanhid ang mukha ko at parang hindi makabangon dahil sa panghihina nang katawan.

Tatadyakan pa sana ito ng lalaki nang biglang inundayan agad ito ni Emil ng suntok. Natumba ito, kaya agad niyang tinadyakan para hindi na makabangon.

"Eva." Lapit naman ni George nabigla din siya sa mga naganap, ngunit agad din na tinulak siya ni Emil may kinuha ito sa bulsa na pera at hinagis sa kanya.

"Doble yang ibinayad ko, basta sa akin ngayon gabi si Eva!" Sigaw niya sabay buhat kay Eva.

Hindi naka-imik si George at hindi niya magawang mahabol ito pagkat masisira ang kanyang palabas.

Agad siyang tumayo at naggagalaiti sa pag-papel ngayon ni Emil kay Eva.


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon