Chapter: 22

30 2 1
                                    

The Immigrant

Chapter: 22

Halos hindi ko maaninaw kung nasaan ako, pero parang wala naman ako sa presinto. Nang biglang may nag alis sa aking mukha ng takip.

"George!" 

"Nagulat ka ba Eva?" Sabay ngisi nito

"Hayup kay, anung balak mo!" Galit kong sigaw.

"Gusto ko lang ipadama sayo ang ginawa mong pagtataksil sakin!" 

"Pagtataksil? Hindi kita nobyo!" 

Ngumiti muli siya at sumenyas.

Pansin ko na may ipinasok sila at itinali ang mga kamay na parang ibinitin.

Lumapit si George at tinanggal ang nasa mukha ni Emil na taklob

"Emil!" Tawag ko at halos pilitin ko ang makawala sa aking kinalalagyan, nakahiga ako at nakatali ang aking mga kamay sa bandang ulunan.

"Eva!" Tawag din niya at pinilit kumawala

"Nagkita na kayo, ang dalawang nagmamahalan!" Natatawang sabi nito sabay lapit kay Eva.

"Bakit si Emil pa Eva? Andidito naman ako,na tinutulungan ka sa lahat ng bagay."

Dinuruan ko ang mukha niya, sobrang galit ko sa mga pinag gagawa nila at pati kapatid ko ay nadamay.

"Hayup ka, kahit kelan hindi kita mamahalin demonyo!" 

Natawa si George sabay sampal kay Eva.

Parang natangay naman ang aking mukha sa pagkakasampal na yun.

"George! Tigilan mo na si Eva, makawala lang ako dito! Sinisigurado ko sayo!" Gigil ni Emil 

"Yun ay kung bubuhayin pa kita!"  Sagot ni George at dumagan kay Eva

"Anung ginagawa mo!" Sigaw ni Emil.

"George, huwag mong gawin to!" Pagmamakaawa ko 

"At bakit hindi!" Sabay hatak ng damit ni Eva, sinira niya yun para mas lalung makita ang katawan nito.

"George!" Umiiyak kong sigaw na panay ang kanyang halik sa buo kong katawan..

Pinipilit naman tanggalin ni Emil ang tali sa kanyang kamay ngunit biglang may humampas sa kanyang likuran,halos mamanhid ang kanyang katawan.

"Eva!" Tila puno ng galit sa dibdib dahil wala siyang magawa sa ngaun.

"George maawa ka buntis ako!" Sigaw ko

Tila napahinto si George at mas lalung nanginit ang kanyang teynga sa galit.

Napatigil din si Emil, hindi niya pa alam ang bagay na yun.

"Pakiusap buntis ako, nagmamakaawa ako ang anak ko." Humahagulgol kong iyak

Tila natauhan naman si George at mabilis na umalis sa pagkakadagan kay Eva.

Lumapit siya kay Emil at pinagsusuntok ito, pinagtulungan pa ng dalawa.

"Tama na! Pakawalan niyo na siya!" Sigaw ko at halos nanlalabo na ang mga mata sa sobrang pag iyak.

Duguan na si Emil ng bitawan nila, ngunit hindi ni George.

"Nag iisang babaeng mahal ko, kinuha mo pa"

Natawa si Emil sa sinabi niya.

"Hindi mo siya mahal, kundi makasarili ka." Sagot nito 

Ngumisi ito sabay unday ng saksak kay Emil

Nakita ko ang ginawa ni George, halos manlaki ang mga mata ko sa eksenang iyon.

"Hindi, hindi!" Sigaw ko 

Madiin ang pagkakasaksak ni George kay Emil, ramdam niya ang pamamanhid ng katawan at tila bibigay ang tuhod.

"Emil!" Sigaw ko ng makita gumulo ang dugo sa kanyang labi sabay pikit at yuko. Naiiling ako na halos hindi malaman kung anu ang mararamdaman.

"Emil" sambit ko sa pangalan niya na muling naiyak.

"Paalam pinsan." Bulong ni George at sumenyas na sa mga tauhan nito

"Itapon niyo na yan!" Utos niya at binalikan si Eva

"Emil, hindi Emil." Halos habol kong tawag na baka madinig pa niya at magising siya.

"Napaka walang hiya mo! Ubod ng kademonyohan ang budhi mo!" Sigaw ko.

Pinakawalan na siya ni George.

Pagkatanggal ng tali ay mabilis akong tumayo ngunit hinatak niya ako

"Bitawan mo ako! Hahabulin ko si Emil!"

"Patay na siya Eva! Mananatili ka sa piling ko akin ka lang!"

"Hindi! Hindi totoo yan! Emil!"

Halos ibalibag muli siya ni George sa kama.

"Eva,makinig ka! Walang babaeng nakakatakas sa mga kamay ko! Kaya akin ka lang! Akin lang!" Madiin nitong sigaw sa kanya.

 Hindi ako makapaniwala na nawala sakin si Emil, napaka hayop ni George hindi ko mapapatawad lahat ng ginawa niya sa amin.

~

Tulala ako habang inaayusan, dalawang araw na akong hindi kumakain tila nawalan na ng saysay ang buhay ko.

Dadalhin na ako kay Ambasador Luis, malaki ang ipinatong nitong pera sa aking ulo kaya hinahabol ako ni George.

"Eva." Imik ni Beth habang sinusuklayan siya.

"Bakit ganun, nawala na sa akin ang kapatid ko. Ngayon si Emil naman." Sagot ko na hindi na napigilan ang luha na kanina pa gustong lumaglag.

Inilayo ako ni George dahil yun ng utos ng ambasador, para hindi na din ako mahanap ni Harold at Brena. Wala akong naging balita sa nangyari kay Emil na talagang sobrang nagpapalungkot sa akin.

"Tatagan mo lang ang sarili mo alam ko na matapang ka." Bulong ni Beth.

Huminga ako ng malalim, mas lalu akong naiyak nang mahipo ang aking tiyan.

"Anak." Bulong ko  hanggang sa mapahagulgol na nang iyak. Hindi ko mapigilan ang emosyon, ang sakit pati ang aking anak ay nadadamay sa ngayon.

Pumikit ako ng mariin at umusal ng dalangin, lalaban ako para sa anak ko. Sisikapin ko pa din na makawala sa mga kamay ni George.

"Beth, naka ayos na ba yan si Eva?" 

Nadinig ko ang boses ni Maribel, isa pa ang babae to na nakakadagdag sa aking galit. Nang dahil sa kanya mga kasinungalingan at pagkuha ng aking pera ay namatay si Magda.

Lumapit siya at hinila ang buhok ni Eva

Halos mahatak nito ang aking leeg, ngunit hinayaan ko lamang.

"Babalik ka din pala, pinahirapan mo pa kami. Baka nakakalimutan mo hindi ka welcome sa bansang ito dahil illegal ang pag parito mo!"

"Tama na Maribel!" Saway ni Beth

Binitawan na niya si Eva.

"Bilisan mo diyan at naghihintay na ang ambasador!" Sabay talikod 

"Maribel!" Tawag ko sabay tindig

Napahinto naman siya at lumingon.

"Bakit?"

Hindi ako lumingon kundi sa repleksyon ng salamin ko siya tiningnan.

"Huwag kang magpakasaya,dahil oras na makawala ako hindi ko palalagpasin ang lahat ng ginawa mo." 

Tumaas lamang ang kilay nito at muli nang tinuloy ang paglabas.

Napatitig ako sa salamin at tiningnan maigi ang repleksyon ng aking sarili.

"Para kay Magda at Emil." Bulong ko.


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon