Chapter: 6

44 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 6

Hindi naman malayo ang lugar kung saan ang sinasabi ni Goerge na teatro, napatingin ako sa nakasulat sa labas.

"Now, showing Orlando The Magician?" Napangiti ako, mahilig na ako sa mga ganitong palabas kaming dalawa ni Magda. 

"Kung kasama ko siya, siguradong matutuwa yun." Bulong ko at pumasok na sa loob.

Makikita sa loob na puno talaga ng tao, mabuti na lamang at may nakita pa akong bakanteng upuan. Agad akong tumunghay sa palabas, nakaka-aliw ang mga gumaganap sa intablado.

Pati ako ay nadadala lalu sa pagtawa, pumalakpak ang lahat kaya nakisabay ako.

"Nais niyo na ba masaksihan ang kakaibang mahika muli ni Orlando?" 

Nadinig ko ang hiyawan ng mga tao, napangiti ako marahil kilala talaga ang magician na ito.

Nakita ko ang isang bulto na lumabas, naka-suot ito ng itim na damit may dalang itim na mahabang sumbrero, medyo malayo pa ako kaya hindi masyadong nakikita ang kanyang mukha.

Nagtawanan ang mga tao nang may inilabas si Orlando na rabbit sa kanyang sumbrero.

"Magic!" Sigaw niya at nilapag na ang mga ito.

Huminga siya nang malalim kasabay nito ay ang pagpikit.

Inilagay niya sa dibdib ang mga kamay na pa-cross.

Namangha ang mga tao maging si Eva dahil tila umangat ang paa nito sa Ere.

"Ang galing niya!" Buong paghanga ko at pumalakpak ng husay.

Muling lumapag si Orlando at dumilat, sumenyas siya sa kanyang mga kasama at may inilabas na malaking kahon, ang kahon ay parihaba na magkakasya ang isang tao.

Binuksan ni Orlando yun at ipinakita sa lahat ng manunuod.

Maging ako ay napatingin sa kahon na walang laman.

"Anu kayang gagawin niya?" Bulong ko.

"Gusto ko malaman ninyo, na maging bukas lagi ang isipan. Itong gagawin ko ay hindi maaaring gawin sa bahay , napaka-delikado po nito." Nakangiting niyang sabi sa mga nanunuod sa kanya.

Mabilis na lumapiy ang mga kasama ni Orlando, agad na nilagyan ng kadena ang kamay niya at padlock. Pinakita pa niya ito sa mga tao, bago pumasok sa loob nang kahon.

Parang nakaka-tensyon ang palabas lalu ng palibutan ng kadena ang kahon at takpan ng itim na tela, mas lalu ako nagulat ng may mga lumabas na tila sundalo o talagang costume lang nila ang sundalo. May mga baril itong dala at tumapat sa kahon kung saan nakalagay si Orlando.

"Fire!" Sigaw ng isang lalaki.

Halos umugong ang paputok ng baril sa loob, madami ako nadidinig na sumigaw at mga nagulat.

"Si orlando!" Sigaw nang iba.

Napatayo din ako dahil sa pag-aalala sa mahikero na nasa loob.

"At ngayon tapo na ang ating programa!" Sigaw ni Orlando na naka-pwesto sa likuran nang mga tao.

Nagulat ang lahat at pati ako, masibagong palakpakan ang nangyari. Maging ako ay sumobra ang hanga sa taong ito, napakagaling niya nang muli kaming lumingon ay wala ngang tao ang kahon.

Halos lahat ng daanan ni Orlando ay kanyang kinakamayan, tuwang-tuwa siya na madami din siya napasaya at napahanga sa ginawa niya

"Wala ka pa din kupas Orlando!"

"Salamat!" Sagot niya

Malapit na tumapat si Orlando, kaya malapitan ko na siyang nakita.

Agad akong ngumiti lalu nang lumahad ang kamay nito.

"Salamat sa magandang programa." Wika ko.

Lalagpas na sana si Orlando nang mahagip ang mukha nito kaya muli siyang humarap at tinitigan ang babae.

Muli niyang hinawakan ang kamay nito,

"Napakaganda mo." Buong paghanga niyang sabi dito at agad na inayos ang buhok nito, inipit niya sa bandang teynga at parang may kinuha.

Nagulat ako sa kinuha ni Orlando mula sa aking teynga, 

"Para sayo magandang binibini." At inabot ang puting rosas.

Ngumiti ako at tinanggap ang rosas na bigay niya, nakita ko din siyang ngumiti at muli nang tumalikod para bumalik sa entablado.

"Ang pinakita ko ngayong gabi ay isang ilusyon, wala pa din makakapantay sa gawa ng may kapal kaya manalig lamang po tayo at siguradong lahat nang ating naisin ay matutupad. " nakangiti niya payahag.

"Muli maraming salamat sa inyong panunuod at magandang gabi sa lahat!"  Kumaway na siya at nagbow, matapos ay tumalikod na para magtungo sa likod.

Muli akong ngumiti, tiningnan ko ang hawak kong rosas na puti at inamoy iyon.

"Salamat." Bulong ko at may ngiti na tumalikod.

Muling sumilip si Emil, si Emil na nagtatago sa pangalang Orlando. Nais pa sana niyang kausapin ang babaeng pumukaw sa kanyang paningin ngunit tila huli na.

"Mukhang paalis na siya." Malungkot niyang bulong, matagal na siya dito kaya ngayon lamang niya nakita ang babaeng ito.

"Sana magkita tayong muli." Ngumiti siya at muli ng tumalikod.

~

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi, hanggang makabalik ako sa aking tirahan.

Sa buong buhay ko ay ngayon lamang nagbigay sa akin ng bulaklak, muli kong inamoy iyon at tila hindi maalis sa isipan ko ang mukha ni Orlando.

Gwapo ito mas hamak na gwapo keysa kay George,ang mga mata nito kanina ay tila gusto pang magtanong ngunit marahil ay nahiya na lamang. 

Hindi lamang yun dahil ang mga ngiti nito ay may kakaibang hatid sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kaba na hindi ko maintindihan.

"Imposible, imposible na magka-gusto ako sa tulad niya." Bulong ko at malungkot na nilapag ang rosas sa mesitang pinapatungan ng aking ilaw.

"Kung magka-gusto man ako sa isang tulag niya ay siguradong hindi niya ako magugustuhan, lalu kapag nalaman niya ang pagkatao ko." Bulong ko at agad na nahiga.

Muling lumandas ang luha sa aking mga mata, nalulungkot na naman ako. Tatlong araw lang na hindi kami nagtanghal at bukas ay balik na naman ako sa trabahong aking namulatan.

"Kahit paano pinasaya ako ni Orlando sa programa niya." Ngumiti ako ng pilit at pumikit na.


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now