Chapter: 13

27 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 13

"Nais ko muling ipakilala sa inyo ang nag iisang si Binibining Liberty!"  Sigaw ni George, halos nagpalakpakan ang mga tao at sobra ang kanilang hiyawan sa paglabas ni Liberty.

Tila hindi pa din ako sanay sa madaming palakpakan, pakiramdam ko para akong bituin na pinagpipilahan ng karamihan.

Napayuko na lamang ako, halos madaming bumibili sa akin. Sa loob nang isang araw ay hinahati ko na ang oras kung kakayanin lalu at kailangan ni Magda sa ngayon.

"Limang  daang dolyar para kay Liberty!" Sigaw nang isang lalaki

Ngumiti si George, malaki talaga ang halaga ni Eva at parang sa ngayon mas lalu pa ngang lumalaki.

"Anim na daang dolyar!" Segunda naman ng isa.

"Aba! Mukhang hindi matatapos ang presyuhan!" Tila engganyong wika ni George.

"Seven hundred dollar!" Sigaw naman ng isa na tila ibang lahi.

Lihim na ngumiti si George at lumingon kay Eva,

Bumuntong-hininga naman ako, malaki na ang halagang iyon. Pero alam ko naman na hindi lahat ay sa akin mapupunta.

"Mukhang wala nang lalaban sa seven hundred?" Tanong ni George.

"Saglit!" Tila isang binatilyo ang nag taas ng kamay,

Napatigil din ako sa nagtaas, medyo hindi ko masyadong aninaw ang kanyang mukha.

Biglang natawa si George dahil pansin niyang bata pa eto.

"Alam mo ba ang presyon na pinag uusapan?" 

"Alam ko, kukunin ko si Liberty sa halagang isang libong dolyar!" 

Madami ang nagbulong-bulungan sa halagang binitawan nito.

"Baka nagloloko ka lamang?" Sabay tawa ng isang lalaki.

May dinukot ang binatilyo sa bulsa at pinakita sa lahat.

"Isang libong dolyar para kay Liberty!" Ulit nito.

Napataas ang kilay ni George, tila wala nang gusto pang magtaas ng kamay.

"Isang libong dolyar! Sarado na ang presyuhan, halika dito!" Tawag niya.

Lumapit naman ito sa entablado at saglit na tinitigan si Eva.

Nailang naman ako sa titig niya lalu at napakabata nito.

"Narito ang isang libong dolyar, basta sa akin siya buong magdamag!" 

"Areglado." Sagot ni George at lumapit kay Eva.

"Paligayahin mo ang batang ito, malaki ang binayad niya sayo mukhang tipo ka." 

Tumango lamang ako, lumapit sa akin ang binatilyo at hinawakan ako sa kamay.

"Halika na!" Yaya nito.

~

Sa isang malaking Hotel ako dinala nito, nagtataka talaga ako kung bakit madaming pera ang batang ito.

Pagkapasok namin ay nakatingin lamang siya sa akin habanh hinuhubad ko ang doble konh damit.

"Ilang taon ka na?" 

"Kinse-anyos." Sagot nito.

"Napakabata mo pa, una mo pa lamang ba eto?" Muli kong tanong, ngunit ngumiti lamang ito.

"Wala ka bang sakit?" 

Umiling ito,

"Saglit Binibini, may tatawagin lamang ako." Sagot nito at nagmamadaling tumungo sa pintuan,

"Saglit!" Sigaw ko at tumungo

"Wala sa usapan ang may ibang kasamahan!" Sagot ko at kinuha ang hairpin na may tulis sa aking ulo.  Kung anuman ay mayroon akong panlaban, nadidinig ko ang mga paguusap ng mga ito sa pintuan.

"Salamat!" 

Nadinig kong sabi, tila pamilyar ng boses na yun kaya agad akong napatras ng mapansin ang pumasok na lalaking naka-coat at sumbrero.

Nag angat ng ulo si Emil at mabilis na tinaggal ang tila suot nitong pang news boy na sumbrero.

"Emil." Hindi ako makapaniwala at dali-daling nabitawan ang hawak kong hairpin, halos dalawang linggo kaming hindi nagkita.

"Kamusta ka na?" Agad niyang tanong, kung saan-saan niya ito hinanap.

Hindi ako sumagot ay mabilis na niyakap siya, sobrang galak ko na muli makita ang kanyang mukha ang mukha ng lalaking laman ng aking panaginip.

Napapikit si Emil at dinama ang yakap ni Eva.

"Ang tagal kitang hinanap, mabuti na lamang at may nakapagsabi sakin kaya natunton din kita." 

Kumalas ako at hindi mapigilan ang luha na lumandas, sobrang saya ko na makita muli si Emil at walang kalabisan ang ngiting iyon.

"Ibig sabihin, sayo galing ang pera na yun?" 

"Huwag mo na isipin ang pera ang mahalaga ay kasama kita ngayon." Sabay haplos ni Emil sa buhok ni Eva.

"Akala ko hindi na tayo magkikita."

"Ako din, ang buong akala ko. Maraming salamat at hinanap mo ako." Sabay ngiti .

~

"Bahay mo eto?" Tanong ko nang makapasok kami.

"Oo, isa sa mga bahay ng aking ama. Mabuti na lamang ay may tinutuluyan ako dito sa nilipatan ninyo atlis, maaari ka dito magpahinga." 

"Hindi ba ako nakakaistorbo?" 

Lumapit si Emil at hinawakan ang mga kamay niya,

"Hindi ka nakakaistorbo sa akin Eva, gusto ko talagang matulungan ka. Sabihin mo sa akin ang mga kailangan mo ibibigay ko lahat."

"Pero, pero kailangan ko pa din kumita para kay Magda. At isa pa ayoko mapahamak ka."

Umiling si Emil at ngumiti.

"Hindi ako mapapahamak, huwag kang matakot."

"Pero, na kay George ang lahat ng dokumento ko. Isa pa nasa isla si Magda... Inilipat na siya " malungkot kong sagot.

Napatitig si Emil dito, kahit siya ay nasasaktan dahil na din sa mga pinagdadaanan nito

"Baka makatulong ako, may mga kakilala ako sa isla baka makahanap ako ng maaaring gumamot sa kapatid mo."

Biglang may bumangon na pag-asa sa dibdib ko, halos puno ng kaligayahan ang mga mata ko sa nadinig mula kay Emil.

Ngumiti ako at hinubad ang kwintas na aking suot, binuksan ko hugis oval na pendat at pinakita kay Emil.

Napatingin naman si Emil sa pinakita ni Eva.

"Eto si Magda, ang ganda niya di ba?" Nakangiti kong sabi.

"Oo nga, kasing ganda mo siya" at tumingin siya dito, pansin niya ang malungkot na ngiti nito.

"Gusto ko siya maging masaya, simple lamang ang hiling ko. Ang gumaling siya at makasama ko muli." Sagot ko at ngumiti kay Emil, nakangiti ako ngunit ang luha ko ay pumatak nang kusa.

"Gusto ko na gumaling na siya at bumalik na sa normal ng buhay namin." 

Napatitig si Emil kay Eva at hindi napigilan na yakapin ito at aluin ang likod.

"Gagaling din siya at magsasama kayo muling dalawa, pangako tutulungan kita. " sabay tingin kay Eva,

Nag angat ako ng tingin para titigan si Emil.

"Susulat agad ako sa aking kaibigan at mga kakilala sa isla, pangako. Tutulungan ko ang kapatid mo." 

"Emil." Muli ako napasubsob at duon na umiyak habang nakayakap.

Hindi na din napigilan ni Emil ang kanyang luha, kaya pumikit na lamang siya ng mariin. At ginatihan ito ng yakap.

#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now