Chapter:21

30 2 1
                                    

The Immigrant

Chapter: 21

"George!" Agad na salubong ni Maribel ngunit sinampaldin siya ni George, halos lumagapak siya sa sahig.

"Bakit mo gianwa yun! Bakit mo hinayaan na mangyari yun kay Eva!" Sigaw nito

Napalunok siya at tumindig.

"Puro na lang Eva, si Eva na lamang ang lagi mo naiisip tila nakalimutan mo na kaming lahat ay mga alaga mo." Katwiran niya

Lumapit siya dito ay hinawakan niya ang leeg ni Maribel.

Halos hindi naman siya makahinga dahil sa tila pagsakal na nito.

"Nawala si Eva dahil sa ginawa mo, alam mo ba na kahit ako maaaring mapahamak sa ambasador!" Gigil nitong sabi 

"Te-teka, baka p-pwede tayo magtulong"

Sa nadinig niya ay unti-unti itong pinakawalan.

"Anung ibig mong sabihin?" 

Halos mapugto ang hininga ni Maribel bago tumingin dito.

"Sabi mo, siguradong mapapahamak ka sa ambasador? Tutal na sa iyo ang dokumento ni Eva, magagamit natin yun para ipahuli siya sa imigrasyon. Alam naman natin na ilegal ang pagpunta niya dito."

Tila may punto si Maribel, ilegal ang mga dokumento ni Eva at ng ambasador lang ang makakatulong sa kanila para lang magkaroon siya ng tyansa at mabikis na mabawi si Eva kay Emil.

"Paano ang gagawin natin?"

Ngumiti si Maribel na tila may naisip ng magandang plano.

~

"Sigurado ka?" Tanong ni Ambasador Luis kay George.

"Sigurado, pwede natin siyang ipakulong lalu at wala siyang mga dokumento. Itinago ko lamang siya ngunit wala siyang utang na loob." Paliwanag ni George

"Nagsasabi ng totoo si George, si Eva ay walang utang na loob at eto pinagulpi pa niya sa kanyang kasintahan na ngayon ay kanyang kinakasama." Sabat ni Maribel

Tila napatayo ang ambasador at nagpalakad-lakad, gusto talaga niyang matikman si Eva at hindi siya papayag na hindi ito mapupunta sa kanya.

"Sige, pumapayag ako. Hanapin ninyo ang dalawa at kung maaari, patayin kung sino man ang hahadlang."

Ngumiti si George at Maribel sa naging utos ng Ambasador.

~

Naging normal ang buhay namin ni Emil, masaya ako sa piling niya at hindi ko pinagsisihan yun.

Medyo matagal pa ang proseso ng mga dokumento ko, pero talagang natutuwa ako dahil magiging ganap legal na ako sa america.

Bigla din ako napahaplos sa aking tiyan, halos magdadalawang buwan na ito.

May pintig at buhay, nabuo ang aming pagmamahalan ni Emil. Hindi man siya ang una at nakakuha ng dangal ko, nangako ako sa sarili na siya naman ang huli at nag iisang lalaki kong mahal..

Napalingon ako ng makadinig ng mga katok, mabilis kong iniwan ang aking mga hinihiwa. Pinunasan ko ang aking mga kamay at tinungo ang pintuan.

Pagkabukas ay laking gulat ko na may mga pulis 

"Eva Symanek?" 

"O-opo, anu pong kailangan ninyo?" 

"Hinuhuli ka namin sa pagiging illegal mo sa bansa na to!" Sabay hawak sa mga kamay ni Eva.

"Teka saglit lang ho, inaayos na ang mga dokumento ko!" Sigaw ko.

"Brena!" Sigaw ko.

Napalabas si Brena at nakita niya na tinatangay nh mga puli si Ma'ma Eva niya.

"Ma'am Eva!"

"Bitawan ninyo ako!" Sigaw ko ngunit mabilis akong ipinasok sa karwahe.

Pagkapa-upo sa akin ay nilagyan ng takip ang aking mukha.

"Anu to!  Alisin ninyo ito sa mukha ko!"

"Manahimik ka!" Sigaw sa kanya.

Natahimik ako at napaiyak na lamang sana malaman ito nito ni Emil.

~

"Napakagaling mo pa din Orlando!"

"Salamat!" Sagot niya habang nakikipag-kamay

Pumasok na muna siya sa likuran upang makapag palit ng-damit.

"Kamusta mahal kong pinsan?"

"George, anung ginagawa mo dito!" 

"Ganyan ka ba trumato ng bisita?" Sabay labas ng baril nito

Nakita ni Emil yun kaya napataas siya ng kanya mga kamay.

"Bitawan mo yan George, bakit ba ginugulo mo pa kami ni Eva!"

"Hindi ako papayag na mapunta sayo si Eva!" Sigaw nito

Biglang may mga pumasok na kalalakihan at agad na hinawakan sa magkabilang braso si Emil.

Nakangiting lumapit si George dito,

"Ngayon, ipapakita ko sayo kung gaano kasakit ang makita ang kanyang mahal na may iba pang gumagalaw."

"Walanghiya ka! Anung ginawa mo kay Eva! Huwag mo siyang sasaktan hayup ka George!" 

"Dalhin niyo na yan!" Utos niya.

Tinakpan din nila ang mukha ni Emil, at mabilis na inilabas.

Kahit panay ang laban niya ay hindi siya makawal hanggang sa may pumalo sa kanyang batok para mawalan ng malay.

Nangingiti si George, ngayon ay muling mapapa sa kanya si Eva.

#AuthorCombsmania


The Immigrant ( Completed story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon