Chapter: 29

37 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 29

Hindi ko maintindihan ang bumabalot na kaba sa aking dibdib, ngayon kasi ang kaarawan ni Emil kaya mayroong pagsasalo-salo at kasama sa pagdiriwang ay ang pagdating din ng kanyang ama.

Dati itong Heneral, gusto nito na sumunod sa yapak si Emil ngunit mas pinili niya ang magkaroon ng simpleng buhay. Mas naging pokus nito ang pagmamahika at magpasaya ng mga tao, at laking pasalamat ko din na sa ganitong tadhana kami nagtagpo ni Emil.

"Mahal."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay, kaya agad akong lumingon at ngumiti.

"Nanlalamig ka yata, mabuti ba pakiramdam mo?"

Ngumiti ako at tumango.

"Sobra lang ang kaba na nararamdaman ko sa ngayon, pero maayos naman ako." Sagot ko

"Bakit ka naman kakabahan? Mabait ang Papa, at hindi siya matapobre, di ba nakwento ko sayo na ang aking ina ay nagtatanghal lamang bago niya pakasalan." 

"Oo, naaalala ko." Sagot ko pero naroroon pa din ang hindi mapigilang pag iisip at kaba sa dibdib.

Tila nahihiya ako, magkaiba naman kami ng ina ni Emil hindi tulad ko na sa putikan lamang niya nakilala, lumingon ako kay Emil.

"Pa'no kung, malaman niya kung saan ako galing?" 

Humarap si Emil sa kanya at niyakap siya.

"Huwag mong iispin yun, andidito lang ako. Walang maaaring manliit sa pagkatao mo. " sabay hawak sa mukha ni Eva para titigan ito.

"Alalahanin mo na asawa na kita, ang pinaka-magaling na si Orlando the Magician. Lahat yun maglalaho panigurado."

Bigla na lamang pumatak ang luha ko, pinalalakas talaga ni Orlando ang aking loob.

Huminga ako ng malalim.

"Mama!" 

Agad ko pinunasan ang luha ng makitang patakbo si Emilia.

"Anak, kumain ka na ba?"

"Opo." Sabay lingon sa kanyang ama at halik sa pisngi

"Naglalaro lamang po kami sa labas." Sagot nito.

Tumango ako at hinayaan na muli itong tumakbo palabas.

"Ginoo."

Kapwa kami lumingon at nakita si Brena.

"Ginoo andiyan na po ang Heneral." Balita nito.

Tila mas lalung sumikip ang aking dibdib sa sobrang kaba dahil naririto na ang pamilya ni Emil.

"Sige susunod na kami!" Masayang sagot nito at lumingon kay Eva, kinuha niya ang kamay nito at nilagay sa kanyang braso.

"Sasalubungin na natin sila." 

Pinilit ko kumalma at ngumiti na, 

"Sige." Sagot ko.

~

"Bakit parang hindi ka mapalagay?" 

"Kinakabahan lang ako, hindi ko nga mawari pero pakiramdam ko talagang parang may naghihintay sa akin."

Napangiti si Harry sa sinasabi ng kanyang may bahay.

"Mabait si Kuya Emil, kahit bibihira kami magka tagpo." 

Ngumiti si Magda at humawak na sa braso ni Harry, sumabay na sila kay Heneral Jones sa pagpasok.

Mapapansin ang mga katiwala na panay ang yuko sa pagpasok nila.

Halos puno pa din ng kaba ang dibdib ko, lalu at nakikita ko na ang may edad na lalaki. Hindi lamang yun.

"Eva?"

Sa nadinig ni Magda ay tila napalingon siya at nagtama ang kanilang mga mata ng babaeng may kaunti pa ang layo sa pagitan nila.

Pumatak ang luha ko ng makilala ang kaharap, pansin ko din ang pagkaka-hawak sa braso nito sa kasamang lalaki.

"Mag-magda?" 

Parang walang lumalabas na tinig mula kay Magda tila hindi siya makapag salita lalu at nag unahan na ang luha niya.

Ang dibdib ko ay tila hindi malaman ang emosyon, kusa akong bumitaw kay Emil at kagat labing papalapit kay Magda, tama si Magda ang nakikita ko.

"Magda."

"Ate." Sa wakas ay nabanggit niya at bumitaw kay Harry sabay takbong salubong ng yakap sa kanyang Ate 

"Ate Eva." Hagulgol niyang iyak.

"Magda." Umiiyak kong tawag at hindi pa din makapaniwala, 

"Diyosko, salamat at buhay ka." Bulong ko at tinitigan siya maigi, hinalikan ko ang kanyang noo. At muling tinitigan.

Nadala ang Heneral sa pag iyak ng magkapatid, alam kasi nila ang pag hihirap ni Magda sa paghahanap sa kanyang nawawalang ate.

Si Harry naman ay lumapit sa kanyang kuya Emil,

"Maliit nga sadya ang mundo." 

Bumuntong hininga si Emil at umakbay sa kanyang kapatid.

"Salamat, mabuti at ikaw ang nakakuha kay Magda."

Ngumiti lamang ito at muling pinagmasdan ang dalawa.

"Ang buong akala ko, patay ka na." Hindi ko mapigilan luha nagsasama ang kagalakan at kalungkutan ko.

"Alam mo bang halos mamatay ako ng malamang patay ka na?"

"Ate, itinapon nila ako sa isla. Kasi wala nang gustong gumamot sa akin,naging madamot sila ate." Umiiyak na sumbong ni Magda sabay subsob sa kanya

"Sshhh,, tahan na. Ang mahalaga buhay ka at makakasama na kita" muli ko siyang tinitigan ang kanyang napaka gandang mukha na labis kong kinasasabikan na makita.

"Walang oras na hindi kita maiisip, gustuhin ko man puntahan ka pero kailangan ko mag hanap buhay. Kaso, kaso pinaglaruan ako ng mga taong yun." 

"Ate."

"Hindi nakakarating sayo ang mga tulong ko, tanging si Emil ang tumulong sakin para makawala ako sa madilim na mundo ko." Sabay halik sa kanyang noo, hinayaan ko ang pag agos ng luha, 

"Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako nakabalik agad Magda."

"Tama na ate, wala kang kasalanan. Nang makatakas ako ay pinilit ko hanapin ka. Ngunit mailap ang tadhana para magtagpo muli tayo dalawa."

Kinuha ko ang mga kamay niya at hinalikan yun, sabay muling iyak.

Sobra lamang talaga ang katuwaan na aking nadarama, sa kabila ng mundong aking binagsakan, sa kabila ng lahat ng sakit at pagdurusa na aking pinagdaan. Sa bandang huli ay nakamtam ko muli ang kaligayahan, kumpleto muli kasama ang aking kapatid. Tila wala na akong mahihiling pa.

"Salamat sa diyos hindi mo pinabayaan ang kapatid ko." Bulong ko.


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon