Chapter: 25

32 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 25

"Sige pa Eva, umire ka pa." 

Halos hirap na hirap ako sa pag-ire, pero kailangan ko tiisin. Wala pa ang aking kabuwanan pero pumutok na agad ang aking panubigan, kaya napilitan na ilabas ang aking anak.

"Ayan na, nakikita ko na ang ulo Eva. Sige pa ire pa iha!" Utos ng komadrona

Huminga ako ng malalim at sinunod ang utos sa akin, maya-maya ay parang may natanggal na sa aking katawan. Tila nakahinga ako ng maluwag kasunod nun ay ang iyak ng isang sanggol

"Eva napakaganda ng iyong anak." Nakangiting sabi nito at binalot na sa kumot sabay lapag sa kanyang tabi,

Ngumiti ako nang malaman ko na babae ang aking anak.

Mabilis ko siyang binuhat at pinagmasdan.

"Emilia, Emilia ang magiging pangalan mo." Nakangiti kong bigay ng pangalan sa kanya, sabay lapit na aking ilong maliit nitong ilong. Ito ang nagiisang yaman na naiwan sa akin ni Emil kaya isinunod ko ang kanyang pangalan.

~

"Malungkot ka na naman."

Huming lamang siya ng malalim at lumingon.

Nakikita ni Harold ang kalungkutan sa mukha at mga mata ni Emil, limang tao na ang lumipas. Tila kung saan-saan niya hinanap si Eva. Ang huli na lamang nabalitaan ay namatay si George, tila pinasok ito at sinunog sa tinitirahan.

"Baka naman, patay na din si Eva?"

Umiling siya 

"Hindi, hindi yun ang nasa damdamin ko." Mariin niyang sagot at pinaglalaruan sa kanyang palad ang puting rosas

"Halos nalibot ko na lahat ng sulok ng buong amerika, pero walang Eva, hanggang ngayon naniniwala ka na buhaya siya? Mabuti nga at nakaligtas ka."

"Harold! Kung hindi ako nagtagal sa hospital nahanap ko na dapat siya. Hindi ko na alam kung anung nangyari sa mag ina ako, kung anu ang itsura nang anak namin?" Naupo siya at malungkot na sumandal.

"Maiwan na muna kita." Paalam ni Harold at lumabas.

Bumuntong-hininga si Emil at pumikit, tila binabalik tanaw niya ang mga taon na nagdaan.

~

"Ihagis mo na diyan!" Utos nang isang lalaki 

Hinagis nila si Emil sa ilog at iniwan.

Halos tangayin siya ng agos, kahit siya sa sarili ang buong akala ay patay na.

Nang may makakita sa kanya at dalhin sa Hospital, dahil kilalal mahikero ay mabilis na kinalat ang balita

"Emil!" 

Unti-unti siyang dumilat maliba sa isang niyang mata,pakiramdam niya na masakit ang buong katawan pati dibdib.

"Salamat sa Diyos at buhay ka." Hindi makapaniwala si Harold na buhay ito, sinabi ng doktor na milagro dahil malalim ang saksak nito sa dibdib, tila hindi lang man natamaan ang puso ni Emil. Maliban nga lang sa mga binti nito na napuruhan.

"E-eva." Sambit niya at pinipilit tumayo ngunit hindi magalaw ang mga paa.

"Anung, anung nangyari sa mga binti ko?"

"Sabi ng doktor, nasobrahan daw ito sa mga hampas. Tila nabugbog at parang nadurog ang ibang buto. Maaring kang operahan at masyadong matagal ang proseso bago ka makalakad muli."

Tumulo ang luha ni Emil, naalala niya si Eva kailangan siya nito ngayon lalu at buntis ito.

"Si Eva hanapin mo siya, lalu ngayon buntis siya. Hanapin mo ang mahal ko."pakiusap niya kay Harold.

"Hahanapin ko siya pangako." Sagot nito.

~

Ngunit laging bigo si Harol at laglag ang balikat sa paghahanap kay Eva, nabalitaan na din niyang namatay ang ambasador at tila lumipat sa ibang lugar sila George.

Madalas siyang magpunta sa mga programa, oero kailanman ay hindit natyempuhan ito.

Tulala si Emil habang nakatanaw sa bintana, hindi siya nakakatayo ngunit patuloy siya nagpapagaling. Lagi nasa kamay niya ang puting rosas.

"Eva, sana mahanap ka na ni Harold." Bulong niya at lumandas ang luha.

Nasa likod lang si Harold at Brena ramdam nila ang paghihinagpis nito.

Hanggang isang araw ay natunton nito si George, ngunit wala si Eva. May nakapag sabi na may patayang naganap dalawang babae, ang buong akala ni Harold ay si Eva kaya mabilis niyang pinakita ang larawan nito ngunit hindi daw ito ang namatay.

"Tumakas siya?!"

"Oo, pero hinanap ko na ang maaring malapit na mapuntahan ngunit walang Eva." 

"Nasaan ba siya, bakit bigla na lamang siya nawala." Halos sobra na ang nararamdamang pag alala ni Emil, hanggang isang araw ay nabalitaan niyang tila pinasok ang tinitirahan ni George. Maaaring pinahirapan pa ito dahil ayun sa atopsiya, bale ang mga binti may saksak sa dibdib at tila natunaw ang kalamnan.

Pagkatapos ay sinunog pa ang tinitirahan.

Halos lahat ay bumabalik tanaw kay Emil, nang gumaling ay personal niyang hinanap si Eva ngunit hindi talaga ito makita.

"Eva mahal ko, nasaan na kayo ng aking anak." Malungkot niyang bulong.

~

"Emilia huwag masyadong tumakbo!" Saway ko sa aking anak.

Muli na kaming nakabalik sa Manhattan tila madami na nagbago sa lugar. Unang tuntong ko ay dinala na ako ni George sa kanyang inuupahan at dito nagsimula ang buhay ko na puno ng kalungkutan.

Lumingon ako kay Emilia halos limang taon na ang aking anak, masaya ako dahil lumaki itong malusog, masayahin at napaka gandang bata. Pinilit ko na buhayin siya mag isa dahil siya na lamang ang natatanging kayamanan na naiwan sa akin ni Emil.

"Mama!"

"Bakit?" Tanong ko sabay lapit, itinuturo niya ang billboard nakalarawan doon ang isang lalalaki nanmay hawak na sumbrerong mahaba.

"Gusto mo manuod mamaya?" 

"Opo!" 

"Sige, pero bago yan kailangan muna natin tumuloy sa ating tutuluyan." Sagot ko at mabilis na siyang hinawakan sa kamay.

Saktong kalalayo lamang ni Eva ng dumating si Emil, kailangan niya mag ensayo para sa palabas mamaya.


#AuthorCombsmania


The Immigrant ( Completed story)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang