FINALE

54 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 30

              
                         FINALE:

Araw nang pasko ay masaya ako, naging kumoleto ang pamilya na hiniling ko.
Sa amin nagpasko si Magda kasama ang asawa na si Harry, nagkasundo din ang mag -amang Jones at asawa kong si Emil.

Tila nagbigay aliw ang ginawa mahika ni Emil at kasama pa si Emilia, mukhang nagmana ang amin anak sa aking mahal na asawa.

Masaya na din ako para kay Magda ngunit kailangan na nila magbalik sa Madrid pagkatapos ang bagong taon, hindi na ako malulungkot pagkat alam ko na nasa mabuting tao siya napunta na tulad ni Emil.

Nakangiti ako habang isinusulat ko sa aking notebook ang buhay na aking pinag daanan, nagmula ako sa isang simple at inosenteng buhay.
Nangarap na maging maayos ang aming tatahakin, ngunit nabigo dahil sa maling tao ako napunta.

Nalublon man sa putik, iba't-ibang lalaki man ang nakapiling sa puso ko ay nag iisang Emil lamang ang tanging hinalikan ko sa labi. Sa bawat gabi na puno ng kolorete ang aking mukha, bawat luha ang pumapatak pag akoy nagising na.

Napapunas ako sa aking luha, ang buong akala ko na nawala na ang nag iisang kapatid ko ang nagbigay ng sobrang galit sa aking dibdib. Nagawa ko pagbayarin ang mga taong nasa likod nito, namuhay ako mag isa na walang Emil sa aking tabi hanggang mapalaki si Emilia na mabuti at malusog na bata.

Pero sadyang ang tadhana ay para sa amin ni Emil, dinugtungan ang aming pagmamahalan, nakasal at nakita ko muli ang aking kapatid na dumagdag sa kasiyahan ko sa buhay.

Sa likod ng mga lungkot at hirap na dinanas ay nagwakas sa matagumpay at wagas na kasiyahan.

Ang bawat luha na pumatak mula sa aking mga mata ang siyang nagsilbing pighati ng aking damdamin, at nagsilbi din kasiyahan dahil walang nawala sa mga taong naging bahagi ng aking buhay.

At dito natatapos ang kwento ng aking buhay, ako Eva Symanek at ito ang aking Kwento..

Pagkatapos niya mag sulat ay inilapag niya ang puting rosas, bago isinara ang kanyang sulatan.

Huminga siya nang malalim at tumayo sabay tingin sa veranda. Malaki na ang kanyang tiyan at ito ang pangalawang anak nila ni Emil.

"Tapos ka na mahal?" Tanong ni Emil sabay yapos nito sa kanyang likuran.

"Dumating ka na pala."

Ngumiti si Emil at may inabot sa kanya,isang kumpol na puting bulaklak.
"Para sa napaka ganda kong Binibini."

Natawa ako lalu ng lumuhod pa siya
"Hayys, salamat Ginoong Orlando."

Tumayo na si Emil at muli siyang niyakap

Napapikit ako, masasabi ko nga na parang gulong ang buhay ng isang tao. Minsan nasa ilalim at minsan ay nasa ibabaw.
Ngayon ay masaya akong makakasama habang buhay si Emil, Emilia ang aking kapatid na si Magda at batang ngayon ay malapit ko na mailabas...

                              The End

Eva and Emil

#AuthorCombsmania

Muli ay maraming salamat, at sana may napulot tayong aral sa kwentong ito.

Huwag maging sakim at gahaman sa yaman o pera, ang mga tao ay may kanya-kanyang pananaw sa buhay. Katulad ni Eva na tiniis lahat para sa mahal niyang kapatid. At si George para sa sariling pangangailangan, si Maribel na natukso at naiingit si Emil na ipinaglaban ang karapatang pang tao ni Eva at si Magda na naging punot dulo ng lahat.

Salamat po sa inyong lahat, mga #combsmanianatics! Abangan pa natin ang susunod kong kwento stay tuned lang po mwahhh

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now