Chapter: 28

35 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 28

"Tulog na ba si Emilia?" 

Ngumiti ako at lumapit kay Emil

"Kanina pa mahal ko." Sagot ko 

Naupo si Emil sa gilid nang kama, tag lamig na ngayon at kumikirot ang kanyang mga binti.

Pansin ko ang kakaibang kirot sa mukha ni Emil kaya agad akong lumapit.

"Akin na." 

"Pagod ka na, alam ko naman na sobra mo na alagaan si Emilia sa maghapon.". Sagot niya

Umiling ako at agad na umupo, kinuha ang ko ang mga binti niya at ipinatong sa aking kandungan.

"Eva."

"Yung mga panahon na nasa kamay ako ni George, ang mga binting ito ay walang pagod para hanapin ako. " sabay ngiti kay Emil habang dahan-dahan na hinahaplos na may kasamang pagmasahe sa kanyang mga binti.

"Parang hindi lang man nababawasan ang iyong ganda."

"Lagi mo naman sinasabi sa akin yan at nakakataba ng puso." Tumingin ako kay Emil, pansin ko din ang pag ngiti niya. Lubos at kapwa ang aming kasiyahan dahil nadugtungan ang aming pagmamahalan.

"May sasabihin ako sayo Eva."

"Anu yun?"

"Bukas darating ang aking ama, sa totoo lang buhay pa naman siya. Hindi lang talaga kami tulad ng aking ina na magkasundo, lagi kasi siyang wala dito at nasa ibang lugar palagi."

"Kinakabahan tuloy ako, hindi ko naisip na may pamilya ka pa pala."

"Anu ka ba, ikaw at si Emilia ko. May iba na din pamilya ang aking ama at kapatid na mga kasing edad ko sa naging asawa niya."

Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang mukha ni Emil.

"Bukas ay may kasiyahan, nais ko sana na ikaw ang pinaka maganda sa lahat." Papuri niya sabay yakap dito.

"Hay naku Emil, kahit na hindi na ako mag ayos sadyang maganda ako." Bulong ko 

Natawa si Emil at tinitigan si Eva sabay maliit na halik sa noo, pisngi at papuntang labi.

Naging mapusok ang gawad na halik sa labi, ngunit maya maya ay naging banyad bawat dampi nito. Napangiti ako sa pag-angat niya sa akin katawan at tila hiniga na ako sa kabilang panig ng aming kama.

"Emil, di ba masakit ang iyong mga binti?"

Ngumiti ito at tila inilipit ang ilong sa ilong ni Magda at nilaro laro, sabay titig.

"Pinagaling mo na di ba, kaya wala ng sakit ang aking binti." 

"Talaga?"

Tumango si Emil at hinagkan muli ang labi niya, pababa sa kanyang leeg.

Napasinghap ako at napapikit, tila boltaheng init na dumadaloy yun sa buo kong katawan. Walang makakapantay sa hatid niyang romansa at pagpapaligaya sa akin.

"Uhmmm, Emil." Daing ko na tila hindi niya tinitigilan ang kanyang ginagawa, ramdam ko pagtataas nang aking balahibo dahil sa kanyang ginagawa at bakas din sa akin na ako ay nakakaramdam ng sapat na ligaya.

"Emil." Tawag ko

Nag angat si Emil at muling dumagan kay Eva, kapwa hubad ang kanilang mga katawan. Umibabaw siya at nagsimulang angkinin ang kanyang nag iisang mahal, sa una ay banayad ang mga galaw nito. Ngunit habang tumatagal ay tila mababliw na si Emil dahil nadadala na ng sobra ang init ng kanyang katawan.

"Mahal ko." Bulong niya kay Eva at yakap ng mahigpit 

Yumapos din ako kay Emil at sinabayan bawat pag galaw ng katawan, tila kapwa na kami naghihintay sa aming mga init na unti-unting namuo at ngayon ay kailang ng kumawala.

Ramdam ko ang kapwa pangangatal ng aming katawan, kasabay nun ay ang biglang tawanan namin mag asawa. 

"Mahal na mahal kita Eva." Bulong ni Emil

Ngumiti ako dahil nakakatitig siya sa akin

"Mahal na mahal din kita Emil" bulong ko.


~

"Dapat ay makilala na din natin mamaya ang naging asawa at anak niya, ganun din ikaw. Ipakilala mo na din ang iyong may bahay." Sagot ni Heneral Jones,

Dating Heneral ang ama ni Emil, ang isa nitong anak ay sundalo din si Emil lamang ang napili na simple ang buhay kaya hindi din sila nito nagkasundo.

Ngunit ngayong tumatanda na siya ay kailangan niya na makipag ayos sa anak, nabalitaan niya na nagpakasal na ito at may isang anak.

"Papa anung oras ba ang kasiyahan mamaya?" 

"Ala sais ko gagaganapin, para lahat ay makakadalo pati mga dati kong kasamahan." Sagot niya.

Ngumiti lang si Harry at napalingon ng makita ang kanyang asawa.

"Gising ka na pala?" 

Ngumiti si Magda at lumapit dito sabay yakap,

"Kanina pa, nadidinig ko kasi ang pag uusap ninyo ni Papa." Sagot niya

Inakbayan ito ni Harry at hinagkan ang noo.

"Sobra lang kasi ang galak niya, mukhang nag ka ayos na sila ng aking kuya Emil." 

"Ganun ba?" Biglang may lungkot na sumilay sa mukha ni Magda sa pag iisip na mabuti pa ang kanyang asawa ay makikita na ang kanyang kapatid.

"Magda?" 

"Naalala ko lang si Eva, hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Hindi ko alam kung nangyari sa kanya." Sabay buntong- hininga.


~

"Itatapon ninyo ako?"  

"Mabaho ka na, at wala ng umiintindi sayo." Sagot sa kanya,

May ilang kalalakihan ang nagbitbit sa kanya, sobrang taas ng kanyang lagnat. Isinama siya sa bangka para itapon sa isla.

Malungkot si Magda dahil mas lalu siyang napalayo sa kanyang Ate Eva, alam niyang gumagawa ito ng paraan para lamang maisalba siya at maiuwing ligtas.

Halos katakot takot ang kanyang takot ng makitang binabaril na lamang lahat ng may sakit, hindi siya makahinga sa takot. Nakita niya ang isang bangkay na ka edad niya at mabilis na nilagay doon ang tag name na mayroon siya.

Mabilis siyang tumakas sa isla, at di sadyang malaglag sa bangin diretso sa dagat .

Sa pagmulat niya ay bumungad na agad ang mukha ni Harry, may benda ang kanyang braso pati ulo.

Wala siyang masabi dito dahil tinulungan siya at kinupkop, itinago siya nito dahil wala din legal na papeles at dahil maimpluwensya ang kanyang ama ay nakagawa ng paraan.

Kasabay ng paglipas ng panahon ay pag-ibig din na nadarama para kay Harry, pinag aral pa siya nito na labis niyang ikinagalak hanggang sa magyaya na ito ng kasal.

Bumuntong-hininga si Magda, ilang taon na ang lumilipas, hindi niya alam kung hinanap ba siya ng kanyang Ate. Ayaw niyang isipin na pinabayaan lang siya nito kaya kahit siya ay humingi ng tulong para ipahanap ito noon.


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now