Chapter: 11

34 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 11

Maaga din ako nagising, nadidinig ko ang tugtugin na pamilyar sakin. Sumilip ako at nakita si Emil na nag eensayo na naman sa pag-sayawna may kasma muling trick na gamit ang sumbrero.

Nahumaling ako manuod, talaga nga naman na ang galing ni Emil at may kakaiba dito.

Pansin ko ang pag-ikot niya ng pag-ikot hanggang sa mapatingin na siya sakin.

Huminto ito sabay ngiti kay Eva

"Magandang umaga!" Masigla niyang bati na tinanggal ang sumbrero sabay bow kay Eva.

Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Ituloy mo lamang ang pagsa-sayaw." 

"Tapos na ako." Sagot niya at saglit na nilapitan ang musika, tinanggal niya ang plaka at muling lumapit kay Eva.

"Nakapag-pahinga ka ba ng maayos?" 

"Oo, sobra-sobra. Salamat sa ginawa mong pag-tulong sa'kin." Sagot ko 

"Walang anuman Eva, para sayo lahat gagawin ko." 

Tumingin ako sa kanya, tila seryoso siya sa mga binitawan niyang salita.

"Salamat, pero kailangan ko na din bumalik."

"Mag-agahan ka muna." 

Umiling na lamang ako, sobra-sobra na naibigay sa akin ni Emil at kailangan ko na talagang makabalik.

"Hindi na, kailangan ko na bumalik at magpapadala pa ako kay Magda." 

"Sige, ihahatid na kita. Kukunin ko lang ang coat ko." 

Nakita ko siya na tumalikod, tila nakakalungkot na aalis na ako sa bahay na ito.

Bigla ako nagulat sa babaeng sumulpot na lamang kung saan.

"Magandang umaga." Bati ni Brena.

"Magandang, maganda umaga din. " sagot ko, at tingin dito. Sa tantya ko ay hindi nagkakalayo ang edad nila ni Magda. Muli ako nalungkot sa pagkaka-isip sa aking kapatid.

"Kamusta na kaya siya?" Sa isip ko lamang.

"Eva?" 

Nawala ang aking pag iisip ng pukawin akonng boses ni Emil.

Nakita ko siya na nakabihis kaya agad na akong lumapit sa kanya.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo, may naalala lamang ako." At ngumiti na lamang ako ng matipid.

~

Kanina pa pabalik-balik ng lakad si George, tila galit na galit sa ginawang pangingielam ni Emil at pagtangay kay Eva.

"George, naririto na sila!" Sigaw ng isa sa mga babae niyang alaga.

Nagpupuyos ang kanyang dibdib sa galit ng madinig iyon kaya nagmamadali  niyang tinungo ang pintuan.

Sakto naman na nakita kong bumungad sa amin si George, halata sa mukha nito ang galit na tila naiinis dahil magkasama kami ni Emil.

"Eva!" Tawag niya at mabilis na hatak sa kamay nito at halos ipasok sa loob.

Nagulat ako sa ginawa ni George lalu at mabilis niya akong ipinasok sa loob, halos hawakan ako ng ibang kababaihan na aking kasamahan.

"George, anu bang-"

Hindi naituloy ni Emil pagkat agad siyang sinuntok ni George kaya sumubsob siya sa sahig.

"Hindi ka na makakalapit kay Eva,simula ngayon sisiguraduhin ko na hinding-hindi mo na siya makikita!" Muli niyang sigaw.

Tumayo si Emil at susugod kay George ngunit bigla itong bumunot na baril, agad siyang napaatras at tumaas ng kamay.

"George, bitawan mo yan." Malumanay nitong sabi.

"Bakit, natatakot ka?" Sabay ngisi nito.

Nakita ko ang ginawa ni George kaya mabilis akong lumapit at inawat ang kamay niya

"Pakiusap huwag, huwag mong gawin to George." Pagmama-kaawa ko at tumulo na ang luha.

"Hindi siya magtatanda, kung hindi ko tuturuan ng leksyon ang lalaking yan!" Sigaw niya na halos lalu pang itinutok kay Emil ang baril.

"Pakiusap tama na, tinulungan lamang niya ako dahil nasaktan ako. At wala siyang ginawang masama sa akin." Paliwanag ko, hinawakan ko ang mukha niya para sa akin mapunta ang kanyang tingin.

"Pakiusap George, huwag." 

Napalunok si George at bumuntong-hininga, walang iba nakaka awat ng galit niya pero ngayon tila isang Eva ang pumukaw nang kanyang damdamin at galit. Napilitan siyang ibaba ang kamay sa pagkakatutok ng baril kay Emil.

"Tandaan mo eto Emil, akin si Eva. Akin lang kaya wala kang karapatan!" Sabay hawak sa kamay ni Eva at tumalikod,

"Eva!" Tawag ni Emil

Lumingon ako kay Emil, may luha pa ako sa aking mga mata.

"Eva!" Muli niyang tawag ngunit isinara na ang pintuan ng mga babaeng nakiki usyoso.

Huminga ng malalim si Emil bago tumalikod.

~

"George!" Tawag ko habang nakasunod sa kanya

"Bakit mo ginawa yun? Pa'no kung napatay mo si Emil?" 

Lumingo siya sabay hawak sa magkabilang balikat ni Eva.

"Makinig ka ,walang ibang may karapatan sayo kundi ko lang, pagmamay-ari kita kaya ako lamang ang susundin mo!" Sigaw nito 

Hindi ako nakaimik, kung maaari lang ko makaalis ngunit malabo pagkat pati ang pera ko ay nasa kanya. Binitawa na niya ako at muling tumalikod, pansin kong kinuha niya ang maleta.

"Mag-ayos ka na nang mga gamit mo, lilipat na tayo!" 

"Aalis tayo? Pero bakit?" 

"Wala nang maraming tanong Eva, mag-impake ka na!" Utos muli George at tinuloy na ang pag iimpake.

Wala na akong magawa, laglag ang balikat kong tumalikod.

Aalis na muli kami at sa pag-alis na yun ay kalungkutan ang mamamayani sa akin.

"Emil." Bulong ko.

#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now