Chapter: 5

42 3 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 5

Halos balutin ng luha ang aking mga mata dahil sa pag-iyak, nakabalot ako nang kumot at iniwan na parang walang nangyari. Nakita ko ang pera na inilapag nito sa kama, dagdag bayad bilang pakunswelo dahil birhen ako. Muli akong napa-pikit at halos hindi makahinga ng ayos, nadinig kong may kumatok sa pintuan ng Hotel.

"Saglit!" Sigaw ko at mabilis na tumayo, agad akong nagbihis. 

Nang matapos makabihis ay muling tinungo ang pintuan, pagka-bukas ay nakita ko si George at agad itong pumasok sabay alis ng top hat na suot sa kanyang ulo.

"Kamusta?" Bungad na tanong nito.

Hindi agad ako umimik at muling naupo sa may gilid ng kama.

Naiinitindihan naman ito ni George kaya naupo muna siya sa bakanteng upuan.

"Eva, hindi lang ikaw ang babaeng ganito ang naging sitwasyon." Umpisa nito

Napatingin ako sa kanya,

"Lahat sila ay natagpuan ko lamang din sa kalsada, palakad-lakad walang mapuntahan. Kinupkop ko sila, pinakain at tinanggap ang trabahong ibinigay ko kapalit ng matutuluyan at pagkain."

"Pero hindi sa ganitong paraan George! Hindi ang pagbebenta ng katawan" sagot ko 

"Sa tingin mo, madali mabuhay sa lugar na ito? Sa tingin mo kakayanin mo kumita nang malaking halaga para sa kapatid mo?" Magkaka-sunod niyan tanong sa isinagot ni Eva.

Hindi ako naka-imik sa mga tanong niya.

Tumayos si George at lumapit kinuha ang kamay niya at nilagay ang pera na kinita sa bumili.

"Hindi ka kikita ng ganyang kalaking halaga, lalung hindi mo mapupulot yan." At lumapit ang mukha niya kay Eva.

"Kailangan mo ito para sa kapatid mo, kailangan mo kumapit sa patalim para lamang mapagamot siya " dagdag niya at lumayo para tumalikod.

"Hihintayin na lamang kita sa labas."

Tuluyan ng lumabas si George at naiwan si Eva.

Napatingin ako sa perang nasa kamay ko, kalahati iyon ng halaga sa bumili sa'kin. Muling pumatak ang luha ko, 

"Ito lamang ang halaga ng aking dignidad, ng aking iningatan na puri." Bulong ko sabay pikit.

~

Halos mag iisang buwan na pananatili ko kay George ay tila nasanay na ako sa aking buhay na pinasukan.

Umikot ang mundo ko sa mga kamay niya, naging sunod-sunuran ako ngunit hindi ako tumulad sa mga kasama ko na sanay na sa ginagawa.

Pagkatapos  ako gamitin ng bumili sakin ay magbababad ako sa tubig, ang paglagaslas ng tubig ang siyang lumilinis sa madumi ko na ngayong pagkatao.

Bumuntong-hininga ako, hindi naman ako mabubuntis dahil may proteksyon sila at ayoko din mangyari ang bagay na yun.

Halos yakapin ko ang tuhod habang nakababad ako sa bath tub. Nangarap ako na ang lalaking mamahalin ko ang pagbibigyan ko ng aking dangal, na siya lang ang makakahawak at makakahaplos ng aking katawan.

"Ngunit sa panaginip na lamang marahil iyon, hindi ko na matatagpuan ang lalaking yun." Bulong ko at bumuntong-hininga.

Naipadala ko na din sa hospital ang pang gastos ni Magda, pero hindi pa ako makadalaw sa ngayon lagi na lamang nakabuntot si George at sinasabihan ako na hindi makakalayo.

Mabuti na lamang at may nalalapitan din ako para ipadaan ang pera para kay Magda, ayaw lang kasi ni George na sa malalayong lugar ako magtungo.

Muli akong napailing.

"Tila hindi na ako makakatakas sa kanya, mukhang dito na lamang ako pang habang buhay."

~

Hindi ko pa kilala ang lugar na bago namin nilipatan, nagka-higpitan daw kaya kailangan namin lumipat nang bagong tirahan.

Maluwag-luwag din ang aking bagong kwarto, hindi pa kami nakakapag-tanghal sa ngayon dahil na din bago pa lamang at madaming inaayos si George.

Nakatanaw ako sa bintana, pansin ko ang mga nagkaka-sayahan sa labas, nalibang ako panuorin ang mga naglalaro na bata na tila naghahabulan.

"Ayos ka lang ba dito?" 

Lumingon ako at nakita si George, nakasandal siya sa pintuan.

"Maayos naman." Maikli kong tugon.

Pumasok si George at bahagyang lumapit sa bintana, sinilip niya ang tinitingnan ni Eva.

"Halos ang lahat ay nasa labas para maglibang, bakit hindi ka muna lumabas?" 

Hindi ako umimik, siya din naman ang nagsabi na huwag kaming lalabas. Kaya hindi ko siya maintindihan sa ngaun.

"Eva, binibigyan kita ng pagkakataon ngayon. May malapit na teatro sa kabilang kanto. Madaming nagtatanghal, sigurado ako na malilibang ka." 

Tumingin ako sa kanya, nakikita ko na seryoso siya sa kanyang sinasabi.

"Maaari ba talaga?" 

"Oo, basta huwag ka lamang magpa-abot ng gabi. Kabisado mo na din naman pabalik dito tama ba?"

Tumango ako at ngumiti.

"Salamat." Sagot ko at nagmamadaling mag-suot ng coat at lumabas ng kwarto.

Napangiti lamang si George, ayaw niya din maghigpit kay Eva dahil lumalayo ang loob nito sa kanya. Ngunit ayaw niya na mawala pa ito sa piling niya.


#AuthorCombsmania


The Immigrant ( Completed story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon