Chapter: 16

25 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 16

Hindi ko magawang makatulog, tila laman ng isipan ko si Emil ngayon. Bumangon ako at sumandal, buong buhay ko ay hindi ko natutunan ng magmahal dahil sa pag aasikaso kay Magda, sadyang sakitin ito kahit noon pa at halos ako ang nag aasikaso. 

Mas lalu akong nangamba ng kumalat ang epidemya sa boong poland, kaya mabilis kaming tumakas at umalis sa aming bansa. Ang buong akala ko ay wala sa aming tinamaan, ngunit nagkamali ako at si Magda ay may karamdaman nang taglay.

Sa kagustuhan ko na matulungan siya ay magkasama muli, pikit mata ko na tinanggap ang alok ni George. Kumapit ako sa patalim, ang mundo ko ay nabalot ng dilim sa mga kamay niya at ng iba't-ibang lalaki. Ngunit sa kabila lahat nito ay isag puting rosas ng nagpangiti sa kin, ang rosas na nagmula kay Emil.

"Sayang, huli na tayo nagkakilala. Kung maibabalik ko lamang ang lahat nais ko na ikaw ang kauna-unahang lalaking aangkin sa akin." Bulong ko at malungkot na napayuko.

Noong una, labi ang tiwala at paghanga ko kay George dahil tinulungan niya ako. Ngunit naglaho lahat yun ng ilugmok niya ako sa putikan, hindi nga lang putik kundi kumunoy na unti-unti na akong nilalamon. Masakit na hindi ako makabangon noon, pero naririto si Emil para lamang iahon ako sa putikan na aking kinasadlakan.

Napahinto ako sa isipin na yun,

"Pano ba ako makakabawi sa lahat-lahat?" Napilitan akong umalis sa higaan at tumayo, nagkaroon na din ako ng mga kagamitan sa kwartong ito na lagi niyang binibili lalu ang mga damit na pantulog at pambahay.

At dahil sa mga ginagawa ni Emil ay tila unti-unti na ako nagkakaroon ng pag asa, lagi siya ang nagababayad sa bawat gabi ko para hindi na ko mapunta sa iba.

Paglalabas ko ng kwarto ay nadidinig ko ng tutugin nang isang orchestra. Sumilip ako at nakita kong nag eensayo siya ng pagsasayaw.

Ngumiti ako bahagya, madami siyang talento na tila talagang nakaka engganyo.

Nang matapos ay hindi ko mapigilan ang aking pagpalakpak 

Lumingon si Emil at nakita si Eva.

"Gising ka pa pala?"

Ngumiti ako at tumango,

"hindi ako makatulog, mahilig ka palang mag sayaw talaga?" 

"Oo, saglit." Lumapit si Emil at tinanggal ang plaka may ipinalit siya doon." Sabay tingin kay Eva at senyas.

Umiling naman ako dahil hindi ako marunong sumayaw.

Ngunit lumapit si Emil at agad na hinawakan ang aking mga kamay.

"Hindi ako marunong  Emil." Bulong ko.

"Huwag kang mag alala, tuturuan kita." Sagot nito lalu at last waltz ang mga tugtugin.

Mabilis na pinahawak ni Emil sa kanyang balikat ang mga kamay na isa ni Eva. Humawak siya sa beywang nito ang isang kamay ay kapwa magkasalukop.

Ngumiti si Emil sakanya.

"Gayahin mo lang bawat galaw ko. At isapuso mo lamang ang mga tugtugin." Bulong nito

Napatingin ako sa kanya, nagsimula na siyang humakbang. Tila nadala ako at ginaya lamang ito, umikot si Emil na pati ako ay natatangay., napangiti ako para kaming mga Prinsepe at Prinsesa sa mga babasahin namin ni Magda at tila nagsasayaw ng walang humpay.

Pinagmamasdan din ni Emil ang mukha ni Eva habang nagsasayaw, tila nakikita sa mga mata nito ang kasiyahan na walang humpay. At pansin niya na naeengganyo na ito. Kaya mabili na inilapit ang katawan at tila iniliyad si Eva.

Parang tunay ang aming pagsasayaw, nang muli akong makatayo ay napatitig ako kay Emil, kita ko ang kasiyahan sa kanyang mga ngiti at mata.

"Salamat, kahit paano marunong na akong sumayaw. Matuturuan ko pa si Magda." Wika ko at ngiti.

"Walang anuman, salamat at na engganyo ka." Sagot nito.

Muli akong ngumiti at tumitig kay Emil.

Tila parang namamagneto na si Emil sa mga titig ni Eva, muli niyang naalala ang plano bukas ni George. Hindi alam ni Eva na imbitado din siya, mabuti at masquerade party ang ginanap ng ambasador.

"Eva." Malumanay kong tawag sa kanyang pangalan.

"Bakit?" Ngunit hindi siya sumagot kundi nakatitig lamang sa akin.

"Gusto ko malaman mo na." Kinuha nito ang kamay ni Eva at nilagay sa kanyang dibdib.

Nagulat ako sa ginawa ni Emil, hindi ko maintindihan kung tama ba ang nasa isipan ko.

E-emil?" 

Ngumiti si Emil at lumapit bahagya ang kanyang mukha para hagkan ang labi ni Eva.

Napapikit ako sa ginawa niyang paghalik, aaminin ko na kahit ilang lalaki na ang nagsawa sa aking katawan ay wala akong hinalikan sa labi. Tanging ang aking labi na lamang ang nagiisang kayaman ko na maari ko maibigay sa lalaking mahal ko, oo sa lalaking mahal ko at si Emil iyon.

Saglit lamang ang iginawad niyang halik ngunit puno iyon ng pagmamahal para kay Eva, muli niyang pinagmasdan ang mukha nito at hinaplos bahagya.

Dumilat ako at nakita ko siyang nakangiti, hinawakan ko ang mga kamay niya at tila inilapit sa pisngi.

"Hindi ka man maniniwala, ngunit ikaw lamang ang unang lalaking humalik sa aking labi." 

Niyakap siya ni Emil 

"Naniniwala ako, lahat ay pinaniniwalaan ko Eva." Bulong niya.

Niyakap ko din siya ng mahigpit, hindi ko man alam ang ibig sabihin ng kanyang halik ngunit isa lamang ang ibig sabihin sa akin nito.

"Mahal ko si Emil at hindi ako magsasawasa sa piling niya."


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now